Chapter 4.b -- Ikakasal na ko?!

6.2K 93 5
                                    

Christine's Pov

"당신을 결혼 할거야."

“Huh?! Ma! Huwag nga kayong magbiro nang ganyan!” Wag talaga. Hindi iyon pwede!

“Pero hindi ako nagbibiro, anak. Ikakasal ka na talaga. Pinagkasundo ka na namin sa anak ng anak ni Mr. Jiro Kyung.”

Aaaahhhhhh!!!! - napasigaw ako kasi biglang nabuga ni Zyren ung tubig na iniinom niya nung marinig niya ung part na "anak ng anak ni Mr. Jiro Kyung".

"Yuck ka, Zyren!!!! Bat mo ako binugahan ng tubig na galing sa bibig mo?! Argh! Nakakainis!" sabi ko. Naguguluhan na ako. Feeling ko mahihilo na ako sa pagkabigla.

"Ay! Teka pupunasan kita!" tumayo siya para kumuha ng tissue pero pagkabalik niya bigla kong tinakpan ung dibdib ko. Dun kasi yung part na nabasa. Ano ba? Bska sinasadya niya lang talaga na doon mabuga yung tubig? Putspa. Manyak.

"Wag na! Baka kung ano pang mapunasan mo jan! Ako na. Kaya ko na to. Manyak ka talaga!"

"Ako na nga nagmamagandang loob, aangal ka pa jan! Sige na, ako na magpupunas. Kasalanan ko naman eh."

Tinabig ko yung kamay niya, "hhhhmmm! Ayoko nga! Manyak!"

"Tss. Bahala ka nga jan. Sungit naman neto." sabi niya habang nakakamot ulo.

"EHEM!!! Baka nakalimutan niyong nandito pa kami?" singit ni Matt. "Tara na nga, baka nakakaistorbo pa tayo sa kanila." sabi ni Xander.

Ay oo nga pla. Ano ba yan. Bat napunta lang lahat ng atensyon ko sa lalaking to?! Ang malas malas ko naman ngayong araw.

“(cough) (cough) Ano pong sinabi niyo, Tita? Anak ng anak ni Lolo? Eh diba ako yun?!" tanong ni Zyren kay Mama habang lumalaki ang mga mata.

"WHAT?! No way! Wala ka bang kapatid?" tanong ko. Bakit siya? Siguro naman may kapatid pa siyang iba diba? Ayoko T.T

"Heh. Swerte mo, wala." sabi niya sakin habang nakangiti. Nakukuha niya pang ngumiti sa lagay namin ngayon?! "Pero bakit hindi po sakin sinabi ni Lolo?" tanong niya kay Mama.

"Is this some kind of a joke? Prank ba to? Hindi na to nakakatawa ah. MA!!!! Seryoso ba talaga kayo? Ipapakasal niyo ako sa mokong, kumag, mayabang at manyak na lalaking 'to?" sabay turo ko kay Zyren.

"Aray naman." sabi niya sabay hawak sa dibdib niya. "Kung makalait ka, parang wala tayong pinagsamahan kanina. Mokong na kumag pa. Bahala ka hindi kita papakasalan niyan, sige ka."

"Aba, ikaw pa nanakot, no? At sinong may sabi na papakasalan kita? Tsaka totoo naman lahat ng sinabi ko ah?! Hindi mo lang inaamin sa sarili mo. Tsk."

"Uhm... Excuse me, pwedeng makisali? Pwedeng magsalita?" sabi ni Mama. Hala, naignore ko na naman sila dahil sa lalaking to. "Sa April 1 na ang kasal ninyo, anak. Kaya buti nalang nagkakilala na kayo sa school balak kasi namin bukas pa kayo pagkitain eh." tumingin si Mama kay Zyren sabay ngiti, "Ang gwapo pala ng magiging manugang ko!"

"Ma! Talagang bang magpapakasal na ako? Bakit? Hindi pa pwede pag minor diba?"

"Oo, anak. Ikakasal ka na kaya tanggapin mo na ngayon palang. Kasi yan lang naman ang tanging hinihiling ng lolo mo na kapag lumipat ka na sa Louis Christian Academy. Ipapakilala na namin kayo sa isa't isa at iyan ang napagkasunduan ng mga lolo ninyo ni Zyren. At yung tungkol naman sa minor minor age na yan, sa Motherland namin kayo pinaregister ng marriage kaya pwede na." explain ni Mama sa amin.

"Sa Motherland?" tanong ni Zyren.

"Oo, sa South Korea." sabay ngiti ni mama sa kanya.

Bigla nalang akong napaiyak ng di oras, nang di ko namamalayan. Feeling ko kasi pinapamigay na ako ng mga mgulang ko. Tsaka bakit sila yung dapat pipili ng magiging asawa ko? Diba dapat ako kasi ako yung ikakasal tsaka ako naman yung makikinabang sa kanya?

Hindi ko na kinakaya yung atmosphere namin kaya umalis na ako at tumakbo papunta sa kwarto ko.

"Anak!" tinawag ako ni Mama pero hindi na ako bumalik pa.

after a few minutes

Naririnig ko pa rin silang nag-uusap sa ibaba kahit nandito na ako sa kwarto ko. Mukhang nabibiro na ni Zyren sila Mama. Tss."Sige po Tita, aalis na po kami. Maraming salamat po! Ipagpaalam niyo nalang po kami kay Christine. Sige po, hanggang sa uulitin!" paalam ni Zyren kila Mama.

"Sige po! Maraming salamat!" sabi ni Matt

"Maraming salamat po!" sabi ni Jacob and Xander.

Salamat, umalis din.

Matt' POV

"당신을 결훈 할거야." nung narinig ko yan mula sa Mama ni Christine, hindi ko alam pero nabigla ako at biglang sumakit ang dibdib ko. Pinaplano ko pa sanang ligawan siya kaso ikakasal na pala. Pero bakit kay Zyren pa?! Pwede namang sa akin nalang diba? Okay lang din sa iba kasi pwede ko pa siyang maagaw pero pag dating kay Zyren, hindi pwede. Heh. Hindi talaga pwede.

Ano kayang gagawin ko? I like Christine but Zyren is my friend and i know that he likes her too. There's too many shits happening in my life. Ugh.

Christine's POV

What the F is going on?! I don't want to get married at my age! Takte, ayokooo T.T

Bhes calling...

“Hello? Bhes? Oh, bat ka napatawag?”

“Bat ganyan yung boses mo? Umiiyak ka ba?”

(sob) Bhes, ikakasal na ako.” at hindi ko na talaga napigilang umiyak ng malakas.

“Ano?! Ikakasal ka na?! Naunahan mo pa ako?!"

“Gaga! Umiiyak na nga ako dito niloloko mo pa ako!”

“But who's the unfortunate man?”

“Sira ka talaga! Unfortunate? Siya pa ang unfortunate ngayon? Bestfriend ba talaga kita?”

“Eto naman, pinapatawa lang kita. Haha. Dali, sino ba?”

“Si...”

“Si?”

“Si Zy...”

“ren? si Zyren?! Si Zyren Justine Kyung na anak ng may-ari ng school natin?! Seryoso ka bhes?!”

“Oo, oo at oo. Seryoso ako Bhes. Si Zyren ung pinapakasal nila sa akin.”

“Nako, Bhes. Ang malas naman niya sayo. Pero pano nangyari yun? Kayo na ba, ha? Nauna ka pa samin ni Kevin pero alam ko namanna  dadating din kami jan. Excuse me 2 years na kami no.”

“Gaga ka talaga! Nakakainis ka na ah.”

“Haha! Talaga! Oh, dali na. Magkwento ka na. Pano ba nangyari yun?”

“Ganito kasi un, Pinagkasundo daw kami ng mga lolo namin, best friends din daw sila eh. Matagal na daw alam ng parents namin yun. Hinintay nalang daw nilang mag-aral ako sa Louis Christian Academy para masabi nila sakin. Ang unfair kaya nun! Ako yung ikakasal tas sila ung pipili ng groom ko?! Feeling ko tuloy pinapamigay na nila ako. wwwaaahhh!!!! Bhes, buti nalang nanjan ka.”

“Ah... Eh ganun namn pala un. Ang swerte mo kaya, Bhes! Makakapangasawa ka na nga ng mayaman, gwapo pa! Tsaka prang mabait naman si Zyren ah?”

“Si Zyren? Mabait? Ppppuuuuuuu! Ahahahahaha! Ang hilig mo talaga mag-joke, bhes! ahahahaha! Grabe! Pero HHIIINNNNNNNDDDIIIII!!!!!!! AYAW.

“Hindi ako magpapakasal sa lalaking yun. Hinding-hindi. NeVAH!”

“Sus! Baka naman kainin mo yang mga sinasabi mo ah.”

“Hindi no. Sige na bhes, gabi na eh. Tulog na ako. May pasok pa bukas. good night, Bhes."

“오, 잘자. (Oh, Good Night), bhes!”

Ano kaya mangyayari bukas pag nagkita kami ni Zyren? tsk! katabi ko pa naman yun sa seat plan. Hannuu baaa yaannn

________________________________________________________

Salamat sa mga nagbabasa!

ung youtube video ung ringtone ni Christine... try niyo pakinggan..

ung sa photo si Xander Rham Jang. Oohhh. cutiepie

Vote and Comment!

Thanks for reading!

"Forcedly" MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon