"You're late!" Sita ni Vernie sa akin.
My Manager.Pahinamad na umupo ako sa stool at matamlay na humarap sa salamin.
"Sorry, Vernie na traffic ako" nakangiting sagot ko dito at sinimulan nang ayusin ang mga make up ko.
Inirapan ako nito.
"Sus, If I know" natawa na ako at pabirong hinampas ang braso nito.
"Ikaw talaga Vernie, anyway na'san na ba yung Make up Artist ko para maayos na nya ang mukha ko?" nakangiting tanong ko dito.
"Hay naku, Penelope...Toni andito na si Penelope ayusan mo na!" Tawag nito sa isa pang baklang make up artist na si Toni na kaibigan ko din.
Kumekendeng na lumapit si Toni sa akin.
"Penny Darling you're so late!" Sita din nito sa akin habang inaaplyan ng foundation ang mukha ko.
"Sorry Toni na traffic lang"
"Fine, after nito magpalit ka na ng gown we need to finish this photoshoot"
"Yes Toni" nakangiti na sagot ko dito.
Agad na natapos naman nito ang pagme make up sa akin after that ay nagbihis na ako at ilang minuto pa ay sinimulan na namin ang pictorial.
------
"That's it! Good job as always Penny!" Puri ni Bob nang matapos na ang photoshoot.
"No Bob, good job to us" nakangiting sagot ko dito.
"Humble as always, ipagpatuloy mo lang yan at malayo ang mararating mo" natutuwang sabi nito at inabutan ako ng towel na agad ko naman na tinanggap.
"Thank you Bob"
"Nga pala after nito may lakad ka ba?" Tanong ni Bob sa akin.
"Wala naman,bakit?"
"Iinvite sana kita na mag lunch kung papayag ka" anito na nginitian ko lamang.
Alam ko naman na may irereto na naman ito sa akin.
Lagi naman na ganun ang gawa nito kasi alam nila na single ako....
"At sino naman ang dumating na kamag anak mo Bob?" tanong ko dito.
"My cousin George at yun fiance nya si Marjorie" sagot nito na kinatigil ko.
Marjorie? Nagtataka na tanong ko sa isipan ko.
"Your cousin tapos yung fiance nya? Bob ha! Ayoko nang nasa isip mo"
"Loka! Hindi lang ikaw ang ininvite ko pati na si Toni at Vernie kasama eh alangan naman na kami lang tatlo ang lumarga kulang kami pag wala ka" sagot nito.
"Linilinaw ko lang Bob"
"So ano na Penny sasama ka?"
"Sige wala naman akong gagawin eh" sagot ko dito.
Totoo naman yun eh....
Not unless tumawag si Pierre...
____________
"Ang tagal naman Bob, gutom na ako" angal ni Toni.
Nasa restaurant na kaming apat at take note halos mag iisang oras na kami na namumuti ang mga mata kahihintay sa pinsan ni Bob at ng fiance nito.
"Oh ayan red tea para sa tiyan mong maingay" ani Bob at inilapag sa harap ni Toni ang nangangalahati nang baso nito ng Red Tea.
"Naman Bob!" Nakasimangot na wika ni Toni pero tinanggap naman nito ang bigay ni Bob na inumin.
"Naku Beks umorder na tayo kasi naman yun nag invite sa atin sumama ay mukhang walang balak na umorder hangga't hindi dumarating yung pinsan nya at dyowa nito" nakaingos na singit ni Vernie sabay sulyap kay Bob na busy naman sa kaka text.
"Hay naku Beks mainam pa nga, Penny Darlin umorder na tayo" yaya ni Toni sa akin sabay abot ng menu.
"Gusto ko to" turo ni Toni kay Vernie habang nakatingin sa menu.
"Masarap nga yan, ikaw Penny?" Baling ni Vernie sa akin.
"Same na lang nang sa inyo" sagot ko at sakto naman na tumunog ang cellphone ko tanda na may nag text sa akin.
Napangiti ako pagkabasa sa pangalan ni Pierro.
He wants to have dinner with me.
"Ahm...Mga Bakla sorry pero kailangan ko nang umalis" paalam ko sa tatlo.
"Why?" Nakatikwas ang isang kilay na tanong ni Vernie sa akin.
"Nag text si Mom gusto nya na umuwi ako sa bahay para mag dinner sa bahay" pagsisinungaling ko dito.
"Ay ganun sige Beks uwi ka na ma traffic ka pa" agad na naniwala naman na singit ni Bob.
"Oo nga Penny, tsaka ikamusta mo ako kay Papa Gareth ha?" Kinikilig na segunda naman ni Toni.
"Tse magtigil ka nga Toni wag mo nang pangarapin ang Daddy ko ha" nanlalaki ang mga mata na wika ko dito.
Malaki kasi ang crush ni Toni kay Daddy kasi naman kahit na nasa fifties na ang Ama ko ay napakatikas pa din at napakaguwapo kaya hindi kataka taka na madami pa din ang magkagusto kay Dad pero malas lang nila dahil mahal na mahal nito si Mommy.
"Oo na, ito talagang si Penny crush ko lang naman ang Daddy mo alam naman natin lahat kung gaano ka love ni Papa Gareth si Mama Kaycee mo" nakangiwing wika ni Toni.
Ngumiti ako nang matamis dito.
"Good, paano una na ako mga bakla" paalam ko sa mga ito at umakma nang tumayo para lamang matigilan pagkakita sa dalawang bagong dadating.
Lalung lalo na sa babae dahil kilalang kilala ko ito.
"Sorry Bob na late kami ni Marjorie" wika agad nun lalaki na sa palagay ko ay siyang pinsan ni Bob.
Nagtama ang mga mata namin ni Marjorie at tila nabingi ang mga tenga ko sa sobrang lakas ng tibok ng dibdib ko.
May pakiramdam kasi ako na may hindi na naman na magandang mangyayari dahil sa pagbabalik ni Marjorie .....