Chapter 3

41 0 0
                                    

Uwian na nga.

Nagddrive na si Andee pauwi ng biglang nagkarron ng banggan sa unahan niya kaya nagkaroon tuloy ng traffic.

Habang inaantay nito ang pag-unsad ng mga kotse. Binuksan muna niya ang radio ng kotse niya.

Para naman malibang libang siya habang nag-aantay.

I know you've never loved

The sound of your voice on tape

You never want

To know how much you weigh

You still have to squeeze into your jeans

But you're perfect to me

Bigla naman siyang napadungaw sa bintana.

May nakita siyang isang matanda na hirap na hirap dahil sa marami nitong dalahin. Sa dami ng dala nito ay nabitawan na ng matanda ang kanyang mga pinamili.

Bababa na sana siya para tulungan yung matanda ng may nakita siyang isang napakagandang babae na tumatakbong papalapit dun sa ale.

At ng titigan niya ay laking pagkamangha niya ng si Amber ang nakita niya.

I won't let these little things slip out of my mouth

But if it's true

It's you,

It's you they add up to

I'm in love with you

And all these little things

Napamangha siya nito dahil sa taglay nitong kabaitan.

Bigla namang nag Green light na kaya kailangan na niyang magpaandar na.

Nakarating na nga si Andee sa bahay nila.

Andee's POV :

"After how many years nakauwi na din."

"I'm home mom!"

Umakyat na agad siya sa kwarto niya para makapagpahinga.

"Nakakapagod tong araw na to pero atleast masaya pa din naman kahit papano."

"Hindi pa din siya nagbabago napakaganda pa din niya."

"Yun nga lang ang tahimik pa din niya."

"Akalain mo magiging kaklase ko pala siya, pagkakataon nga naman."

"What a small world!"

"Sana maging close kami kaso ang sungit naman niya saka masyado pa siyang mailap sa mga tao para bang takot na takot."

"Ano kaya pwede kong gawin para mapalapit sa kanya ??", tanong nito sa sarili.

Hindi na namalayan ni Andee ang oras at nakatulog na siya.

Z z z z z z z z z z z .. ~.~

Flashback ...

"Nay ok lang po ba kayo ??" tanong ni Amber sa matanda.

"Ok lang ako iha. Salamat at tinulungan mo ako."

"Wala po yun."

"Napakabait mo naman at napakaganda mo pa. Swerte ng lalaking mamahalin mo."

"Malayo pa po yan sa plano ko. Ge po nay una na po ako. Ingat po kayo sa paglalakad." sabay alis na ni Amber.

At umalis na nga si Amber.

Papasok pa kasi siya sa bago niyang trabaho. Ito rin kasi ang unang araw niya sa trabaho.

Ganyan kasipag si Amber. Nag-aaral sa umaga at nagtatrabaho sa gabi.

Libre nga siya sa pag-aaral dahil full time scholar siya. Pero kailangan niya pa rin kumayod para sa mga gastusin nila sa bahay nila.

Dahil nga dalawa na lang sila ng nanay niya ang magkatuwang sa buhay. Kailangan niyang magtrabaho.

Sa isang exclusive bar siya nagtatrabaho bilang isang waitress. Puro mayayaman na naman ang mga makakasalamuha niya.

Dumating na si Amber sa bar napapasukan niya. Mga 4:35pm na siya nakarating.

"Hi friendhip. Camille nga pala."

"Ikaw ??", sabay abot ng kamay nito.

"Hello ! Amber nga pala"

"Bago ka lang??"

"oo ee ! Ikaw ba??"

"Mag-iisang taon na."

"Anu ba yan tsismisan ng tsimisan! Magsikilos na nga kayo. Anong ora na ?! Maya-maya dadating na yung mga costumer natin."

"Kwentuhan na ng kwentuhan." pasigaw na paninita ng manager ng bar.

"Tara na nga frienship. Mamaya na nga lang tayo mag chikahan. At anjan na yung kontrabidang si Bella Flores."

"Anu yun ??"

"Wala po!" lihim naman nagtawanan yung dalawa at bumalik naman sa mga trabaho nila.

6:00 in the evening ...

Unti- unti na ngang dumarami ang mga tao sa bar.

Umiingay na at nagiging magulo na din. Anu nga naman bang aasahan mo sa isag bar ?!

Maraming costumer na nagtataka kung bakit everytime na kukuha si Amber ng order ay wala itong dalang ballpen at papel.

Mabilis kasi makamemorize si Amber ng mga sina-sabi sa kanya at mga nababasa niya. Kaya maging ang mga order sa kanya ay tinatandaan na lang niya. Para mas mapadali na rin ang trabaho niya.

Andee's place :

Peep ! Peep !

Dumungaw si Andee sa veranda ng kwarto niya upang tignan kung sino yung bumubusina.

"Hoy Pre !"

Si Carl pala yung nasa labas. May usapan nga pala sila ng gigimik sila ng mga barkada niya.

"Ge pre. Bababa na ko."

"Mom, alis lang po ako. Wag mo na po ako antayin baka malate din po ako ng uwi mamaya." sabay halik sa pisngi ng mommy niya.

"Ge anak. Basta mag-iingat ka huh."

"OK po! Bye !"

"Tagal mo pre. Inaantay na tayo ng mga chix natin doon ee."

"Ewan ko sayo."

Note: Nasa side po ang picture ni Amber. ganda niya noh. Yoho-Yohohoho ! :D

Vote & Comment !

Little Things (Still Editing ...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon