KINABUKASAN. Maaga akong nagising. Excited na ko. mag ma McDo kami mamaya ni gio. Mabilisan lang akong naligo at sumakay na sa aming sasakyan.
Pagdating ko ng gate ng school nakasabayan ko sa pag pasok si ella.
"Ganda ng gising natin ah?" Tanong sakin ni ella.
"Di naman" Nakangiti kong saad.
Habang naglalakad kami ay natanaw namin si gio kasama nanaman ulit yung babae kahapon na hindi ko alam ang pangalan.
"Tara na ella" Hinatak ko sya.
Nagdaan ang mga klase na hindi man lang ako nakapag concentrate. Iniisip ko pa lang na magkasama sila ay para nakong mawawalan ng gana. Kaya naisipan kong wag magpakita muna sa kanya ngayong araw.
BREAK TIME. Naglalakad kami ni ella ng mabangga nanaman ako ni claire.
"Oooppsss Sorry" Natatawang sabi ni claire.
"Hoy ikaw! Sumosobra ka na ha!!" Galit na sabi ni ella.
"Tama na ella. tara na" Naglakad na kami ni ella ng marinig kong sumigaw si claire at sabing
"Bilang na ang MASASAYA MONG ARAW AILEEN"
kinabahan ako sa sinabi nya. Pero pinag kibit balikat ko na lamang iyon. Hindi ko makita si gio kahit sang parte ng campus na ito. Kaya namab parang nawalan na ako ng gana.
UWIAN. Dapat ay sabay kami ni gio. Ngunit di ko pa rin sya nakikita. Pinagtanong tanong ko na sya sa ibang mga estudyante
"Hi. Nakita nyo ba si gio"
"Hindi eh"
"Ahhh sige salamat"
"Hi nakita nyo ba si gio"
Ngunit wala akong natanggap na sagot.Napagod na ko kakahanap ng mapaupo ako sa bleachers at marinig ang usapan ng mga naglalakad na estudyante.
"Nakita nyo ba yun?" Sabi ng unang babae
"Oo nakita ko nakakakilig no? Bagay si gio at patricia"
Bigla naman akong lumapit.
"Hi. Nasan sila gio at patricia?" Tanong ko sa mga babae.
"Nasa rooftop bakit?"
"Ahh salamat!" At dali dali akong tumakbo papuntang rooftop.
limang hakbang papunta sa rooftop ay lalo akong kinakabahan. Pinihit ko ang door knob at nanlumo ako sa akibg nakita. Si gio at patricia naghahalikan. para akong sinaksak ng isang daang beses sa puso
Di ko alam kung anong mararamdaman ko galit,inis,selos lahat na ata. Pagkabukas ko ng pinto nilingon ako ni gio. yung babaeng sinasabing patricia ay tumungo.
"Aileen.. let me explain" Akmang lalapit sya sa akin..
"WAG KANG LALAPIT! GANYAN KA PALA. PAG WALA AKO KUNG SINO SINO ANG KASAMA MO AT NILALANDI MO!" At tumakbo ako pababa ng rooftop. kinuha ko ang bag ko sa bleachers at umalia na sa campus.
