Chapter 9

353 14 1
                                    

Ang isang araw, naging tatlo. Ang tatlong araw, naging isang linggo.  Ang isang linggo, naging isang buwan.  Ganoon kabilis lumipas ang panahon. Hindi na napansin ni Devon ang mabilis na pag-usad ng mga araw.  Nilunod niya ang sarili sa trabaho. Paminsan-minsan lumalabas siya kasama ni Ivan, Bret at Fretzie.  Pilit niyang iniiwasan na lumabas kasama si Ann dahil alam niyang palaging si James ang kasama ng kaibigan na lumabas.

Gaano ba kahirap ang turuan ang sariling hindi mahalin ang isang tao? Lalo na kapag malimit mong naririnig ang boses, nakakasalubong sa labas ng bahay, inihahatid sa sarili mong pintuan ang kaibigang sinamahan niyang kumain sa labas.  Sabi nila, kapag hindi mo nakikita, maaring turuan ang puso at isip na lumimot. Pero paano kung kahit pumikit ka, siya pa rin ang nakikita?

Napabuntunghininga si Devon. Familiar territory na to, desperadong bulong ni Devon sa sarili. Ilang beses na ba kasi akong na-inlove pero si Ann ang gusto. Pero bakit parang sobrang sakit kapag nakikita ko sila ni James?  Napatingin si Devon sa malakas na ulan na bumubuhos sa labas ng opisina. Dapat immune na ako.

Kaninang umaga, habang hinihintay ni Devon si Ivan sa labas ng gate, lumabas na din si James ng apartment. Tumingin sa kanya at binati siya ng good morning.  Sumagot naman si Devon, pero hindi na niya alam kung ano pang sasabihin niya.  Nagpaalam si James at sumakay sa kotse.  Nagpaalam din si Devon at sinabihan na mag-ingat si James sa pagmamaneho. Hanggang doon na lamang ang naging pag-uusap nila.

“Hay nako,” kunwaring naiirita na sabi ni Fretzie. “May nagde-daydream na naman. Sino kaya ang iniisip?” Parang biglang natauhan si Devon sa sinabi ng kaibigan.

“Baka ikaw,” biro ni Devon. “Parang kanina pang tunog ng tunog yang phone mo. Si Bret yan noh?”

Hindi naman matawaran ang ngiti ni Fretzie sa tanong ni Devon.  Napahalakhak ng malakas si Devon sa kinikilig na kaibigan.  Ang laking gulat naman ni Devon ng marinig na nagri-ring din ang sariling cellphone. Si Ivan. Simula ng magkaroon ng sariling sasakyan si Ivan, palagi na lamang siya nitong sinusundo sa opisina. Pero ngayon nagpapaalam siyang hind madadaanan si Devon dahil sa isang meeting.

“I’m really sorry. I know it’s raining so hard outside,” paliwanag ni Ivan.

Natatawa namang sumagot si Devon. “Ano ka ba, you don’t have to apoligize. Okay lang yun. Kaya ko namang umuwi mag-isa.”  Matapos magpaalam kay Ivan, kinuha niya ang kanyang mga gamit at nagpaalam kay Fretzie na hihintayin si Bret.  Pagbaba niya sa building lobby, malakas pa din ang ulan. Tumigil si Devon sa labas ng building at pinanood ang ulan.  Umiiyak ka din, tanong ni Devon sa langit. Pumikit siya at bumulong, let me be happy.  

Alam ni James na one month ng si Ivan ang palaging kasabay ni Devon umuwi. Pero ngayon hapon, habang malakas ang ulan, parang hinihila siya sa tapat ng building na pinagtatrabuhan ni Devon. What are you doing, galit na wika ni James sa sarili.  Ann is really nice and fun to be with, stick with her. But why do I always have think about Devon, frustrated na si James.  Si Ann ang malimit niyang kasamang lumalabas. Although, maraming kwento at nakakatawa din naman si Ann, palaging may hinahanap si James, may kulang. 

Hindi na napansin ni James na nasa tapat siya ng building ni Devon at naroroon si Devon. Nakatingin sa ulap, hawak ang bag. Nakita niya itong pumikit at tila bumulong.  The rain, her quiet profile, she looks like an angel ready to fly, manghang tingin ni James.   Hindi na napigilan ni James ang sarili, idineretso ang kotse sa tapat ng nakatayong Devon at  bumababa.

“Hey, angel,” nakangiting bati ni James. “Want a ride home?” Napamulat si Devon at napatingin kay James. May gusto ka bang sabihin sa akin universe, let me be happy, tapos heto si James. Hindi nakapagsalita si Devon.  “Unless, Ivan is taking you home.”

Umiling si Devon. “May meeting si Ivan.” Nagulat  si Devon ng makitang ngumiti si James.

“Then I guess, this is my lucky day,” wika ni James at lumapit kay Devon para kuhanin ang kanyang bag. Binuksan nito ang passenger’s door at pinapasok si Devon sa loob. Pagkasakay ni James sa kotse ay mabilig nitong pinaandar ang sasakyan.  “Where do we eat dinner?”

Lalong nagulat si Devon sa tanong ni James. “Huh?”

“Where do we eat?” seryosong tanong ni James.

“Kakain tayo? Baka magalit si Ann,” hirit ni Devon.

“At si Ivan?” naglolokong tanong ni James.

“Of course not,” defensive na sagot ni Devon.

Natawa si James sa sagot ni Devon. Hindi napigilan ni Devon at sarili at malakas na hinampas si James sa braso.

“Ouch!” sigaw ni James. “Why do you always have to hurt me?”

Hindi na napigilan ni Devon ang tumawa at humalakhak siya ng malakas.  Hindi niya ito nagagawa kay Ivan. Totoong tumatawa siya kapag kasama niya si Ivan, pero hindi tulad ng ganito.  Tiningnan naman ni James ang humahalakhak na si Devon, it was never like this with Ann.  

*****

Simple lang ang piniling kainan ni James para sa kanilang dinner, isang pizzeria na wala masyadong tao.  Habang hinihintay ang order, naiilang naman si Devon sa nakatitig na si James. “What’s wrong? Why do you have to stare?”

“Nothing,” nakangiti na sagot ni James na hindi naman inaalis ang tingin kay Devon. “You have a nice forehead.”

“Forehead? You like my forehead. Sige tanggaling ko na tapos ibigay ko sayo,” naiilang na sagot ni Devon.

Napatawa naman si James. “You always make me laugh. Do you make Ivan laugh this hard too?”

Napakunot si Devon. “Ewan ko, hindi ako komedyante. Ikaw, do tell Ann she has a nice forehead, too?”

Natawa lalo si James. “Let’s stop talking about those two.” Tumango naman si Devon sa sinabi ni James. Pinagkuwentuhan nila ang kanilang mga trabaho at ang napapansin na closeness sa pagitan ni Bret at Fretzie. Inilabas naman ni James ang frustration sa trabaho at samg athletes na covered ng kanyang program. Pagkatapos maghapunan, pinagawayan pa nilang dalawa kung sino ang magbabayad ng bill.  Hanggang sa mapagdesisyunan nilang hatiin ang dinner, matapos itapat ni Devon ang hawak na tinidor sa mata ni James.

“You’re really violent sometimes. You’re really tough,” puna ni James habang nakaupo sila sa hood ng sasakyan at kumakain ng ice cream. Pagkatapos ang dinner at dahil wala na ding ulan, tumungo sila sa Roxas Blvd. at ipinark ang sasakyan.  Bumili sila ng ice cream at yun ang ginawang dessert.

“Hindi, noh,” mabilis na sagot ni Devon. Tumaas naman ang kilay ni James. “Marshmallow din ako. Nasasaktan din.” Napatingin si Devon at isinubo ang hawak na ice cream cone.

“Like when,” tanong ni James.

Kapag nakikita kokayo ni Ann, gustong sabihin ni Devon. “Kapag may mga bagay na gustung-gusto mo pero hindi naman pupwede.”

“Why not pwede?” tanong ni James. “Maybe you’re just thinking that it’s not for you, when it’s really meant to be for you.”

Napatingin si Devon kay James. Paano kung hindi talaga? “Enough about me, ikaw na lang. You rarely talk about your feelings. Sige nga, tough guy ka din ano,” wika ni Devon habang sinusundot ng hintuturo ang tagiliran ni James.

Hinawakan ni James ang kamay ni Devon, namula si Devon at pilit na hinila ang kamay niya pero hinigpitan ni James ang hawak sa kamay. “I’m not tough. When I’m with you, I’m not.”   

Napatingin si Devon kay James, gusto niyang magtanong. Pero pinigilan niya ang sarili, siguro mas okay na yung hindi ko alam. Tahimik na lamang nilang kinain ang ice cream, bago ito matunaw.

Us? It's UndeniableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon