Nagtatrabaho sa isang research institution na affiliated sa isang pribadong kolehiyo bilang isang staff-researcher at writer si Devon. Minsan kahit Sabado kinakailangan niyang pumasok, lalo na kapag mayroong silang ilalabas na bagong academic publication. Kaya ngayon, maaga pa lang ay nakaligo na siya at nagkakape na nang lumabas mula sa kwarto si Ann.
“May almusal ba?” tanong ni Ann habang nagbubukas nang ref.
“Hindi na ako nakapagluto, “ mahinang sagot ni Devon.
Ganoon palagi, sa tuwing umaga, si Devon ang nag-aasikaso nang almusal nilang magkaibigan. Kung palaging busy sa trabaho si Devon sa pagpasok sa trabaho, ganoon naman kaluwag ang sked ni Ann. Isang freelance model at writer si Ann, kung kaya nakabatay sa mga projects na dumarating ang kanyang mga sahod. Pero dahil nag-iisang anak si Ann, malaking allowance mula sa kanyang nakakariwasang mga magulang ang nakukuha niya. Hindi katulad ni Ann, na kinakailangang magtrabaho para kumita at makapagbigay din nang pera sa kanyang mga magulang na nasa probinsya.
“Papasok na ako,” paalam ni Devon. “Pakibantay na lang si Odi. Bigyan na lang siya ng pagkain mamaya.”
Itinali ni Devon si Odi sa labas nang bahay para hindi na din ito makalusot sa bakod. Binigyan niya muna ito nang tubig at pinagsabihang mag-behave habang wala pa siya.
Akala nang iba, dahil nasa opisina lamang ang trabaho ni Devon ay madali na ang ginagawa niya. Ang hindi alam nang iba, palaging mabigat ang pressure lalo na kapag kailangan ang mga importanteng mga datos. Palagi siyang nakaharap sa computer para mag-analisa ng mga numero at datos na kailangang basahin. Pagod na pagod siya pagkatapos nang trabaho at gusto na lamang itaas ang kanyang mga paa pagdating sa kanilang bahay, kumain at matulog.
Pero pagdating niya sa bahay, napansin niyang wala na sa kanyang tali si Odi nang pumasok siya sa kanilang bakuran. Baka tinanggal na ni Ann sa pagkakatali, alam naman kasi niyang walang pupuntahan ngayon si Ann.
Laking gulat na lang niya nang makitang nakaupo sa kanilang sala si James. “Good afternoon,” gulat na gulat na bati ni Devon.
Salubong ang kilay ni James. “ I’m sure you enjoyed your afternoon. And while you’re enjoying somewhere, your dog ate another pair of shoes and also my plants.”
“Ha?” pabiglang sagot ni Devon. “Imposible yun, itinali ko kanina si Odi bago ako umalis. Hindi naman kayang putulin nang aso ko ang kadena. Asan ang aso ko?”
Ibinagsak ni James ang isang kahon at narinig ni Devon ang nagmamakaawang mga kahol ni Odi sa loob nito.
“Your dog is just crazy, it may be rabid. He even wants to bite me,” nakasimangot na wika ni James.
"Imposible ngang makawala si Odi sa kadena niya,” depensa ni Devon. “Atsaka hindi siya nangangagat ng tao.”
Pero parang umurong ang kanyang dila nang makita niyang tastas ang laylayan ng pantalon ni James na tila nginatngat ng malilit na tuta. Kailangang magbago nang atake, bulong ni Devon sa sarili. Sabi nga nila the best defense is offense.
“Ano naman kasing ginawa mo na ikinagalit ng aso ko,” atake ni Devon. Binuksan niya ang kahon at tuwang-tuwa namang tumalon sa kanyang amo si Odi.
“I’m telling you, your dog is crazy. He might have got it from you,” tumaas na ang tono ni James.
“Huwag mo akng sigawan, at hindi ako baliw,” sigaw din ni Devon sa kausap.
Napansin ni Devon na tila may sugat sa ulo si Odi at bahagyang mayroong dugo na namumuo dito. Lalong tumaas ang presyon ni Devon. “At bakit may dugo sa ulo ang aso ko,” malakas na tanong ni Devon sa lalaki.
“It’s self defense,” galit na sagot ni James.
“Yang laki mong yan, kailangan mo pa ng self-defense. Tandaan mo, dog-abuser, isusumbong kita sa awtoridad!”
Sarkastikong napangiti si James na parang naghahamon, “And who is that?”
“Isusumbong kita sa --,” natigilan si Devon. “Isusumbong kita sa Malakanyang!”
Pagalit na sagot nito bago tuluyang pumasok nang kusina bitbit si Odi. Inispeksyon niya ang sugat ni Odi at nakahinga siyang ng maluwag nang mapansing maliit at mababaw lang naman pala ang sugat. Ibinaba niya si Odi at binigyan nang pagkain.
Halos isang oras na ang nakaklipas, sumilip si Ann sa kusina. “Pwede na ba? Malamig na ba?”
“Pwede na,” sagot ni Devon. “Pumutok na naman ako. Sabi ko sa sarili ko hindi na ako magiging mataray. Pero talagang nakakainis na talaga yung lalaki na yun eh. Paano kasi nakaalis sa tali niya si Odi,” tanong ni Devon sa kaibigan.
“Uhm it’s my fault,” amin ni Ann. “Nabuhol kasi siya sa tali niya at hindi makahinga, naawa naman ako. Pero noong inaayos ko naman yung tali nya, nakawala siya at hindi ko na siya naghabol. “
Napabuntunghininga si Devon. “Nakakahiya naman sa kanya dapat siguro akong magsorry no?”
“May buong gabi ka naman para gawin yun?” sagot ni Ann. Nagtatakang tumingin si Devon sa kaibigan. “Inimbitahan ko siya dito at sinabing dito na maghapunan.”
“Ha? “ galit na sagot ni Devon. “Anong ipapakain mo sa kanya, boiled egg?”
Wala kasing alam lutuin si Ann kundi boiled egg. “Hindi ah, syempre yung masarap,” nakasimangot na sagot ni Ann.
Napangiti si Devon sa kaibigan. “Goodluck,” wika nito habang papalabas na ng kusina kasunod si Odi.
“Teka,” habol ni Ann. “Kaya ko nga sinabi sa 'yo kasi kailngan ko ng tulong mo. Please.” Pagmamakaawa ni Ann.
Napatingin si Devon sa kaibigan, at nakita ang nagmamakaawa nitong mukha. “Sige na.”
“Yehey,” masayang sagot ni Ann. “Sige i-entertain ko lang muna siya.”
“Teka,” habol naman ni Devon. “Sabi mo tulungan kita, hindi yung gawin mo ako cook mo.” Pero wala nang narinig si Ann dahil nakalabas na ito nang kusina.
Inis na inis si Devon at nagsimulang buksan ang ref. Nagdesisyon si Devon na magluto na lamang sweet and sour pork. Nakakita rin siya ng mga gulay kaya iginisa na lamang niya ito. Inis na inis na bumubulong si Devon si sarili, gusto ko ng magpahinga. Hindi niya hinugasan ang pinaglutuan, ipapahugas niya iyon kay Ann.
Ilang beses niyang tiningnan ang castor oil na nasa cabinet sa kusina. Gusto niyang lagyan ng castor oil ang ihahain na pagkain kay James. Tingnan ko lang kung hindi ka magmadali papunta ng banyo, bulong ni Devon sa sarili. Pero siyempre, umiral pa din ang pagiging matino ni Devon. Maya-maya pa ay pumasok na si Ann sa kusina para ihain ang niluto niya, tinulungan niya itong ilabas ang pagkain sa dining area. Naroon at nakaupo sa dining table si James.
Nang makaupo si Ann at si James, uupo sana siya pero nakita niya ang namimilog at nakikiusap na mata ni Ann. Napabuntunghininga siya at sinabi, “ Mamaya na ako kakain, maglalakad kami ni Odi sa labas.”
Nakasimangot na sumagot si James, “You’re crazy, it’s late and you’ll still take the dog out for a walk? Why don’t you just eat, SILENTLY.”
“Uhm, she always takes the dog out for a walk sa ganitong oras. She’s gonna be fine,” hirit naman ni Ann.
Walang nagawa si Devon kundi ngumiti at kuhanin si Odi. Kapag ganoon ang mga tingin ni Ann, alam niya na nagrerequest yun ng privacy. Kaibigan niya si Ann , malaki ang utang na loob niya sa kaibigan lalo na noong college pa sila. Kaya naman palagi niyang pinagbibigyan si Ann sa kanyang mga requests.
BINABASA MO ANG
Us? It's Undeniable
FanficSanay ka ng magparaya para sa kaibigan, para sa isang taong malaki ang iyong utang na loob. Pero paano kapag ang tanging taong makapagpapasaya sa 'yo ang hiningi niya? Magpaparaya ka pa rin ba o ipaglalaban mo na?