“Bakit ba kasi biglaan kang makipagkita,” kunwaring naiinis na wika ni Devon sa kausap sa cellphone. Nagmamadali siyang naglalakad sa Greenhills. “Tapos minamadali mo pa ako.”
“Anong magagawa mo kung bigla kitang namiss,” palokong sagot ni Fretzie sa kabilang linya. “Nasaan ka na?”
“Ang kulit mo talaga,” pang-aasar ni Devon. “Ayan, andito na ako sa restaurant. Asan ka na?”
“Ah okay, andyan ka na? O sige bye,” pagmamadaling paalam ni Fretzie.
Nagulat naman si Devon sa madaling pagpapaalam ng kaibigan. Pumasok siya sa restaurant at pumili ng isang mesa malayo sa pintuan. Tinawagan siya ni Fretzie kanina at nagyaya na magkita sila pagkatapos ng trabaho. Nagulat si Devon kasi weekday at alam niyang marami ding trabaho ang kaibigan. Pero naisip niyang baka naman gusto lang din mag-unwind ni Fretzie.
Binuksan niya ang menu at pumipili ng kakainin. Hindi niya napansin ang isang taong lumapit sa mesang kinauupuan niya. Nagulat si Devon ng makita ang isang bouquet ng white roses na nasa harapan niya. Tumingala siya at lalong nagulat sa nakita niya.
“Hi,” bati ni James. Hindi makapaniwala si Devon sa nakita niya.
Panaginip lang to, bulong ni Devon sa sarili. Inalis niya ang mata sa lalaki at pumikit. Bumilang siya ng tatlo at muling tumingin sa direksyon ni James. Sheet, andito pa siya. I’m not dreaming.
Napangiti naman si James ng makitang pumikit ang magbilang si Devon. She’s so pretty. She lost weight, but she’s become more beautiful. Not being around me made her look good. “I’m not a dream,” wika ni James at uupo n asana siya sa tabi ni Devon. Pero biglang tumayo si Devon. Lagot ka sa akin Fretzie, lagot ka talaga sa akin babae ka. Mabilis na tumayo si James at hinabol si Devon.
“Wait, can we talk,” habol ni James.
“Walang dapat pag-usapan,” patuloy ang lakad ni Devon.
Hinawakan niya ang braso ni Devon para mapigilan ito. “There’s so much to talk about.”
Tumigil si Devon at umikot para harapin si James. “After two years, may pag-uusapan pa ba?”
“Hear me out,” paliwanag ni James.
Naiinis na sumagot si Devon. “Wala ka ng dapat sabihin James. Wala ng dapat i-explain.”
Tumalikod si Devon at mabilis na lumakad papalayo. Naiinis naman si James na sumunod. “Why can’t you just stay put and listen to me,” pagalit niyang wika kay Devon.
Muli na namang hinarap ni Devon si James. Oh my gawd, ang gwapo pa din. Maghunos-dili ka Devon, kontra ni Devon sa sarili. “Ikaw pa ang galit ngayon. Kung kelan kailangan ko na may sabihin ka, saka naman wala kang balak magsalita. Tapos ngayon, babalik ka sa buhay ko para mag-explain. Maghanap ka ng kausap mo,” mataray na sagot ni Devon.
Pinabayaan ni James na makalayo si Devon. Pababayaan muna niya itong makaget-over sa pagkikita nila at sa galit nito. We’ll be together,, I swear, bulong ni James sa sarili.
*****
Nagmamadaling pumasok si Devon sa opisina. Hindi pa din siya makaget-over sa pagkikita nila ni James kagabi. Galit na galit na pumasok si Devon sa loob ng research department. Kinausap at inaway niya si Fretzie. Hindi naman maubos ang sorry ni Fretzie, akala niya kasi ay okay na kung makakusap ng kaibigan si James. Tutal, two years na rin ang nakaraan.
Ibinuhos ni Devon ang lahat ng kanyang atensyon sa ginagawang article ng biglang may tumawag sa kanya. “Devon, telephone,” sigaw ni Carson. Nagmamadali namang tumakbo si Devon sa telepono iniisip na baka tungkol ito sa data na hinihingi niya sa isang government agency.
BINABASA MO ANG
Us? It's Undeniable
FanficSanay ka ng magparaya para sa kaibigan, para sa isang taong malaki ang iyong utang na loob. Pero paano kapag ang tanging taong makapagpapasaya sa 'yo ang hiningi niya? Magpaparaya ka pa rin ba o ipaglalaban mo na?