Prologue

925 34 0
                                    

P.S. Avoid spoiling and spoilers for a better reading experience :)
---------------

Prologue

Vivero College... 'Yan ang paaralan kung saan ako kasalukuyang pumapasok. It was named "Vivero" because this school has been rich in horticultural crops ever since it was founded. Up to this day, this school is rich in different kinds of crops. Maraming mga greenhouse rito kung saan itinatanim ang iba't-ibang uri ng gulay at prutas. Vivero College is one of the most acknowledged schools in this town.

Si Mama ang nagtulak sa'kin na pumasok dito dahil maganda raw itong paaralan na 'to dahil maliban sa maayos na sistema ng edukasyon, ito rin ay isang matiwasay na paaralan na puno ng mga tanim na nagbibigay ng sariwang hangin.

"Ma, alis na 'ko. Nandito na si Aubree." sabi ko at isinukbit ang backpack ko sa kanang balikat.

"Sige, mag-ingat kayo, ah? Mag-aral ng mabuti!" sigaw niya galing sa likod ng bahay.

"Yes po, Tita! Mag-aaral kami ng mabuti, 'wag ho kayong mag-alala." masiglang sabi ni Aubree, ang matalik kong kaibigan.

Mahigit tatlong buwan na ang nakalipas nang magsimula ang pasukan at masasabi ko talagang hindi biro ang kolehiyo. I'm a first year college student, and my course is BS Biology. Mahigit tatlong buwan pa lang akong nag-aaral sa kolehiyo, pero sa tingin ko parang naka-isang taon na 'ko! Hindi ko akalain na ganito pala 'yun.

"Vivero lang po, Manong," sabi ko nang makasakay na sa traysikel.

"Meron ka na ba 'nung sa Gen Chem? Shuta, nakakabobo talaga!"

"Oo, pinagpuyatan ko kaninang madaling araw." sabi ko at napasapo sa nuo ko.

"Halata nga eh, tignan mo 'yung eyebags mo ang lalaki!"

Napagdesisyunan kong umidlip muna at ginising lang ako ni Aubree nang makarating na kami sa school.

Nang makarating na kami sa classroom, tamang-tama lang at kakarating lang ni Levy, ang president ng section namin. Inayos niya ang salaming suot bago tuluyang binuksan ang pinto. Binigyan siya ng spare key ng adviser namin.

Marami-rami na rin kami sa loob. Marami ang nagp-panic dahil sa pinag-uusapan ang tungkol sa Gen Chem.

"Natapos mo?" tanong ni Kith Moises sa'kin.

Tumango ako at humikab. "Oo, nakatulong talaga sa'kin 'yung mga sinabi mo kahapon. Alas tres na 'nung tuluyan kong natapos."

Bahagya siyang natawa. "See? I told you, matatapos mo."

"Siguro dahil na rin sa matinding pag-ooverthink kaya natapos ko," sabi ko at umiling-iling.

Hindi na siya nakasagot pa dahil dumating na si Mrs. Catalan, ang adviser namin. Sa buong klase ay pinilit ko lang na makinig kahit inaantok ako.

Sa mga sumunod na klase, ganon lang din ang ginawa ko. I had to force myself to wake my system up because I couldn't miss any lectures. And when it was time for recess, dali-dali akong lumabas ng classroom para makahanap ng lugar kung saan makaka-idlip.

"Saan ka pupunta, Maiandra?" tanong ni Aubree.

Humikab ako bago sumagot, "Maghahanap lang ng lugar na matutulugan saglit,"

"Punta tayong canteen, 'don ka na umidlip. Samahan mo 'ko roon!" aniya sabay hatak sa'kin.

Wala na akong choice at nagpatianod na lang sa kanya dahil hatak-hatak niya na ako.

"Anong gusto mong kainin?" tanong niya nang makarating na kami.

When I found a vacant table, I immediately sat on the chair. Pinatong ko ang magkabila kong braso roon at inihilig ang ulo ko. "Ayos lang ako, 'di ako gutom."

The Missing HandsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon