Chapter 20.1

10.7K 211 16
                                    

"W--why?" Di mapakaling tanong ko dito.
"How? When?"

Hindi na ako pumasok sa trabaho at sa halip ay nanatili na lamang dito sa unit ko.

Ang kasama nitong dalaga na si Imogen ay kalaro ngayon ni Marron.

"Huh? Dami mo naman na tanong" nakangusong sagot ni Percy Pascua.

"Because basta ka na lamang pumasok dito sa bahay ko what do you expect na ikaka react ko matuwa?" Nate tense na sagot ko dito.

"Of course dapat matuwa ka nandito at kaharap mo ang isang Percival Pascua" taas noo na sagot nito na kinanganga ko.

Hindi ko expected na may kahalong kahanginan ang Kuya ni Pierre.

"I can't believe this is happening" umiiling na bulalas ko.

"And I can't believe na sa pagpunta ko dito ay may matutuklasan ako na bagay" Percy smirk that makeme more tense.

"Kung anuman yang kini claim mo...alam mo na imposible yang sinasabi mo b--baog ang Kapatid m---"

"Mababa lang ang sperm account ni Pierro due to the stress of his work at sa bago nyang buhay dati alam mo naman na kakasal lang nya kay Marjorie" napatungo ako pagkaalala ng mga panahon na yun.

"Mr. Pascua----"

"Just call me Kuya Percy feeling ko nakakabawas ng kagwapuhan ko sa pagtawag mo sa akin ng Mister" nakangiting winasiwas nito ang kamay.

Huminga ako ng malalim at saka tumango dito.

"K---kuya Percy wala pa din akong alam sa gusto mong ipakahulugan sa mga salita mo----"

"Alam mo yan si Marron kamukhang kamuha ni Pierro ng mga ganyan edad sayang lang wala akong dala na photo album kasi hindi ako prepared kasi kundi mo naitatanong mula pagkasilang nya andun na ako at inalagaan sya, lagi kaming magkasama sa lahat ng oras at pagkakataon magmula umaga hanggang gabi nagbago lang yun nun dumating at nakilala ni Pierre si Marjorie nun highschool sya, alam mo ba na bago ang kasal nya kinausap ko pa ng masinsinan yan kapatid ko na yan kasi gusto nya na agad magpamilya eh ke bata bata pa hindi pa nga nya naregaluhan ng Rolex Watch ni isa kina Dad at Mom samantalang ako bata pa lang niregalo ko na si Daddy kay Mommy tapos silang dalawa na kapatid ko wala, di ba ang unfair? "  kwento nito na nagpagaan sa tension na nararamdaman ko.

Nakakatawa kasi ang way ng pagkwento nito hindi mo alam kung nagkukwento o umaangal.

"Tapos ano natuklasan lang ni Pierro na mababa ang sperm cells nya inakala na nya na baog sya tapos ang kati ng dila itsinismis na kay Marjorie ayun ang Gaga hiniwalayan sya ng bonggang bongga oh di ba ang tanga makati ang dila nawalan tuloy sya?"  Dagdag pa nito at di ko na napigilan na di mapahagalpak ng tawa.

"Mukhang busy kayo sa katatawa dyan ha?" Nakangiti na singit ni Imogen pero kitang kita ko ang pagtikwas ng kilay.
Lumapit ito sa amin at padabog na nilapag nito ang dalawang tasa ng umuusok na kape.

"Thanks anyway nasan na ang creamer at sugar?" Tanong ni Kuya Percy kay Imogen.

Ngumuso si Imogen dito at tumalikod saka tumungo ng kitchen at pagbalik ay dala dala na ang garapon ng creamer at sugar saka padabog ulit na inilapag nito sa center table.

"Thanks Imogen, balik ka dun sa dalawa---I mean kay Marron"  pagtataboy ni Kuya Percy kay Imogen.

Inirapan ito ni Imogen pero agad naman na tumalima ito at muling pinuntahan si Marron na tawa ng tawa na parang may kausap.

Marahil ay ang Guardian Angel nya ang kausap nya...

"Anyway mabalik tayo sa usapan natin"  pukaw ni Kuya Percy sa akin habang umiinom sya ng kape.

"Kuya Percy----"

"Matagal na ba kayong magkakilala ni Pierre kasi parang di ka na nagulat sa dahilan ng paghihiwalay ng dalawang ugok na yun eh?"  Tanong nito na kaagad ko naman na tinanguan.

"Y---yes magkasintahan pa lamang sila ay kilala ko si Pierre at ina...inaakit" namula ako pagkaalala sa mga kagagahan ko dati.

"Ah ganun?"  Nagpatango tango ito at nagulat ako ng pukpukin nito ang center table.
"Dapat nagpakilala ka sa akin eh di sana baka nagawan natin ng paraan na ikaw ang piliin ng kapatid ko"

"Kuya Percy imposible yan na mang--"

"Walang imposible sa isang Percival Pascua noh!"  Inirapan ako nito na kinangiti ko lamang.

"Maybe tama ka...I'm sorry Kuya Percy di ko naisip ang kakayahan mo"  wika ko at yumukod pa dito.

"I like you nah"  wika nito.

"Thank you po Kuya Percy"

"At tapos nalaman mo na hiwalay na silang dalawa kaya naman gumora ka na at inakit akit mo na ang kapatid ko?" Tumango ako sa tanong nito.
"At naging kayo tapos bakit mo sya iniwan? Nauntog ka na?" Napangiti na ako sa tanong nito saka napahawak sa tapat ng dibdib ko.

Bigla kasing kumirot ang dibdib ko pagkaalala sa nakaraan.

"Hindi sa ganun Kuya Percy mahal ko si Pierre kaya lang mahal pa rin nya si Marjorie katunayan na ang paghahabol nya dito kahit pa alam na nya na hindi na sya mahal ni Marjorie, at saka pinapili ko naman sya Kuya Percy kung ako ba o si Marjorie pero...."

"Si Marjorie ang pinili nya ganun?"  Muli ay tumango ako sa tanong nya.

"Hays ang tanga ng kapatid ko na yun nuh? Di nagmana sa akin" napangiti ako dito.

"So after mo syang iwan nalaman mo na na dyontis ka nya?"  Nagbaba ako ng tingin at saka dahan dahan na muling tumango.

Wala talaga akong kaalam alam noon na may nabuo na pa lang buhay sa sinapupunan ko na nagpatibay sa desisyon ko na tuluyan ng lumayo kay Pierre at iiwas sa kahihiyan ang pamilya ko.

"Dapat sinabi mo agad sa kanya"

"Kuya Percy awang awa na ako sa sarili ko that time lahat binigay at ginawa ko na pero si Marjorie pa rin ang mahal nya..."

"Nagpalayo layo ka na, di mo ba alam na mas mas masahol pa sa ginawa ni Marjorie ang ginawa mo, sya nang iwan dahil may di kayang ibigay si Pierre sa kanya na naibigay nya sa iyo ng di sinasadya at mukhang wala ka ng balak na ipaalam sa kapatid ko"  wika nito na tila tumama at  sumampal sa mukha.

Pagkat totoo naman lahat nang sinabi nito.....

SOMEONE LIKE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon