Aileen's POV
"G..Gio?"
"Teka si gio yun ahh?" sabi ni ella
"May kasamang ibang girl??" Tanong uli ni ella.
"Tara lapitan natin"
"Wag na" Sabi ko kay ella.
"Hindi!"
At ayun. Hatak hatak ako ni ella papunta sa kinauupuan nila gio sa kabilang dako ng bleachers. Wala naman akong nakikitang mali. Sa tingin ko ay nagpapaturo lang si gio sa babaeng iyon.
"Hi Gio!" bati ni ella
"Oh? Hi Ella? Hi baby! "
"H-hi" Nauutal kong sabi.
"Tara kain na tayo" Aya sakin ni gio.
"Ah ehh kuma-"
"Ohh Tara! Kain na tayo!" Biglang singit ni ella.
"tara!" Sabay akbay sakin ni gio.
"Uyy salamat ha. Naintindihan ko na yung mga lessons." nakangitibg sabi ni gio sa babae na hindi ko alam ang pangalan.
"Walang anuman"
At sabay sabay kaming naglakad papuntang canteen.
SOMEONE'S POV
"Hay nako. Bigla nalang niyaya nung aileen na yun si gio kanina. Di pa naman nagsisimula ang mga plano natin" Inis na sabi ng babae.
"Pagbutihin mo ang ginagawa mo. Siguraduhin mong magkakasira sila. Intiendes?!" Sabi ng Amo nito.
"Pero, Di ba kayo nakokonsensya?"
"At bakit? Tama lang ang mga iyon!"
At aakmang aalis na ang amo nito ng.
"Hindi ko po kayang gawin"
"Pag hindi mo ginawa. alam mo ang nakasalalay dito"
"Per--"
At tuluyan ng umalis ang amo nito.