Nandito ako ngayon sa balcony ng Shinhwa Hotel kasi mag uusap daw kami ni Sir Vince. Ano kayang sasabihin niya?
"Sir Vince..." tawag ko habang papalapit sa kanya. Humarap naman siya sakin at ngumiti tas nilapitan niya na rin ako. "Upo muna tayo. Baka kasi matagalan ung usapan natin eh." alok niya. Umupo naman ako at slight na kinakabahan. hIndi ko kasi alam kung anong sasabihin niya sakin ngayon na alam na niya ang buong katotohanan tungkol samin ni Zyren.
"Sige sir, sabihin niyo na po kung ano man ung gusto niyong sabihin sakin." agad na sabi ko pagkaupo. Then he sighed muna bago magsalita.
"Okay, here it goes... Simulan natin sa pinaka una. Why did you two got married? Is there any particular reason for that?" tanong niya habang nakatingin siya sakin ng diretcho at seryoso. Napalunok naman ako bago ako sumagot,"Eh kasi sir, our grandparents made a promise to each other na ipapakasal nila ung next generation ng mga anak nila. And that promise was made before i was born."
"Talaga? You've done an arranged marriage? Pero pano ka pumayag kung hindi mo naman masyadong kilala si Zyren nung una?"
"Our parents did something para makapagbond kami bago pa kami ikasal pero wala namang nagbago nun eh..." and un, sinabi ko na sa kanya lahat ng tungkol sa sikreto namin ni Zyren na ngayon, hindi na sikreto. At nung tapos na kong magpaliwanag, he looked so confused. "Well, i guess i have to stop being sweet to you na... Eh hindi na pwede diba?"
"Sir, gusto ko po sana na kung ano man ung nalaman niyo tungkol sakin eh hindi maging dahilan un ng pagiging awkward natin sa isa't isa. Tsaka gusto ko po sana na kung ano man tayo dati, sana ganun parin po tayo hanggang sa kung saan man abutin." he looked surprised from what i said then smiled afterwards.
"I'm surprised dahil sa sinabi mo pero natutuwa din ako. Kasi hindi ko na kailangang magbago ng pakikitungo ko sayo. I like what we are... pero kung nagkakilala lang sana tayo ng mas maaga edi sana..."
"huh? sana ano po?" naguluhan ako. "Sana naging ka nalang... Pero wala namang dapat sisihin kasi i guess this is all planned by GOd at hindi ko na pwedeng baguhin un. Haha. Ay nako... Late confession na ko. haha." then he laughed so hard na parang napipilitan nalang siya. AKo naman, still at shock dahil sa confession niya. And that made me realize na kaya pala he's been so sweet to me all this time kasi may love pala siya para sakin.
Naiinis ako sa sarili ko... >.<
"Excuse me muna ah... Kailangan ko na kasing bumalik sa kwarto ko eh. Siya nga pala, do well on your explanatory speech bukas sa ending party okay? See you." then he walked away from me. Siguro nga nasaktan din siya sa nalaman niya and he couldn't control kaya nagwalkout nalang siya. Naiinis ako sa sarili ko ngayon kasi i've made another important person to me sad and cry. I know that he's crying kasi pagkatalikod niya, nakita kong pinunasan niya ung luha niya dahil nakatapat siya sa mirror nung tym na un.
Ayokong may umiiyak ng dahil sakin. Ayokong may naooffend akong tao at ayokong may nasasaktan ng dahil sakin. Kaya lang dahil nga sa nangyari kagabi, hindi na naiwasan na masaktan ang mga taong umasa at naloko. Bumalik nalang ako sa kwarto ng dahan dahan na medyo naiiyak narin. Naisip ko kasi ung mga taong nasaktan din dahil sa ginawa namin. Lalo na si Sir Vince... Ayokong gamitin ung term na 'naaawa' kasi pangit pakinggan eh. Nalulungkot ako para sa kanya kasi kung ako rin naman ung nasa kalagayan niya, masasaktan din ako. KAsi umasa ako eh... Umasa na pwede pa kasi boyfriend lang naman diba? TT____TT
"Oh babe, san ka ba galing ha? Tsaka... what's that?" hinawakan niya ung mukha ko at nilapit niya sa mukha niya. "Is that tears? Bakeet? anong problema? May nagpaiyak ba sayo ha?" tanong niya na may kasamang pag aalala.
"(sniff)(sniff)(sob)" umiyak nalang ako sa harapan niya tas niyakap ko sya ng mahigpit at humagulgolski. His face looks like confused and puzzled kasi hindi pa rin ako nagsasalita hanggang ngayon. Iyak lang ako ng iyak. Nilabas ko na lahat ng luhang pwede kong mailabas hanggang bukas.
BINABASA MO ANG
"Forcedly" Married
Ficção AdolescentePaano kung pinagkasundo ka ng parents mo sa apo ng may ari ng mamahaling school na pinapasukan mo before ka pa maipanganak at ngayon, ikakasal ka na? Anong gagawin mo? Mapipilit mo bang hindi ka nila maipakasal sa lalaking hindi mo naman kilala pero...