Eastgate Academy :
7:00 in the morning ...
Pumasok na si Amber sa klase niya. As usual tahimik pa din siya habang ang mga kaklase niya ay walng humpay sa mga kwentuhan nila.
Dumaan ang oras natapos na ang 1st and 2nd class nila pero kung bakit walang Andee na pumasok para asarin at kulitin siya.
Masaya naman siya na sa wakas walang nangungulit sa kanya mas makakapagfocus siya sa mga discussion sa klase.
"Himala at wala yata yung makulit na Andee na yun."
"Bakit kaya hindi siya pumasok ??"
"Mabuti na rin siguro yun atleast walng naninira ng araw ko." ^_^
Good vibes na pumasok si Amber sa next class niya. Excited siya dahil yun yung favorite subject niya at sempre dahil nandun yung crush niya na si James.
"Hi !" bati ni James sa kanya.
"Hello !" sagot naman niya.
"Kumusta ka na ??"
"Ok lang naman, ikaw ??"
"Ok lang din."
Biglang dumating yung prof nila kaya natigil yung pag-uusap nilang dalawa.
"Good morning class !"
"Good morning sir !"
"Ok class dahil baking tayo ngayon una nating gagawin ay ang paggawa ng cupcake."
Natuwa naman ang buong klase at marami ang naexcite.
"Bale 1 week discussion muna tayo after that hands-on na tayo. Hindi naman pwd na puro salita lang alam ko naman sa inyo na maraming aangal dahil excited na sa pagbabake."
"wag na tayo magdiscuss sir magbake na agad tayo".
"Ge mauna ka na."
Tawanan naman ang buong klase.
"Sir naman ee !"
"At sempre hindi naman puro pasarap lang may grade din yang gagawin niyo noh."
"Kailangan niyo gumawa ng 15 pcs. na cupcake."
"Sus sir yun lang pala ee ! Sisiw yan !" biro ng isang mayabang na estudyante.
"Anong yun lang kailangan niyo mabenta yung nga cupcake na ginawa niyo at dito niyo mismo ibebenta sa loob ng campus natin."
"Kailangan maubos niyo lahat ng binake niyo kasi each cupcake is equal to 5% to 75% lang naman lahat at yung natitirang 25% ay para na dun sa performance niyo during the procedure."
"Hala sir ang hirap naman", reklamo ng ibang estudyante.
"Oh ! ngayon puro na kayo reklamo kanina mga excited kayo gusto niyo na agad simulan. At nga pala hindi lang kayo basta gagawa may reward ang may pinaka magandang presentation na gagawin."
Bigla ng nagring yung bell na ang ibig sabihin ay tapos na ang klase nila.
"Ok class see you on Monday ! Enjoy your weekends !"
"Goodbye Sir !"
Oo nga pala weekends na rest day for students pero sa kalagayan ni Amber walang rest day-rest day. Meron naman pero yun nga lang isang araw lang day-off niya sa work.
__________________________________________________________________________
Pumasok na sa trabaho si Amber medyo napaaga siya kaya nagkwentuhan muna sila ni Camille.
"Hi Camille. musta na ??"
"Ok lang naman friendship, Ikaw ??"
"Ok lang din."
"Nakakapagod noh ! Puro aral-trabaho-trabaho-aral na lang tayo. Di tulad ng mayayaman na yan puro gimik lang inaatupag."
"Oo nga pero ganun talaga. Masaya din naman ee na atleast nakakatulong tayo sa pamilya natin kahit papano."
"Maiba ko friendship ano kaya itsura ng boss natin ??"
"Oo nga noh ! 1 week na ko dito hindi ko pa din siya nakikita. Kasi nung nag-apply naman ako si manager lang yung tumanggap sakin."
"Ako nga mag-iisang taon na dito ni anino niya hindi ko pa nakikita. Puro yung masungit nating manager yung nabubungaran ko."
"Ano kaya itsura niya ?? Babae ba or lalaki ??"
"Ang alam ko babae may-ari ng bar na to pero nung narinig ko sa malalandi nating mga katrabaho cute daw at charming saka maganda daw yung boses. Mahilig daw kasi sa music yun kaya nga naglagay siya ng mini stage jan sa unahan. Kumakanta daw yun madalas dito. Kaso isang taon na daw yun hindi nagpupunta dito."
"Wait ang gulo anu ba talaga babae o lalake ??"
"Di ko din alam sabi nung iba babae daw pero yung mga malalandi nating mga katrabaho wagas kung kiligin nung nagkkwentuhan sila."
"Hayaan na nga natin yun. Magtrabaho na tayo baka mapagalitan na naman tayo ni manager niya."
Nag-umpisa na nga sila magtrabaho. Linis dito. Linis doon. Hanggang sa padami na ng padami ang mga nagdadatingan na mga costumer.
Dumating ang mga barkada ni Andee at kasama si Francine at mga kaibigan nito sa bar. Dahil nga Friday at walang pasok kinabukasan kaya todo gimik sila. Actually, kahit naman hindi weekends ee gumigimik sila gabi-gabi dahil wala naman silang inaalala.
"Bakit kaya hindi nila kasama si Andee ??" tanong ni Amber sa sarili.
Hindi pa kasi alam ni Amber na nasa New York si Andee.
"Ano ba tong nangyayari sakin ?? Bakit ko nga ba siya hinahanap ??"
Ayaw pa din magpakita ni Amber sa mga kaklase niya dahil alam niya na aapihin siya pagnakita siya ng mga to.
"Nga pala nasaan si Andee ko ?? Bakit hindi niyo siya kasama ??" tanong ni Francine sa mga barkada ni Andee.
"Nasa New York siya kasama yung parents niya", sagot ni Mark.
"Anong ginagawa gun ee may klase pa aa ??"
"Magtatagal ba siya dun ?? Hanggang kelan siya dun ??"
"Bakit hindi man lang nagsabi sakin ??" sunod-sunod na tanong ni Francine.
"Wow ! Hinay-hinay lang mahina ang kalaban",biro ni Edward.
"One week lang siya dun may ipapakita lang daw si Tito about sa company nila nireready na si Andee after her graduation. Biglaan yung alis nila kaya hindi na nakapagsabi ng mas maaga pa", sagot ni Carl.
Nasa di kalayuan si Amber kaya narinig niya lahat ng pinag-usapan nila Francine.
Dun niya lang nalaman kung bakit hindi pumapasok si Andee sa klase at kung bakit hindi nila ito kasama.
BINABASA MO ANG
Little Things (Still Editing ...)
Teen FictionAno nga ba nag kahahantungan ng dalawang tao na magkaiba ng mundong ginagalawan ?? This is a same sex relationship story. Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang taong mahal mo ?? Tunghayan sa kwento kong ito .. This was about a lesbian story ..