Christine’s POV
Nandito kami ngayon sa Gym dahil magsisimula na ang opening ceremony para sa ngayong school year. Buti nalang kamo at nagbell na. Nakaligtas ako mula dun sa babae na akala ko sasakmalin na ako sa sobrang sama ng tingin sa akin kanina. Akala ko talaga mahina lang yung pagkakabulong ko kay Bhes pero nagulat nalang ako nang biglang tumingin na yung babae sa akin nang masama. Grabe, ayoko nang magkita pa kami. >.< Nakakatakot siya.
Habang naglalakad kami, napapanganga nalang kaming dalawa ni Bhes sa sobrang laki ng nilalakaran namin. Gym ba talaga to? Bakit sobrang laki naman?
“Wow, Bhes. Ang dami palang estudyante dito no? Tas sobrang laki pa ng gym nila. Nakakalula sa laki.” Sabi ko habang nakatingin ako sa mataas na ceiling. “I know right? Kanina pa nga kita napapansing nakanganga dyan eh. Isarado mo nga yan, nangangamoy na eh.” Sabi niya sabay hawak sa ilong niya. Tinignan ko siya nang masama, “Ang hard mo naman sakin! Nagtoothbrush naman ako kagabi ah!” biro ko.
“Ahaha! Kaya pala eh! Kagabi ka pa kasi nagtoothbrush! Haha! Teka nga, nasan na nga pala yung si Kevin?” tumingin-tingin siya sa paligid niya para hanapin si Kevin. Nakita ko na siyang papalapit sa amin. Tinakpan niya yung mata ni Bhes pagkalapit niya sa kanya. “Ako ba hinahanap mo?” tanong niya. “Kev?” tinanggal ni Bhes yung kamay ni Kevin sa mga mata niya at nilingon siya sa likuran, “Munch!” nagyakapan sila na parang wala ako. Grabe na talaga. Kailangan ko na ng boyfriend. T.T
“Oh, tama na yan. Baka dito pa kayo langgamin. Nakakahiya.” Sabi ko habang pabirong binubugaw sila paalis. “Weh? Inggit ka lang eh. Maghanap ka na kasi ng boyfriend para may kalandian ka din.” Dumipensa agad ako. “Ayokong humanap. Ayokong magkaboyfriend para lang may kalandian no. Dadating din naman siya eh. Sa tamang panahon.”
"Excuse me!" biglang may umeksenang lalaki sa gitna naming dalawa habang nag-uusap kami ni Bhes.
Tinignan ko kung sino at nung narealize ko na isa pala siya dun sa mga lalaking sinisigawan kanina sa gate, “Hala. Si Mr. Badtrip pala to. Inisin ko kaya?” naisip ko. Hindi kung bakit pero simula kanina nung nakita ko siya hanggang ngayon na nakita ko na naman siya, kapag tinitignan ko yung mukha niya parang ang sarap niyang asarin. Parang may urge na nagsasabi saking asarin ko siya. xD
“Excuse me!” sabi niya ulit. “Dadaan ako eh. Pwedeng tumabi ka?” sabi niya at alam kong ako yung sinasabi niya non dahil sa akin siya nakatingin. Hindi ako gumagalaw at patingin-tingin lang sa paligid na parang wala ako narinig. Napakamot siya ng ulo, “Hoy, Miss! Tumabi ka nga dyan!” sabi niya na may galit na tono ng boses.
“Ano? Sino ka para tawagin akong "Hoy"? Tsaka ang luwag-luwag ng daanan diba? Pwede namang sa iba ka nalang dumaan? Isip isip din pag may time.” Sabi ko habang nakaturo sa ulo ko at nakatingin sa kanya. Nagsmirk siya. “Eh anong bang magagawa mo? Gusto kong dumaan sa pagitan niyo eh. Bakit ba?! Tumabi ka nga dyan!”
Hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari. Tinulak niya ako at napadapa ako sa sahig. At dahil hindi pa ako nakakaranas ng ganoong klase ng approach, nagalit ako. Bat kailangan niyang manulak? Pagkatayo ko, nakatalikod na siya sa akin at paalis na. Pero hinawakan ko ang balikat niya at pinaharap ko siya sa akin sabay suntok ko sa kanya kaya lang…
BINABASA MO ANG
"Forcedly" Married
Ficção AdolescentePaano kung pinagkasundo ka ng parents mo sa apo ng may ari ng mamahaling school na pinapasukan mo before ka pa maipanganak at ngayon, ikakasal ka na? Anong gagawin mo? Mapipilit mo bang hindi ka nila maipakasal sa lalaking hindi mo naman kilala pero...