Naglalabasan na ang mga estudyante para pumasok na sa next class nila.
"Hi babe!"
"Anong palabas yun ??" tawag ni Francine.
"Wala naman."
"Ge una na ko", sabay alis ni Andee para makaiwas kay Francine.
"Pre !", tawag ni Carl kay Andee.
Bestfriend ni Andee simula high school sila. Partner in crime niya sa lahat ng bagay.
"Oh ! Musta na ??"
"Tuloy ba tayo mamaya??"
"Oo naman !"
"Sunduin na lang kita sa inyo." Mga around 6:30 pre."
"Ge pre. Late na ko sa next class ko."
"Una na ko aa. Kita na lang tayo mamaya ng barkada."
As usual late na naman si Andee sa next class niya.
Buti na lang ay hindi pa dumdating yung prof. nila.
Naghahanap siya ng bakanteng mauupuan. Nakita niyang may bakante upuan sa tabi ni Francine at sa tabi ni Amber.
"Sakto may bakante sa tabi niya", bulong nito sa sarili.
"Hi babe ! Dito ka na lang sa tabi ko." sigaw ni Francine.
Hindi na pinansin ni Andee si francine at dumiretso na siya sa lugar ni Amber.
Asar na asar naman si Francine. At pairap itong tumalikod.
"Mukang may kaagaw ka na kay Babe mo." bulong naman ng isang barkada ni Francine sa kanya.
"Hindi isang low class na babae lang ang makakatapat ko noh."
"Baka di mo nakakalimutan. Ako yata si Francine Alexandria Garcia." sabay irap nito.
Tumabi na nga si Andee kay Amber.
"Hi ! I'm Andee."
"Di ba ikaw yung kaklase ko kanina. Anong name mo??"
Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Amber sa kanya.
Wala kasi sa plano ni Amber ang makipagkaibigan sa mga mayayaman.
Alam niya magiging magulo lang nag buhay niya pag nakipagkaibigan pa ito sa kanya. At saka alam naman niya kung saan siya lulugar.
Yan lagi ang ang itinatanim ni Amber sa utak niya.
Pilit na kinakausap ni Andee si Amber. Pero hindi talaga siya pinapansin ni Amber.
Tahimik langito kahit pilit na siyang kinukulit.
Nag ring na yung bell. Oras na ng Break nila.
Yayayain na sana ni Andee si Amber para kumain kaso ..
Bigla namang hinatak si Andee ng mga barkada niya.
Dahil nga exclusive university ang school nila. At puro mayayaman ang nag- aaral dito ay may sarili itong restaurant sa lood ng campus.
At the school restaurant :
Palinga-linga naman si Andee sa loob ng restaurant.
Tila ba meron siya hinahanap na kung anu.
"Bro kanina ka pa di mapakali jan aa." sita ni Carl. (CEO ang kanyang ama sa kumpanya ng pamilya nila Andee kaya naging matalik din silang magkaibigan)
"Oo nga Bro. Sino ba hinahanap mo si Francine ??" tukso naman ni Mark. (Nagmamay-ari ang pamilya niya ng ilang resort sa Boracay, Batangas, Palawan at sa Sydney)
"Anu ba yang pinagsasabi niyo?? Alam niyo naman na hindi ko type yun." sagot naman ni Andee
"Ee sino yung ung chix kanina. Yung Amber ba yun.", dagdag naman ni Edward. (Isang sikat na writer ang nanay niya at isang businessman naman ang tatay niya)
"Mga sira ulo! Umorder na nga lang kayo at kanina pa ko nagugutom", iwas naman ni Andee sa panunukso ng mga barkada niya.
At umorder na lang nga sila.
"Oh ! Mamaya aa walang mawawala. Happy-happy naman tayo tagal na natin hindi gumigimik magkakasama after vacation." banggit ni Mark sa lakad nila mamaya.
Bigla naman dumating sila Francine kasama ng mga kaibigan nito. At narinig nila ang pinag-uusapan ng mga barkada ni Andee.
Nga pala ..
Nasaan na nga ba yung Amber na yun. Nawala yata bigla sa kwento ko :))
Sa Rooftop :
At ayun pala .. Nag-iisa na naman si Amber.
Kumakain siya ng baon niyang pagkain.
Nagbabaon na lang siya para makatipid.
Alam din nman niyang hindi niya kakayanin bumili ng mga pagkain sa school nila dahil nga sa ang mamahal ng mga to.
Alm din niyang tutuksuhin lang siya ng mga mayayamang estudyante sa school nila.
Pag nakita kung ano ang baon niya.
Sarap pa naman ng ulam niya.
TUYOSILOG = (Tuyo + Sinangag + Itlog) Sarap di ba ?? :DD
Kaya nagtatago na lang siya sa rooftop. Imbes na makarinig pa siya ng pang-aalipusta at kung anu-ano pang masasakit na salita.
Halos buong buhay yata niya ganto ang takbo.
Dahil nga sa magagandang klase ng eskwelahan siya nakakapasok. Hindi maiwasan ang makarinig siya sa mga mayayaman na nakakasama niya.
Alam niyang ibang iba siya sa mga to dahil nga mahirap lang siya at mayayaman ang mga nakakasalamuha niya.
Pero imbes na isipin niya nag mga to ito ang ginagawa niyang inspirasyon sa pag-aaral. Para mapatunyan niya sa mga to na hindi handlang ang kahirapan para magtagumpay sa sarili.
Gusto niya mapatunayan ito sa lahat ng tao lalong lalo na rin sa sarili niya.
Natapos na ang break time at bumalik na sila sa bawat klase nila.
Lumipas na nga ang oras at dumating na ang oras ng uwian nila.
Hindi na nakita ni Andee si Amber dahil sa magkaiba na sila ng klase after their breaktime.
Note: Nasa side po ang picture Eastgate Academy.
Vote & Comment please ! :D
BINABASA MO ANG
Little Things (Still Editing ...)
Teen FictionAno nga ba nag kahahantungan ng dalawang tao na magkaiba ng mundong ginagalawan ?? This is a same sex relationship story. Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang taong mahal mo ?? Tunghayan sa kwento kong ito .. This was about a lesbian story ..