Sensya po ngayon lang nakapag UD. Ngayon lang po nakapag open ee. PEACE !! :)
____________________________________________________________
After 1 week ...
Nakauwi na si Andee sa Philippines.
Dumiretso na agad siya sa eskwela kahit na may jetlag pa siya. Pinadala na lang niya yung mga maleta niya sa driver nila after niya magpahatid at isusunod na lang nito ang kotse niya.
Kahit na pumasok siya, tinatamad pa din siya umatend sa mga klase niya. Kaya tumambay muna siya sa rooftop ng school nila.
Dun din kasi siya madalas nagpupunta paggusto niyang mapag-isa. Lumayo sa gulo ng mundo. At makaiwas sa ingay ng paligid.
Gustong-gusto niyang pinagmamasdan ang mga ulap. Para sa kanya nagiging payapa ang lahat pagpinagmamasdan niya ang langit.
Para bang ang layo-layo niya sa mga problema. Wala siyang ibang iniisip na kung anu-ano. Payapang-payapa yung utak niya.
Hindi rin kasi siya masyadong nag-enjoy sa New York kasi puro na lang mga business work yung kaharap niya araw-araw.
Kumustahin na natin si Amber. Ano na kaya ginagawa niya ??
Breaktime na kaya dumiretso na si Amber sa rooftop dun na naman siya maglulunch. (everytime naman ee ..)
Habang pinagmamasdan ni Andee yung mga ulap may narinig siyang may nagbukas ng pinto sa rooftop kaya bigla siya napabalikwas at nagtago. Baka kasi makita siya na nakatambay lang.
Hindi naman napansin ni Amber na may tao sa rooftop. Dali-dali niyang binuksan yung baon niya gutom na kasi siya hindi kasi siya nakapag-almusal bago umalis ng bahay. Saka masarap din kasi ang ulam niya.
Ang ulam lang naman niya ay TiNAPA NA MAY KAMATIS. (YUm ! YUm ! YUm !)
Sumilip si Andee para makita niya yung taong pumasok.
Laking tuwa niya ng si Amber yung nakita niyang kumakain.
"So dito pala siya nagpupunta pagbreaktime kaya pala bigla na lang siyang nawawala. Ngayon alam ko na", bulong nito sa sarili.
"Hi Miss Sungit ! Kumusta ka na ??"
Nagulat bigla si Amber ng marinig niya yung pamilyar na boses na yun. Isa lang naman kasi ang tumatawag sa kanya ng ganun.
"Anong ginagawa mo dito ?!!"
"Wala." sabay ngiti ni Andee na para bang nakakaloko.
"Ano yang kinakain mo ?? Wow ang sarap naman ! Penge ako huh!"
Hindi na inantay ni Andee na umoo si Amber. Sinunggaban niya agad yung baon nito na akala mo close sila.
"Kapal talaga nito ! Hindi man lang inantay na pumayag ako feeling close agad ! Hmp ! Pero inferness ang cute niya", lihim na nakangiti habang kausap ang sarili.
Para bang bata si Andee na takam na takam sa isang bagay. Gutom na din naman kasi siya. Hindi pa siya kumakain simula nung umuwi siya.
Kaya hinayaan na lang ni Amber si Andee na kumain kahit na gutom din siya.
"Sorry Miss Sungit ! Hindi pa kasi ako kumakain kaya gutom na gutom na ko."
"Halata nga ee ! Halos pati yung baunan ko kainin mo na."
"Graveh ka naman ! Sorry talaga !"
"Ok lang ! Kumakain ka pala niyan ??"
"Oo naman. Sarap-sarap nito ee. Akala mo sakin ?!"
BINABASA MO ANG
Little Things (Still Editing ...)
Novela JuvenilAno nga ba nag kahahantungan ng dalawang tao na magkaiba ng mundong ginagalawan ?? This is a same sex relationship story. Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang taong mahal mo ?? Tunghayan sa kwento kong ito .. This was about a lesbian story ..