Nauna na ang grupo nila Francine sa bar.
Nauna na sila dun para naman hindi mahalata na pinagplanuhan nila na pumunta dun gahil alam nila na pupunta sila Andee at mga barkada nito.
Si Amber sana ang kukuha ng order sa table #9 pero ng makita niya na sila Francine ang nandoon ay napaatras siya.
Buti na lang biglang pagpasok nila Andee kaya nabaling ang atensyon ng mga to sa kanila.
Dahil kung nagkataon ay makikita siya ng mga to at panigurado ay hindi na naman siya makakaligtas sa mga panglalait ng mga to.
Dumating na nga sila Carl, Mark, Troy, Edward at si Andee.
"Nakakaasar ! Bakit ba namn sa dinami-dami ng pupuntahang bar dito pa sila pumunta", sabay buntong hininga ni Amber.
Napaatras na lang siya at biglang nagtago.
"Camille favor naman."
"Anu yun frienship ??"
"Ikaw na lang kumuha ng order sa table #9."
"Bakit naman ??"
"Basta. Palit na lang tayo."
"Ok friendship."
Habang nagtatrabaho si Amber at nagsesrve sa kabilang table ay hindi niya maiwasan ang tumingin kila Andee at Francine.
Todo kapit naman si Francine kay Andee. Para siyang linta kung makakapit.
"Hi babe! Tara sayaw tayo", sabay hila nito sa dance floor kaya hindi na nakapalag pa si Andee.
Kaya napilit na niyang isayaw ito.
Hindi naman sa ayaw niya kay Francine sadyang may mga katangian lang na hinahanap ni Andee na wala si Francine.
Simpleng babae lang talaga ang hanap niya. Sawa na daw kasi siya sa mga mayayaman at sopistikadang mga babae na tulad ni Francine.
Masyadong komplikado.
Habang nagsasayaw ay hindi nakita ni Francine na may paparating na waiter sa likod niya. Kaya hindi niya namalayan na natabig niya ang dala nito.
Natapon tuloy yung dala ng waiter sa kanya.
Galit na galit na pinahiya ni Francine yung waiter.
"Anu ba naman yan ?!"
"Tatanga- tanga empleyado !!!"
"Alam mo ba kung magkano tong damit na to huh ?! Baka kahit buhay mo ee hindi kayang bayaran tong damit ko."
"Ma'am Sorry po. Hindi ko po sinasadya"
"Kayo naman po nakatabig sakin ee."
"Ang Kapal mo! Ako pa sisisihin mo."
"My God ! Nasaan yang manager mo para masisanti ka."
At dumating na nga yung manager ng bar.
"Ma'am anu pong problema ??"
"Yang tatanga-tanga nyong empleyado tinapunan tong mamahalin kong damit."
"Sorry po ma'am. Hindi naman po siguro sinasadya."
"Pagsasabihan ko na lang po."
"Anong pagsasabihan?! Kailangan sisantihin niyo yan !"
Pinupulot naman ng waiter yung mga nabasag na baso.
Tinulungan ni Andee yung waiter sa pagpupulot.
"Sir ako na po yan."
"Ge na ok lang. Bumalik ka na sa trabaho mo."
"Ge po. Ako na bahala dito", sabi ni Andee sa manager at pinaalis na niya ito.
"P-pero babe ! Look what he done !"
"Francine tama na. Pinagtitinginan na tayo ng nga tao oh."
"Wag ka mag-alala maganda ka pa din naman."
Kinilig naman at sabay ngiti.
Ginamit na lang ni Andee ang charm niya para tumigil na to sa kakadada. Dahil kung hindi niya gagawin to ay patuloy pa din to sa pag-iiskandalo.
Sa di kalayuan ay nanunuod pala si Amber. Nakita niya ang buong pangyayari.
Kung panu natapunan si Francine, panu niya pinahiya yung waiter at higit sa lahat ..
Ay yung kabaitan na ipinakita ni Andee.
1:00 in the midnight ..
Umuwi na yung mga tao. Nagsara na din yung bar.
Nakauwi na din sila Andee at Amber.
Amber POV :
Habang nakahiga sa kama at nakikinig ng paborito niyang kanta.
"Ang bait naman nung sira ulong yun kahit na mayaman siya hindi siya matapobre."
"Siya pa yung tumulong dun sa waiter. Sana lahat na lang ng mga anak mayaman tulad niya."
"Di tulad nung Francine na yun."
"Maganda nga, sexy pero ubod naman ng sama ng ugali."
"Buti pa yung Andee. Mabait na cute pa."
"Ano ba tong pinagsasabi ko ?!"
"Haist ! Makatulog na nga lang at maaga pa pala ko gigising bukas. Ayt umaga na pala I mean mamaya pala."
"Tama ba mga readers."
HEHEHEHEHEHE :DD
5:30AM ..
"Good morning Tuesday !"
"O-ouch ! Sakit ng katawan ko."
"Gising ka na pala anak ko. Bumangon ka na at handa na ang almusal."
"Opo ma ! Tatayo na po ako."
Andee's house :
Tok ! Tok ! Tok !
"Good morning ma'am"
"Pinapagising na po kayo ng mommy niyo. Nakahanda na po yung breakfast niyo."
"Susunod na po ako manang."
At bumaba na nga si Andee para samahan ang mommy niya bago siya pumasok.
"Good morning mommy."
"Anung maganda sa umaga ?!"
Anung oras ka na umuwi huh bata ka ?!"
"Mommy naman ! Napasarap lang kami."
Nasaan na nga pala si daddy ?? Hindi pa ba siya umuuwi galing Singapore??"
"Hindi ka na nasanay sa daddy mo !!"
Lagi kasing wala ang daddy ni Andee. dahil nga may-ari sila ng isang malaking kumpanya ay madalas itong wala sa bansa.
Marami kasi siyang inaasikaso.
"Ge mommy tapos na po ako kumain. maliligo na po ako."
"May pasok pa ko ee."
Naligo na nga si Andee at nagbihis. Pagkatapos ay umalis na siya.
Habang nagddrive niya ay naalala na naman niya si Amber.
Dumaan kasi doon sa lugar kung saan niya nakita si Amber at yung matanda na tinulungan nito.
"Excited tuloy siyang pumasok dahil alam niyang makikita nita ulit to."
"Sa wakas makikita na naman kita Ms. Sungit", sabay ngiti.
Note. Nasa side po yung picture ni Francine. Sana po nag eenjoy kayo sa pagbabasa. PROMISE !! hahabaan ko na po.
BINABASA MO ANG
Little Things (Still Editing ...)
Teen FictionAno nga ba nag kahahantungan ng dalawang tao na magkaiba ng mundong ginagalawan ?? This is a same sex relationship story. Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang taong mahal mo ?? Tunghayan sa kwento kong ito .. This was about a lesbian story ..