I looked up from the laptop screen ng maramdaman kong parang may nakatitig sa akin. Hindi nga ako nagkamali ng pasimple kong nilibot ang paningin sa project making area.
We decided to make our group presentation today at nagkataon naman na libre kaming lahat.
My eyes met Nixon's brown ones. Naasiwa ako sa klase ng titig niya. Para siyang may kung anong inaarok sa kaibuturan ng pagkatao ko. He didn't even look away despite being caught. Ako na ang nahiya kaya ako na ang naunang magbawi ng titig.
Naipilig ko ang ulo at muling ibinalik ang tingin sa inaayos na PowerPoint slides. I jumped in my seat when I felt a tap on my right shoulder. Mabilis ang nagawa kong paglingon kaya bahagyang sumakit ang aking leeg.
"Elodie, bili lang ako ng food. Nagutom ako,eh." Paalam sa akin ni Carlos, isa sa mga kagrupo ko. Tumango na lang ako at naiiling na pinagpatuloy ang ginagawa.
I felt someone sit beside me. Pinagsawalang bahala ko na lang iyon at hindi nilingon. We have to finish this as soon as possible para wala na akong aalahanin.
"Hey." Tumindig ang balahibo ko sa batok when I felt a hot breath on my ear. I didn't move to look at him. Bigla akong kinabahan sa di ko malaman na dahilan. Kilala ko na kung sino kahit hindi ko na alamin. My body has become familiar with this human being it surprised me.
My heart beat started speeding up. I bit my lip in concentration. Pilit kong inignora ang presensya niya sa tabi ko.
The atmosphere suddenly felt too hot for my liking. It was fine when he was a few meters away from me. But now that he's too close, I felt suffocated.
He tapped my shoulder kaya napilitan na akong lingunin siya. I don't want to be called rude or a snob. We may not be able to please everyone but that doesn't mean we have to be rude on purpose kahit wala namang kasalanan ang tao sa atin.
He looked bored. Nakanguso siya at nakasalumbaba habang nakatingin sa screen ng laptop.
"Do you need something?" I asked him dahil hindi naman siya nagsasalita. Nakatingin pa rin siya sa laptop. Saglit niya akong tinapunan ng tingin at muling tumingin sa laptop.
Nagkibit balikat siya at tumayo. Bumalik siya sa dating inupuan. Napakunot ang noo ko sa pagtataka. What the hell was that?
Nakahinga ako ng maluwag ng matapos din kami sa wakas. Nagulat ako pag angat ko ng tingin mula sa pagliligpit ng mga gamit ko. Kaming dalawa na lang ang naiwan. Bakit hindi ko yun namalayan? Was I too engrossed with my stuff at hindi ko napansin?
I sighed at isinukbit na ang bag sa aking mga balikat.
"Do you need a ride home?" Nagulat pa ako sa biglaan niyang pagsasalita.
Sa totoo lang ay nahihiya ako sa kanya. The last time we were together, I cried my eyes out on his shirt. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapagmove on sa nangyari. He saw me at a weak moment.
"Uhm..."
"I could give you a ride." He's not smiling nor frowning. Neutral ang ekspresyon ng mukha niya.
"Uhh kasi. ." Baka out of the way plus I don't remember us being close.
Magsasalita pa sana siya ng biglang nagring ang cellphone niya. He answered it immediately and excused himself. Sumenyas pa siya na maghintay ako. Napanguso ako habang pinagmamasdan ang malapad niyang likod. Nakapameywang ang isa niyang kamay while the other gripped his phone.
Mababa ang boses niya habang nagsasalita kaya hindi ko masyadog maintindihan. Not that I plan on eavesdropping.
Medyo dumidilim na rin at siguradong nakauwi na si Kuya kaya hindi na ako pwedeng sumabay. Our family driver is on his day off. Calling my father isn't an option. Kaya wala talaga akong masakyan pauwi. Unless I ride a taxi or a jeepney. Probably the former dahil hindi naman ako sanay magjeep.
