Isang linggo ng mainit ang ulo ni James, hindi dahil sa init ng panahon o dahil sa dami ng trabaho. Isang linggo kasing bakasyon si Ivan bago siya magsimulang magtrabaho. At sa loob ng isang linggong iyon parang walang sinayang na panahon ang kaibigan niya.
Nagsimula ito noong Lunes noong nasa labas si Ivan at umiinom ng kape, habang inaayos ni James ang gamit niya sa loob ng apartment. Nagmamadaling lumabas si Devon at tumigil sa labas ng kanilang gate para maghintay ng tricycle. Narinig ni James ang pagbati ni Ivan. “Good morning, Devon,” bati ni Ivan. Sumagot din naman si Devon. “Devon,” pahabol ni Ivan. “Can I ask for a favour?”
Nagtatakang tumango si Devon at lumapit sa nagkakape na si Ivan. Samantalang si James naman ay tumayo at sumilip sa bintana.
“I need somebody to help me pick some items in the mall and in the grocery. Can you help me?” tanong ni Ivan. “James usually gets home late. If its okay or if you have nothing to do.”
Bagamat nagtataka si Devon kung bakit siya ng pinakiusapan ng kapitbahay, hindi naman siya tumanggi. Wala naman sigurong masama. “Sige, pero pwede bang sa University na lang tayo magkita? You could ask James how to get there, hingin mo na din sa kanya ang number ko, para i-text mo na lang ako. Kelangan ko na talagang umalis.” Nagmamadaling sumakay ng tricycle si Devon at bahagyang kumaway kay Ivan. Napangiti naman si Ivan at pumasok sa loob ng bahay.
“What was that about?” hindi makapagpigil na tanong ni James sa nakangiti na Ivan. “Really, I can go with you.”
Ngumiti si Ivan at umiling. “Taking out Devon is better. Dude, can you writer her number and how to go to your University?” Iniabot ni Ivan ang papel at ballpen. Parang gustong gusumutin at ibato ni James ang papel pero nagtataka na naman niyang tinanong ang sarili, what the hell is wrong with you. Atsaka kinuha ang cellphone para isulat ang number ni Devon at directions papuntang University.
Mga ten o’clock na ng gabi nakauwi ng bahay si Ivan on that Monday. Maraming siyang ikunwento kay James, ang pagtulong ni Devon sa shopping at dinner. Inisip na lang ni James na naghahanap din ng ibang kaibigan at kasama si Ivan. Ang laking gulat na lang niya ng magsabi si Ivan na sasamahan siya ulit ni Devon the next day after work. Hindi ito natapos ng Tuesday, nasundan ng Wednesday movie date ni Devon at Ivan, noong Thursday, park at dinner naman ang itinerary ng dalawa. At ngayong Friday, malling at dinner na naman.
At dahil na din sa palaging magkasama si Ivan at Devon for the entire week, si Ann at James naman ang naiiwan na mag-dinner together. Minsan mas gusto na lamang niya sa bahay, pero para din naman pagbigyan ang nalulungkot at nagiisang si Ann, kumakain na lang din sila sa labas.
Kararating lang ni James at Ann sa bahay, and James’ mood has not changed nor improved. Lalo na lamang siya nainis ng marinig na nagtatawanan si Ivan at Devon sa terrace ng apartment nina Devon at Ann.
“You’re here already. You’re medyo early ha,” pabirong bati ni Ann. Nakita naman ni James na parang nanlaki ang mata ni Devon na parang nagwa-warning kay Ann. Deretso namang pumasok ng bahay si Ann, samantalang nagpaalam din si Ivan na makikigamit ng banyo. Naiwan si Devon at si James at umupo si lalaki sa tabi ng dalaga.
Tiningnan ni James si Devon. I miss her, wika ni James sa sarili. Nakita naman ni Devon na nakatitig sa kanya si James. Dyoskong lalaki to, parang tumalon ang puso ni Devon.
“Why are you staring at me,” tanong ni Devon kay James.
Umiling si James, pero hindi pa din inalis ang tingin sa dalaga. “I’m thinking that I haven’t seen much of you this week.”
Inalis ni Devon ang mata kay James at ngumiti. “Palagi kasing nagyaya si Ivan, nagpapatulong. I can’t refuse him.”
Kumunot ang ulo ni James at sumagot. “You can’t refuse Ivan. But you’re full of excuses whenever I asked to take you home before.”
BINABASA MO ANG
Us? It's Undeniable
FanfictionSanay ka ng magparaya para sa kaibigan, para sa isang taong malaki ang iyong utang na loob. Pero paano kapag ang tanging taong makapagpapasaya sa 'yo ang hiningi niya? Magpaparaya ka pa rin ba o ipaglalaban mo na?