Good Bye Baby

36 1 1
                                    

KINABUKASAN

AILEEN'S POV

Napagdesisyunan ko ng wag munang pumasok upang pag isipan ang aking mga gagawin. Naputol ang aking pag iisip ng tumunog ang aking cellphone. Inayos ko muna ang salamin sa aking mata bago ko ito sinagot ng makita kong si ella.

"Hello?" Bungad ko dito.

"Hello best, Di ka pa ba papasok? Miss na kita!"

"Hmmm di pa ehhh. tsaka pinag iisipan ko kung babalik ba ko ng Korea"

"Ha?! Babalik ka sa Korea?!"

"Hmm. Oo pero pinag iisipan ko pa"

"O sige, pero sana di matuloy" Natatawa nyang saad.

"Ang sama mo. Sige na. Bye"

"Bye Best. I miss you"

Sabay end ko ng call. napabuntung hininga na lang ako. Wala nanaman akong gagawin sa bahay. Kinuha ko ang aking Cellphone at may dinial.

"Hello, Paki ayos na ang passport at Visa ko pati na rin ang plane ticket."

"Sige po ma'am" Sabi sa kabilang linya.

Bumaba ako ng hagdan at tinawag ang aming yaya.

"Aling Helen!"

"Oh bakit Aileen? May problema ba?"

"Ah ehh Babalik na po kasi ako sa korea, Gusto ko lang po ibilin si Gyuri tsaka Kayo na po ang bahala sa mga papeles ko sa school. mag papa drop out po ako."

" Oh sige aalagaan ko si gyuri. kelan ba ang alis mo?"

"Di ko pa po alam kay Mr.Hernando kung magagawan nya ng paraan. Gusto ko na nga pong makaalis bukas"

"Mag ingat ka dun ha? Alagan mo ang sarili mo"

"Opo yaya"

At bumalik na si yaya sa kanyang ginagawa. May nag dodoor Bell sa gate. Nagpasya ako na ako na lang ang magbukas.

"Ako na ya,"

"Sige"

Pagbukas ko ng pinto.

"BEST!!!!! I MISS YOU NA!!!" Sabay yakap sa akin.

"Nagulat na man ako sayo. Tara pasok. parang kanina kakatawag mo lang" natatawa kong saad

"Oh napadalaw ka"

"Alam kong dahil kay gio ang di mo pagpasok"

Hindi ako nakakibo.

"Gusto ko lang ipaalam sa iyo na parang sa tingin ko eh. wala syang pakeelam sa iyo"

"Ayoko ng pag usapan ella, please lang"

Hindi naman sa bitter ayaw ko lang talaga.

"oh sige, by the way kelan ba ang alis mo?"

"Actually, Gus-"

Di ko na natapos ang sasabihin ko ng magring ang cellphone ko.

"Excuse me"

Tunango lang si ella.

"Hello, Mr. Hernando?"

"Maam Nagawan ko na po ng paraan. Pwede na kayo makaalis bukas ng umaga"

"Salamat"

Sabay end ko mg call.

"Bukas ng umaga ang alis ko ella"

"Best.."

"Oh bakit ka umiiyak?!"

"Kasi.. Bakit aalis ka pa eh"

"Kailangan best eh, babalik din naman ako" Nakangiti kong saad

"Promise mo yan ha??"

"Promise! tara nga dito!" sabay yakap ko sa dalaga.

"Hmmmm"

"Sige na best mauna na ko, Itext mo ko kung anong oras ang flight mo ha?"

"Okay sige Itetext ko sayo"

"Sige best mauna na ko"

"Tara hatid na kita sa pinto"

At ihinatid ko na sya sa pinto.

Pumunta na ako sa aking kwarto upang mag impake ng nga aking dadalhin bukas.

I Will Show YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon