Chapter 5

393 10 2
                                    

Nagmamadaling lumabas ng opisina si James at pinuntahan ang kotse sa parking lot, dadaanan niya ulit si Devon sa labas ng building, para sabay silang umuwi. Surprisingly, nae-enjoy ni James ang mga byahe nila pauwi tuwing hapon. I never thought she would be easy to talk to, isip ni James. Sumakay ng kotse si James at nag-drive patungo sa building ni Devon. Pero laking gulat niya ng makita niya doon sa baba, hindi si Devon kundi si Ann.

Bumaba ng kotse si James. “Ann, what you’re doing here?” tanong ni James.

Nakangiti namang bumati si Ann. “Hi, James. Can you help me with this?” tanong ni Ann na tinutukoy ang mga dalang folders.

Kinuha ni James ang mga gamit at inulit ang tanong niya, “What are you doing here, where’s Devon?”

“She left already, may pupuntahan daw siya. She asked me na pumunta dito para dalhin yung ibang mga gamit niya,” wika ni Ann.

Napatango naman si James. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at pinagiisipang tawagan si Devon. Pero naisip niyang baka busy yung tao kaya naisipan niyang huwag na lamang tumawag. “

Are you going home already?” tanong ni James kay Ann.

“Yeah, I was about to,” wika naman ni Ann na nakangiti.

“I’ll take you home,” wika naman ni James sabay sakay sa kotse.

Sa bintana sa itaas ng building, makikita si Devon na nakasilip. Pinapanood niya si James at Ann na sumakay ng kotse. Sumilip naman si Fretzie sa balikat ni Devon atsaka umiling. “Hay nako, Devon, ang martir nasa piso at nasa Luneta na.”

                                                                                        *****

Tatlong araw ng hindi nagkakasabay sa paguwi si James at Devon. Bilang na bilang ni Devon ang mga araw: Wednesday, Thursday at ngayon ay Friday. Ang hindi niya alam, bilang din pala ni James ang araw na hindi sila nagkakasabay sa pag-uwi. Tatlong araw na rin kasing si Ann ang nakaksabay niya. Sa tuwing pupunta siya sa building ni Devon, palaging si Ann ang nakikita niya sa labas.

 Ngayon Biyernes, naabutan niya si Devon at si Ann sa labas ng lobby ng research institution.  Ang buong akala niya ay kasabay nila si Devon umuwi, pero nagpaalam ito na may lakad ng kaibigan na si Fretzie. Hindi naman maitago ang disappointment sa mukha ni James.

 “Are you avoiding me,” diretsong tanong ni James kay Devon.

Halatang nagulat si Devon, at ganoon na din si Ann sa tanong ng binata. “Of course not,” nakangiting wika ni Devon. “May lakad lang talaga ako.”

 “Don’t forget that you’ll be cooking for my friend tomorrow night,” paalala ni James.

“Para saan,” nagtatakang tanong ni Ann. “Why am I not invited?” pabirong hirit ni Ann. Hindi sumagot si James sa tanong ni Ann at matagal na tumingin kay Devon.

“I did not forget,” wika naman ni Devon. “You’re friend likes chicken right? Sige magluluto ako ng masarap bukas. See you tomorrow.” Mabilis na paalam ni Devon at bumalik siya sa loob ng lobby. May gusto pa sanang sabihin si James pero pinigilan niya ang sarili.

 “Let’s go,” pagyaya ni Ann.

                                                                                         *****

Alas-tres pa lamang ng Sabado ng hapon, kumakatok na si James sa apartment nina Devon. Mabilis namang lumabas si Devon ng bahay. “Baket?”

 “C’mon, we’re doing some grocery shopping,” sabay hila ni James kay Devon.

 Gulat na gulat naman si Devon. “Teka, magbibihis ako.”

Tiningnan ni James si Devon at namula naman ang pisngi ng dalaga. Matagal siyang tinitigan ni James, “You look good.” Hinila niya ang namumulang si Devon palabas ng gate at pasakay sa kotse.

 “Pwedeng sumama si Ann,” tanong ni Devon ng maalala ang request ni Ann sa kanya na tulungan ang dalawa na maging close.

Hindi sumagot si James at basta na lamang pumasok ng kotse. Walang nagawa si Devon kundi sumakay na din sa loob. Hindi nagsalita si James hanggang sa makarating sa grocery. Ayaw din naman niyang humirit kasi mukhang mainit ang ulo ng binata. Hanggang sa matapos sila sa pamimili ay hindi pa din masyadong nagsasalita si James at hindi ito ngumingiti.

Noong nasa byahe na sila pauwi, hindi na natiis ni Devon na hindi tanungin si James. “May problema ba?”

Napatingin naman si James kay Devon. “Why do you always have to drag Ann in all of our conversations,” prangkang tanong ni James. It’s as if you don’t like being around with me, iyon ang gustong sabihin ni James kay Devon pero pinigil niya ang sarili.

“Wala lang, kasi feeling ko you’ll look good together,” umiwas ng tingin si Devon kay James. Bakit parang kumurot ang puso ko, bulong ni Devon sa sarili. Hindi niya napansin na biglang napa-smirk si James sa sinabi ni Devon.

“Ann’s cool,” wika ni James. Ilang beses na niyang sinasabi yun,ano ba kasi meaning nun, isip ni Devon. Pagkarating sa apartment, nakita niyang nasa labas ng apartment si Ann at mukhang naghihintay.

“Where have you been,” tanong ni Ann. Bago pa man sumagot si Devon ay iniabot ni James ang isang plastic bag kay Ann at hinila si Devon papasok ng apartment niya. Walang nagawa si Ann kundi sumunod kay James at Devon. Nahalata ni Devon na hindi din maganda ang mood ni Ann kaya mas minabuti na lang niya na hindi magsalita.

Naririndi si Devon habang nagluluto ng hapunan. Kinukulit ni Ann si James. Kinukulit siya ni James. At nag-iingay na din ang kanyang aso na si Odi. Kaya pagkatapos magluto, sumuko na si Devon. “Uuwi na ako,” wika ni Devon na nakataas ang kamay. “Ang ingay nyo.”

Hinabol siya ni James. “You have to come back. Honestly, like seriously, come back. Eat dinner here. My friend’s gonna be here in few minutes. Okay?” Tumango naman si Devon at umuwi sa kanilang apartment.

Nagmamadali siyang pumasok ng banyo para maligo. Ayaw niyang makita pa siya ni Ann at makapagtanong ito. Kanina pa siya gustong i-corner ni Ann para tanungin kung bakit hindi siya kasama sa grocery trip at kung nabanggit ba siya ng kanyang prince charming. Paano ba niya ipapaliwanag sa kaibigan na ang tanging nasasabi lamang ni James tungkol kay Ann ay “she’s cool.”

Us? It's UndeniableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon