GIO'S POV
Simula nung ayaw na ko pansinin ni aileen ay inayos ko ang aking sarili. Tinigilan kong kausapin si Patricia. Pero ayaw kong ipakita kay aileen ang sakit na nararamdaman ko. Dahil Gwapo ako maraming mga babaeng naghahabol sakin. Hindi ko sila pinapatulan. Gusto ko lang na malaman ni aileen na hindi ko sya hahabulin. Na ako dapat ang habulin nya.
AILEEN'S POV
Gaya ng sinabi ni Ella tinext ko sa kanya kung anong oras ang aming flight. 12:00 yun ng hapon pero 8:00 kami ng umaga aalis. Ala sais palang ay gumising na ko upang tignan kung may maiiwan pa ko ng may biglang kumatok.
"Pasok"
"Ate, Sigurado ka na ba sa gagawin mo??"
"Ikaw pala gyuri. Oo naman."
"So hindi na kita mapipigilan?" Nakangiti nyang tanong.
"Pwede pa naman" Nakangiti kong turan sa aking kapatid
"Ehhhhh ate naman ehh" Naiiyak nyang sabi.
"Huy? bakit ka umiiyak?? babalik naman ako ehh"
"Bilisan mo lang dun ha??"
"Oo"
"Hmm kain ka na daw sa baba sabi ni yaya"
"Sige susunod ako"
Bumaba na ako para kumain. At mag aalas siete na ako natapos maligo at ala siete medya ay umalis na kami sa bahay. Mas maganda daw ang maaga baka maalintana ang flight.
Gio's POV
Ng kinagabihan kahapon ay may natanggap akong tawag mula kay ella.
"Hello?" Tanong ko.
"Hello Gio, bukas na ang alis ni aileen papuntang korea" Malungkot nyang sabi
"Ha?" Nabigla ako sa sinabi nya. Di ko alam kung bakit nya kailangan gawin iyon samantalang di naman nya alam ang tunay na dahilan.
"Si aileen aalis na bukas. Itetext ko sayo bukas kung anong oras ang alis nya."
"Wag na di na kailangan" sabay baba ko sa tawag
Para saan pa? Nagtatalo ang isip at puso ko kung pipigilan ko ba ang pag alis ni aileen.
KINABUKASAN
Himbing na Himbing ang tulog ko ng biglang magring ang cellphone ko. Sino ba ito ang aga aga nambubulabog.
"Hello?!" Medyo aburido kong sabi.
"Gio, 8:00 ang alis ni aileen pero 12:00 pa ang flight nya"
Di ko sya sinagot.
"Hello gio alam kong mapipigilan mo pa sya. nadala lang sya sa galit nya kaya naging padalos dalos ang kanyang mga desisyon alam kong mapipigilan mo pa sya"
" Hayaan mo ng umalis sya kagustuhan nya iyon" Sabay baba ko ng tawag.
Bumaba ako para kumain. Mga 7:30 na ko natapos kumain. Umakyat ako. paiko ikot ang paglakad ko sa kwarto. Paano kung pwede pa?? paano kung maayos pa namin ang relasyon namin? Mabilis kong kinuha ang twalya at naligo. Sana hindi pa huli ang lahat.
AILLEN'S POV
Mukhang mapapaaga ang flight ko. Ang magiging last flight papuntanf korea ay 10:00. Pasado 9:30 na ng dumating kaming naia.
"Oh paano Aileen mag iingat ka doon ha? Lagi kang kakain sa tamang oras" Sabi ni Yaya Helen
"Oo naman po yaya" Niyakap ko siya.
"Ate.. Ma mimiss kita" Naiiyak na sabi ni Gyuri.
"Hay! Gyuri Ayoko ngang magkaiyakan tayo dito eh. Mamimiss din kita" Pinunasan ko ang mga luha na pumatak sa aking mata at niyakap ng mahigpit ang aking kapatid.
"Hmm best.. Sigurado ka na ba sa gagawin mo??"
"Oo naman best sigurado na ko" nakangiti kong sabi kahit na medyo nangingilid na ang luha ko.
"Hayy. sige basta mag iingat ka doon ha?"
"Oo naman" Sabi ko. At mayroon siyang ibinulong sa akin
"Huwag mo sana pagsisihan ang gagawin mong desisyon na ito"
At tuluyan na silang nagpaalam sa akin. .
GIO'S POV
Mga 9:45 ng makarating akong NAIA 2. Tumakbo agad ako sa entrance ng Naturang airport ng harangin ako ng mga guwardiya.
"Sir, Ticket po?" Sabi nung guwardiya
"Wala po, Hahabulin ko lang po yung girlfriend ko" Nagmamakaawa kong sabi.
"Ay sir hindi ho pwede baka masibak kami aa trabaho nyan"
Hinawakan na ko ng dalawang guwardiya upang di ako makapasok. Nagpupumiglas ako.
"Parang awa nyo naman po"
"Pasensya na sir. Hindi talaga puwede. Sige ilabas nyo na yan"
Hindi pala totoo ang mga napapanood natin sa mga pelikula na pwedeng makapasok sa Airport.
"Wala na..... Wala na ang mahal ko..... Wala na si Aileen" Tuluyang buhos ng luha ko. Na sinabayan ng ulan.