Chapter 3

11.9K 270 5
                                    

"Sorry Pierre na late ako" apologetic na sabi ko dito."traffic kasi" dagdag ko.

Humalik ako sa labi nito.

Tipid na ngumiti ito at inalalayan ako papunta sa may living room.

"Oh..."tanging nanulas sa bibig ko pagkakita sa ayos ng living room.

May nakalagay na mesa sa gitna at may kandilang kulay pula nakasindi habang ang sa paligid naman ay may mga talulot nang mga rosas na nakakalat at umaabot sa ilong ko ang bangong taglay ng mga ito.

"Ang romantic naman Pierre!" Humahangang wika ko at saka humarap dito.

Hinapit nito ang bewang ko at ipinatong ang mukha nya sa kanang balikat ko.

"Glad you like it...." binitiwan ako nito at humakbang palapit papunta sa may stereo.
Binuksan ni Pierre ito at ilang saglit pa ay pumailanlang na ang isang malamyos na tugtog.

Humarap ito sa akin at inilahad ang kanang kamay.

"Shall we?" Anito.
Napatango ako at lumapit ako dito at ilang saglit pa ay umiindak na kami sa saliw nang musika.

Tila ambagal nang mga sandali.

Pakiramdam ko ang mga paa ko ay naglalakad sa ulap.
Sa simpleng pagkakadaiti ng mga katawan namin ay tila langit na sa pakiramdam.

Sana hindi na matapos ang mga sandali na ito..... piping hiling nang puso ko.

"Penny....."

"Hmm....." nakapikit na sinasamyo ko ang pabango nito.

"Thank you.....dahil nandito ka at kasama ko" wika nito.
Nag angat ako ng tingin para magtagpo ang mga mata namin.

Napansin ko ang lumbay sa magagandang mga mata nito.

"Pierre..." gusto ko man na magtanong ay batid ko naman kung bakit sya malungkot.

Alam ko ang ibig sabihin ng kalungkutan na nararamdaman ni Pierre ngayon.

Dahil two years ago ay pinagluksa ko rin ang araw na ito....
Akala ko hindi ko makakaya ang sakit, na akala ko ay ikamamatay ko...but I survived... and now kasama at kayakap ko na si Pierro...

It's Pierro and Marjorie's supposed to be second year anniversary if hindi sila nagkahiwalay.
Naka ekis na ito sa kalendaryo ko.
At Ipinako ko pa.

Sumubsob ako sa malapad na dibdib nito at nagpatuloy kami sa pag indak.

God! I love this man so much!
Sana....sana let Pierre finally move on, and let me the one who really love him wholeheartly welcome me in his heart...

______________

After na patayin ko ang shower ay kinuha ko na ang tuwalya at pinunasan ang basang katawan ko.

Sinuot ko na ang roba ko at lumabas na ako nang shower room.

Matamis na napangiti ako ng makita ko si Pierro na nakadapang nakahiga sa malambot na kama.

Tip toe na lumapit ako dito at dahan dahan na lumuhod para mapantayan ang mukha nito at mabistahan ng mabuti ang gwapong mukha ni Pierro.

Dinama ng hintuturo ko ang prominenteng tangos ng ilong nito, ang natural na mapulang labi nito na kay sarap halikan dahil parang nakapapagpadagdag ito sa angking kagwapuhan nito.

Napangiti ako at ilang sandali pang pinagsawa ang mga mata ko sa tanawin na nagpapalakas ng tibok ng puso ko.

"I love you..." bulong ko dito saka maingat na hinaplos ko ang buhok nito.

Nangiti at akala ko ay gising na ito at narinig nya ako.
Pero nanatiling nakapikit ito.

"I love you too..." sagot nito na tila nagpahina ng tuhod ko.

"P---pierre?"

"I love you Marjorie..." muling usal nito.
Kung kanina halos maglumundag ako sa tuwa ngayon ay kulang na lamang ay maglupasay ako nang iyak sa sahig.

Bakit hanggang ngayon si Marjorie pa rin ang laman nang isip at puso ni Pierro?

"I love you Pierre so much...too much" naiiyak na bulong ko dito at maingat na hinalikan ang noo nito.

Minsan naiisip ko kung bakit sa dinami dami nang lalaki na pwede kong mahalin, bakit kay Pierro pa tumibok ang pesteng puso na ito?

Sana man lang binigyan ako ni Kupido nang choice, yung parang sa test may A at B at kung susuwertehin ay may C pa.

Pero wala eh, eto tuloy ako nangungulelat sa pagmamahal kay Pierro Pascua....

Ang sakit sakit sa puso na malaman na kahit na iniwan ni Marjorie si Pierro ay mahal na mahal pa din ng huli ito...

Ang suwerte talaga ng Babae na yun....
mapait na napangiti ako at pinahid ng likod ng palad ko ang luha sa mga mata ko.

Pagkaraan ay kinalma ko ang sarili ko at mabilis na tumayo ako para magbihis.

Kailangan ko nang umalis kahit ayaw ko pang iwan si Pierre,

SOMEONE LIKE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon