Chapter 11

24 0 0
                                    

Nag-umpisa ng magbake sila Amber at mga kaklase nito. Tutok na tutok si Amber sa ginagawa niya. Gusto niya kasi maging maganda yung kalalabasan ng cupcake na gagawin niya.

"Nga pala class gawin niyong 16 pcs. of cupcake yung gagawin niyo."

"Bakit po, Sir ??"

"Sempre para sakin kelangan niyo ko patikimin noh."

"Wag na sir !"

"Kelangan yun para maevaluate ko kung kanino ang may pinakamagandang gawa at higit sa lahat ang may pinakamasarap. Yun yung bibigyan ko ng award."

"Ok sir."

Natapos na ang lahat isa-isa na silang lumabas at nag-umpisa ng maghanap ng magandang pwesto para makapagbenta.

"Guys, wala daw si Ma'am. Wala tayong klase !!"

Kaya lumabas na lang sila at gumala dahil wala silang prof.

Nakita ni Andee na may mga culinary students na nagkalat at nagbebenta ng mga cupcake.

May nakita siyang mga lalaki na nagkukumpulan. Nacucurious siya kaya nakiusyoso na rin siya.

"Miss anong pangalan mo ??"

"Miss makipag-date ka lang sakin bibilihin ko lahat ng tinda mong cupcake."

"Miss anong number mo ??"

"Miss ! Miss ! May libreng kiss ba pagbumili ng cupcake ??"

Nang tignan ni Andee kung sino yung babae na pinagkakaguluhan. Laking gulat na lang niya ng si Amber yung nakita niya.

Nakatungo lang si Amber at hindi umiimik habang hawak nito ang tray na may cupcake.

"Umalis na nga kayo dito kung hindi kayo bibili. Mga wlang magawa sa buhay !!"

"Ok ka lang ??" tanong ng isang tinig kay Amber.

Nang itaas ni Amber ang ulo niya at tignan kung kanino nanggaling ang tinig na yun. Ai andee ang bumungad sa kanya.

"Oo, Salamat aa." malumanat na sambit ni Amber.

"Bakit ba dami kong nakikitang nagbebenta ng cupcake ?? Para san ba yan ??"

"Sa baking class namin to. Kelangan maubos namin to. Dito kasi nakasalalay grade namin, kailangan maibenta namin lahat to."

"So culinary pala course mo ??"

"Oo !"

"Ge wait lang aa."

"Anong gagawin mo ??"

"Basta wait ka lang !"

Umalis si Andee at kumuha siya ng upuan. Tapos noon ay bumalik na siya sa pwesto ni Amber.

"Anong gagawin mo sa upuan ??"

Ngumiti lang si Andee pagkatapos bigla siyang tumuntong sa upuan at nagsisisigaw.

"Bili na kayo ng cupcake. Super duper sarap nito."

Biglang nagtilian ang mga babae at pumunta ang mga ito kila Andee at Amber.

Ang daming bumibili ng cupcake ni Amber hindi na siya magkaugaga dahil nag-aagawan ang mga ito.

Mabilis agad naubos ang mga cupcake ni Amber.

"Yan ubos na Ms. Sungit. Alis na ko aa !"

"Teka lang."

"Bakit may sasabihin ka Ms. Sungit ??"

"Ahmmm ... Maraming Salamat aa."

"Anong salamat ka jan. May bayad yun noh !"

"Huh ?!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Little Things (Still Editing ...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon