Chapter 2
Mukha akong zombie ngayon dahil hindi ako nakatulog kagabi. Sino naman kasi ang makakatulog pagkatapos makakita ng ganon kalalang krimen? Sige, sabihin na nating mahimbing ang tulog ni Kith pagkatapos makita ang lahat ng 'yon, pero iba siya, eh. I'm not as tough as he is.
Napatingin ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili. Takte, meron akong eyebags na parang may konting mata. Napabuntong-hininga ako at napasabunot sa buhok ko.
Lumapit si Mama sa'kin, nag-aalala pa rin. "Diyos ko, sobrang nakakatakot. Hindi ko akalaing may mangyayaring ganon sa Vivero. Alam mo ba na 'nung malaman ko eh halos lumipad ako roon para kunin ka?"
Nasabi niya na lahat ng 'yan kahapon. Syempre, sinong magulang naman ang hindi mag-aalala sa kapakanan ng anak nila pagkatapos malamang may karumaldumal na pagpatay na naganap sa mismong paaralan kung saan ito nag-aaral?
It's past 8 in the morning and the principal just made an announcement on the school's page that classes will be suspended until further notice, due to what happened.
"Lumipat ka na lang kaya ng school, Maiandra?" ani Papa, kakalabas lang ng kwarto nila, nakabihis na ng pantrabaho.
Agad naman akong umiling. "Hindi ko pwedeng gawin 'yon, Pa. Mahigit tatlong buwan na ang nakalipas noong magsimula ang klase at ayokong ma-behind. Sayang din lahat ng effort ko kung sakaling lilipat nga ako."
I can't transfer. All my efforts for my school work would be a total waste if I did that. All those sleepless nights, headaches, and all those days when I couldn't eat unless I finish the work I need to get done.
Lumapit si Papa sa'kin at hinalikan ang nuo ko at hinalikan niya naman sa pisngi si Mama. "Alis na 'ko, mag-ingat kayo rito."
"Hindi ka kakain, Pa?" tanong ko.
Umiling siya at kinuha kay Mama ang eco-bag na may lamang mga plastic container. "Hindi na, magbabaon na lang ako. May mahalagang lakad si Mayor kaya kailangan ko nang umalis."
Papa works as a driver for the government, kaya normal lang na hinahatid-sundo niya si Mayor sa paroroonan nito. Maliban kay Mayor, hinahatid-sundo niya rin ang iba pang opisyales ng gobyerno.
Tumango-tango ako. "Ingat ka, Pa."
Tumango siya at kinuha ang susi ng motor niya bago lumabas ng bahay. Gumagamit siya ng motor patungo sa City Hall at iniiwan niya lang iyon doon, tsaka minamaneho ang kotseng pag-aari ng gobyerno.
"Oy ikaw, kumain ka na." ani Mama.
Bigla ko na namang naalala ang bangkay. Agad akong umiling-iling. "Wala akong gana, Ma. Mamaya na lang."
Sinabi ko kahapon sa kanya ang nangyari kay Nikki pero hindi ko binanggit na pumunta ako sa mismong crime scene. Siguradong papagalitan niya ako kung sakaling sasabihin ko.
Palihim akong kumuha ng chichirya galing sa food box at pumasok sa kwarto ko. I don't have an appetite to eat a meal, kaya para may laman naman ang tiyan ko kahit papaano, chichirya na lang muna ang papapakin ko.
Pinaandar ko ang luma pero gumagana ko pa namang laptop. I have this since I was in 10th grade at panay na rin ang lag niya dahil siguro marami na ang files at dahil sa katagalan na rin.
I opened Google Chrome so that I could search for information. Nag-isip muna ako bago tuluyang mag-search.
serial killers |
The results are leading me to sites where you can read e-books, watch documentaries and watch series. I clicked on some sites and downloaded some e-books that looked interesting. Binasa ko rin ang mga synopsis ng ilang mga documentary at series. Mukhang mapapasubo ako sa mga 'to. It'll take me a while to go through all of these.
BINABASA MO ANG
The Missing Hands
Mystery / ThrillerMysterious. Thrilling. Bloody. Death. Crime. Culprit. Those are some of the words that describe Vivero College: The School for the Good. Since the day that it was founded, about 20 years ago, it has been known to be nothing but a peaceful place for...