Kanina pa hinihintay ni James ang kaibigan. He’s late, ang nag-aalalang isip ni James. Dapat ay kanina pang dumating ito pero isang oras na ay wala pa rin siya. Umuwi sandali sa Devon para kuhanin ang cellphone, samantalang si Ann ay nakaupo sa sofa. Ilang beses ng tinatawagan ni James ang ibinigay na number na gagamitin ng kaibigan pagdating sa bansa, pero mukhang hindi pa niya ito ginagamit.
“Where is he,” tanong ni Ann. Ilang beses na niyang tinanong si James pero hindi naman nagsasalita ang binata. Halatang walang ganang makipag-usap.
Laking gulat ni James ng biglang may tumawag na lalaki sa labas ng gate. “Hello?” nagtatanong na boses ng lalaki. Nagmamadaling sumilip si James at napasigaw ng “you’re here!” sa sobrang tuwa. Kaagad niyang pinapasok sa gate at niyakap ang bagong dating. Matangkad ito, maputi, matangos ang ilong at may medyo matipuno ang katawan.
“I thought something happened. Come in,” wika ni James habang niyaya ang kaibigan sa loob.
Nakangiti namang sumalubong si Ann sa bagong dating. Nagpakilala si Ann sa bisita.
“I’m Ivan,” pakilala naman ng poging binata.
Habang ibinababa ang gamit niya ay hindi naman maubusan ng kwento ang dalawang lalaki. Pero bigla silang natigilan sa pagkukuwento ng pumasok si Devon sa bahay.
“Wala pa ba? Ang aga kong nagluto, tapos wala pa pala,” reklamo ni Devon habang nakatingin sa cellphone. Hindi niya napansin ang bagong dating. Kaya laking gulat niya ng makitang mayroong isang lalaking kasama sa sala si Ann at James.
Ngumiti si Ivan at bahagyang kumaway. Iniabot niya ang kamay kay Devon at nagpakilala. “I’m Ivan.”
Ngumiti din naman si Devon at inabot ang kamay. “Devon.”
“That’s a pretty name,” sagot naman ni Ivan na hindi inaalis ang kamay sa pagkakahawak sa kamay ni Devon. Hindi din niya inalis ang titig si Devon. Namumula na si Devon, sa tagal ng titig ni Ivan, buti na lang sumingit si James.
“Dude, you must be hungry. We cooked dinner for you,” wika ni James.
“Oh great. Are you staying for dinner?” tanong ni Ivan kay Devon at biglang ngumiti ng ngumiti ito. Nauna ang dalawang lalaki sa kusina. Samantalang kasunod naman nila ang dalawang babae. Sinisiko ni Ann si Devon.
“Ang lagkit ng tingin sa yo,” biro ni Ann.
“Tumigil ka nga,” siko rin ni Devon sa kaibigan.
******
Matagal ng nakaalis ang mga bisita ni James at Ivan. Umuwi na din pagkatapos mag-dinner sina Ann at Devon. Pero napagkasunduan nila na bago umuwi na lumabas at magmall the next day. May mga kailangan din kasing bilhin si Ivan. At kahit na ilang beses na din siyang nakabisita sa Pilipinas, nasa Bacolod naman ang kanyang pamilya kaya kailangan niyang maging pamilyar sa Maynila. Isang linggo munang magpapahinga si Ivan bago magsimula sa kanyang bagong trabaho sa isang business firm.
Nakaupo sa terrace si Ivan. Lumabas si James na may dalang isang bote ng malamig na juice.
“No beer for you, yet,” wika ni James. “Tomorrow, we can.”
Napatawa si Ivan at kinuha ang juice. “It was a great dinner, thanks,” wika niya kay James.
Napangiti si James. “Devon and Ann cooked.”
Sumandal si Ivan. “So who’s your girl?”
Nagulat naman si James sa tanong ni Ivan. “What do you mean?”
“You’re not dating any of the two?” nagtatakang tanong ni Ivan. Umiling si James. “Ann looks smitten with you.”
Natatawang sagot ni James, “She’s nice.”
Napasandal si Ivan sa upuan. “So, its Devon.” Natawa namang umiling si James. “So, really, not one of the two.” Napatango naman si James. For now, natatawang bulong niya sa sarili.
“Devon’s pretty and really funny,” wika ni Ivan. Nagulat si James at napatingin kay Ivan. “I like her,” maikling sagot ni Ivan.
Hindi alam ni James, pero parang biglang nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib. Mabilis pero masakit.
“She’s crazy,” sabi naman ni James. Natawa si Ivan. “I’m telling you, she’s crazy, got a wild temper and her dog’s a nuisance.”
Napangiti si Ivan at napakibit-balikat. “Let’s see,” wika nito.
Gusto mang sumagot ni James pero hindi na siya nakapag-react. Nagsimula ng magkwento si Ivan tungkol sa kanilang mga naiwang kaibigan sa Australia at ang kanilang mga plano sa mga susunod na araw. Pero hindi mapalagay si James sa lahat ng sinabi ni Ivan. Why should I care, naiinis na kontra ni James sa sarili.
BINABASA MO ANG
Us? It's Undeniable
FanfikceSanay ka ng magparaya para sa kaibigan, para sa isang taong malaki ang iyong utang na loob. Pero paano kapag ang tanging taong makapagpapasaya sa 'yo ang hiningi niya? Magpaparaya ka pa rin ba o ipaglalaban mo na?