Chapter 1

1.1K 18 2
                                    

“Kapag hindi mo tinantanan ang aso ko, hindi ako magdadalawang isip na ihampas 'to sa ulo mo!” malakas na banta ni Devon sa lalaki sa kabilang bakod ng kanilang apartment.  “Naririnig mo ba ako?”

“The entire village could hear you!” malakas din na sagot ni James sa maliit na babaeng nasa kabilang bakod. 

Nanlilisik ang mga mata ng babaeng nasa harapan niya.  Sayang, she’s really pretty,  bulong ni cJames sa sarili.  Naka-halter siya ng pula at kupas na maong shorts.  Morena, maputi ang mga ngipin at may magandang hugis ang mukha.  Nakapusod ang mahaba nitong buhok at mayroong suot na eyeglasses.   Pero mas nakakuha nang atensyon ni James ang dos por dos na hawak nito at inaambang ihampas sa kanyang ulo.

Muntik nang mahuli ni James ang maliit na asong lumulusot sa pagitan ng mga rehas na bakod na naghihiwalay sa dalawang apartment yunit.  Halos isang linggo na niyang napapansing nawawala ang kalahati ng kanyang tsinelas o kaya't tila nginatngat ang kanyang mga sapatos.  Noong ipinasok na niya ito sa loob nang bahay ang kanya namang mga halamang nasa paso ang napaginitan ng maliit na halimaw.  At kahapon pa nga, ay muntik na niyang matapakan ang duming iniwan nito sa kanyang garahe.  Muntik na niyang maabutan ang pasaway na aso nang lumusot ulit sa bakod at doon na siya sinuimulang ambahan ng cute na babaeng nasa harapan niya. 

“We could talk about this. I really have a huge problem with your dog,” wika ni James.  Nakita niyang bahagyang namula ang psingi nang dalaga.  Inayos niya ang salamin sa mata, pero hindi pinansin buhok na nahulog mula sa kanyang tali. 

“Eh, makikipag-uysap ka din pala, bakit kailangang hampasin mo pa ang aso ko,”  mataray na sagot ni Devon sabay nguso sa hawak na tubo ni James na ginagamit niyang panghabol sa aso.

“ Okay, I’m unarmed. How about putting that down?” Sabay nguso sa hawak ni Devon na kahoy.

Ibinaba ni Devon ang hawak na kahoy at nakapamewang na lumapit sa lalaki.  Gwapo din naman pala, bulong ni Devon sa sarili.  Halos anim na talampakan siguro ang taas nang lalaki, maputi at matangos ang ilong.  Hindi gaanong malaki ang pangangatawan pero well-built ito. Ang sabi ng kanilang landlady, isang half-Australian, half-Pinoy daw ang kanilang bagong kapitbahay.  Umuwi daw ng Pinas nang tanggapin ang isang career opportunity, at para na din makilala ang Pinoy relatives.

“I think, we started on the wrong foot,” pasimula ni James.  “ I’m James Lacsamana,” sabay abot ang kamay kay Devon.

Kinuha naman iyon dalaga at nagpakilala, “ Devon Estana.”

Parang nakaramdam si Devon ng bahagyang kuryente ng maglskapat ang kanilang mga palad.  Kung naramdaman iyon ng kaharap niya ay wala itong ipinakitang ebidensiya sa mukha nito.  Ano ba naman Devon,  galit na bulong sa sarili, nakakita ka lang ng gwapo kung anu-ano nang nararamdaman mo.

“About your dog,” pasimula ni James.  “I assume, it’s yours?”

 “Oo, aso ko nga si Odi, “ sagot ni Devon.

 “He’s been getting through the fence for the entire week. He has been chewing on my shoes and slippers.  And now, I think he’s eyeing my plants.”

Pinakinggan ni Devon ang reklamo ni James.  Dati pa naman kasing inirereklamo nang mga kapitbahay si Odi, pero hindi naman niya magawang ilagay sa kulungan o itali dahil naawa siya dito.  “Paasensiya na,” paumanhin ni Devon.  “Kakausapin ko na lang siya.”

Bahagyang tumaas ang kilay ni James, “ Kakausapin? You’ll talk to your dog?”

“Oo, nakikinig naman yun eh, “ napangiti si Devon.  Matagal na din akong hindi nakakapag-date, hindi kaya nakakahiyang imbitahin ang lalaki ito, bulong ni Devon sa sarili.  O baka naman ako ang imbitahan niya, at nahihiyang namula ang pisngi ni Devon.

At habang nag-iimagine si Devon, narinig niyang bumukas ang pinto nang kanilang yunit at lumabas ang kanyang kababatang si Ann.

“Devon, nakakalat na naman yung mga libro mo sa sala,” malakas na puna ni Ann sa kaibigan.  At saka ngumiti nang buong giliw sa kausap nang kaibigan “Ay, hi, may kausap ka pala?”

Alam ni Devon na kanina pa nakita ni Ann mayroong siyang kausap.  Kapansin-pansin kasi ang mga namumulang pisngi ni Ann na tila kakalagay lang blsh-on at ang nangingintab nitong mga labi na mukhang kakalagay lamang din nang lip gloss.  Nakalugay ang mahaba ang makintab na buhok ni Ann.

Walang nagawa si Devon kundi ipakilala si James.  “Si James Lacsamana, bago nating kapitbahay.  Si Ann Cornelio, kasama ko sa apartment.”

Napahugot na lang ng malalim na hininga si Devon. Alam na niyang hindi na siya dapat pang mag-imagine ng “dates” nila ni James.  Ilang beses na nga bang ganoon ang mga pangyayari?  Sa tuwing makakilala si Devon ng lalaki na potential boyfriend na sana, hindi maiiwasang makikilala nila si Ann.  Maganda ang kababata ni Devon, pangmodelo ang tangkad at hubog nang katawan nito.   Sa katunayan nga, sa tuwing makikilala nang mga potential boyfriend ni Devon si Ann, ngingitian lamang sila nang kanyang kababata at kakalimutan na nila si Devon.  Ilang beses na din bang nangyari na ang mga lalaking pinagiinteresan ni Devon ay sa kanyang kababata nanliligaw. 

 “Huy Devon, “  mahinang hampas ni Ann sa balikat ni Devon.”

 Biglang natauhan si Devon at napatingin sa dalawang taong nakatingin sa kanya. 

 “Please forgive my friend, she’s always daydreaming,”  malokong ngiti ni Ann habang kinakausap si James. 

 Nagsimulang magkwento si Ann ng tungkol sa village at mataman namang nakinig si James.

 Hay, bulong ni Devon sa sarili.  Yun na yun eh... Bye-bye date. At marahang tumalikod si Devon at pumasok sa oob nang bahay nang hindi napapansin nang dalawang taong nag-uusap sa bakod. 

Us? It's UndeniableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon