I stared at the boring white ceiling of my bedroom. Sa labas ng kwarto ko ay dinig na dinig ang sagutan at sigawan. It's one of those mornings that my father and brother argue over petty things. And also over bigger issues.
Ano na naman kaya ang ginawa ni Kuya this time?
Sa aming dalawa, siya ang rebelde. He takes joy in going against our father. I don't know how he could do it. Isang tingin pa lamang ng Daddy ay natatakot na ako. As much as possible, I do everything he says para hindi ako mapagalitan.
"How dare you disrespect me in my own house?" Dumagundong ang galit na boses ni Daddy. I could tell he's very angry base pa lamang sa boses niya. I'm pretty sure Mom is also there in the scene trying to hold him back.
Wala akong narinig na sagot ni Kuya. Sa halip ay narinig ko ang pagbasag ng kung ano. Napabalikwas ako ng bangon lalo na at sumunod ang boses ni Mommy na umiiyak.
Damn. It must've been really that bad.
It's a Sunday and we usually have our breakfast together as a family. Which is highly unlikely to happen dahil sa nangyayaring gulo sa labas. I stayed in my room in fear of seeing my father mad. Ayokong pati ako ay madamay sa galit niya ngayon.
Binalot ng katahimikan ang bahay. Ang sunod kong narinig ay ang tunog ng pintuan ng sasakyan na bumukas sara. And then the engine starting and leaving the premises.
Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa nangyari.
If only my father's people see what's happening inside this house. I wonder if they'd still see him as a noble man. I stared in space as my father and brother's exchange of words replayed in my mind.
Bilib din ako sa tapang ng kapatid ko.
I heard soft knocks from my bedroom door. Napakunot ang noo ko sa pagtataka. Walang mga kasambahay dahil pinagdeday off sila ni Daddy tuwing Linggo.
Is it my Dad? Pagagalitan niya rin ba ako? Sisigawan?
Habang papalapit sa pintuan ay inalala ko kung may nagawa ba akong maaaring ikagalit niya. Wala naman akong matandaan so I guess I'm saved from a morning of scolding from him.
Humugot ako ng malalim na hininga before opening the door. Sa halip na galit na mukha ni Daddy ay isang malungkot at nag aalalang mukha ni Mommy ang napagbuksan ko.
Mugto ang kanyang mga mata na halatang galing sa pag iyak. She gave me a soft and sad smile.
"Good morning, darling."
I made sure my face didn't show any kind of emotion and pretended that I didn't overhear what happened just a while ago.
"Morning, Mom."
"Breakfast is ready." Her voice is raspy but I chose not to comment on it.
Tinanguan ko lamang siya at sinabing susunod din ako sa kanya. She gave me one more smile before leaving.
When I got inside the dining room ay wala si Daddy. My brother is looking down on his plate habang nasa harap niya naman si Mommy. Tahimik akong naupo sa tabi ni Kuya at nagsimula na ring kumain.
Tanging ingay lamang ng mga kubyertos ang maririnig. It's an awkward silence. Maya't maya rin ang ginagawang pagbuntong hininga ni Kuya sa gilid ko.
Using my hair as a cover for my face, sumilip ako sa kapatid ko. I almost gasped when I saw his face. Putok ang labi niya at may pasa sa pisngi.