Chapter 12

10.1K 226 6
                                    

"George...." malapit na ako dito ng bigla akong inundayan ng suntok nito sa panga ko.

Napahiga ako sa sahig at napatingala dito.

"Ang kapal ng mukha mo na pumunta pa dito sa teritoryo ko!" Nagdidilim ang mukha na bulyaw nito sa akin.

Pumikit ako ng mariin at pinakalma ang sarili para di ko mabigwasan ng isa si George.

Ako ang pumunta dito sa Publishing House para kitain ito at maipaliwanag dito na ako talaga ang may kasalanan nang lahat.....

Para bumalik na sya kay Marjorie,

Sya ang kailangan ni Marjorie ngayon hindi ako,
Mahal ko si Marjorie at pag mahal mo ibibigay mo ang kaligahayan nya masakit man yun,
Di man yun katanggap tanggap sa puso ko ay gagawin ko kaya na nandito ako at nilulunok ang Pride kong matagal ng durog para lamang magmakaawa dito sa lalaking ito....

"George sige magalit ka sa akin, lahat ng sama ng loob mo ibato mo na pero sana hayaan mo na magpaliwanag ako----"

"Wala akong time na pakinggan ang mga ni rehersed mong paliwanag, I saw the two of you with my two naked eyes, at gustong gusto ko na kayong sugurin pero napigilan lang ako ni Penny" natigilan ako sa pangalan na binanggit nya.

"S----si Penny?" Naguguluhan na tinignan ko ito.

Ngumisi ito at saka tumalikod at kinuha ang wineglass na hawak nito kanina at binitiwan lamang nun makita ako papasok sa pinto ng opisina nito saka muling lumagok sa laman na alak nito.

"Penny also saw you that day" tumanaw ito sa window glass.

Muli ay nagulat ako sa sinabi nito.
Nakita din pala kami ni Penny nung araw na yun kaya pala namamaga ang mga mata nito at nag alsa balutan pabalik ng Maynila.

"Nandun din si Penny?"

"Oo, nandun sya at sya ang pumigil sa akin na sugurin ka, pinakalma nya ako at inamin nya lahat lahat ng nakaraan nyo ni Marjorie pati na ang pagmamahalan nyo na hindi pa din nawawala" segunda nito.
"Ang tanga tanga ko na nagago pa ako"

Di ako makapiyok sa sinabi nito.

Nagulat ako sa mga salita nito at hindi pa din naproseso nang utak ko....

Sinabi talaga yun ni Penny?  Naguguluhan na tanong ko sa sarili ko....


________________



"Nandito ka?" Malat at matamlay ang boses na tanong ni Penny sa akin.

Tumayo ako at sinalubong ito.

"Let's talk, privately, malapit lang dito ang office ko" wika ko agad dito.
Tumango lamang ito at nauna nang naglakad papunta sa nakahimpil na sasakyan ko.

******

"Bakit mo yun ginawa?" Kastigo ko agad dito.
"Alam mo ba na sa ginawa mo ay nagkasira sila Marjorie at George"

Huminga ito ng malalim.

"Di ba dapat matuwa ka kasi sinabi ko yun?" Balik tanong nito sa akin.

"Honesty di ko alam ang mararamdaman ko Penny" malagom ang boses na sagot ko.
Nanungaw ako sa salaming bintana at pinagmasdan ang kalsadang punum puno ng sasakyan tila nakahimpil dahil di na umaandar sa sobrang traffic.

"So what happen sa inyo ni Marjorie?" Untag nito.

"She's mad at me...she's blaming me for what happen on her wedding and she want George's back at her"

"Bakit ba ang arte arte nya" ani Penny na tila biglang nairita at pumiksi pero ng tumingin ako dito ay pansin ko na tila maiiyak na ito.

"Penny----"

"Pwede bang ako na lang ang mahalin mo?" Tuluyan nang bumagsak ang mga luha nito pero nakangiting tanong nito sa akin.

Muli ay natigilan ako, naumid ang dila at tila huminto sa pagkabog ang puso ko.

"You know Pierre naniniwala ako sa mga choices, choice mo na mahalin pa rin ang babaing yun kahit na ubod nya ng arte at akala mo lahat yuyupapa sa paanan nya at parang tangang habulin pa sya after ka nyang iwan at choice ko naman na aluin ka, palakasin ang ego mo na bagsak na bagsak na dahil sa kanya, kasi kahit alam ko na mahal mo pa rin sya eto ako handang magpakatanga sa iyo dahil yun ang choice ko, yun ang pinili at pinaninindigan ko, I help you para makuha sya ulit, para mahalin ka nya ulit...pero muli pinagtabuyan ka nya Pierre....nasasaktan ako para sa iyo....para sa akin kasi..."yumuko ito at tinapik ang dibdib nya. "kasi ang tanga tanga mo pati din ako, pareho tayong tanga"

"Penny..." tinangka na lumapit sa kanya pero ayaw sumunod ng mga paa ko sa utos ng utak ko.

"Kaya Pierre please tama na, sukuan mo na sya at ako na lang ang mahalin mo" lumapit ito sa akin at niyakap ako.

"Penny..."

"Pangako Pierre, pag ako ang pinili mo gagawin ko ang lahat para mapasaya ka, sa bagong relasyon na bubuuin natin, ikaw lang ang hari ng buhay ko, ikaw ang pinakamahalagang lalaki sa buhay ko bukod sa Daddy ko, mamahalin kita higit pa sa pagmamahal na sa akala mo ay ibinigay ni Marjorie sa iyo" umiiyak na pakiusap nito habang nakatingala sa akin.
"Kaya Pierre tama na, tama na palayain mo na sya, palayain mo na ang puso mo, ako na lang ang mahalin mo please, Pierre please this time choose me, stay with me and don't forget na nandito naman ako" dagdag na pakiusap nito.

Umilap ang mata ko.

Hindi ako makapagsalita,
Sa mga sinabi nya at sa simpleng pakiusap nya ay gusto kong bumigay.

Tama naman si Penny.

Ang tanga tanga ko,

Habol ako ng habol kay Marjorie na pinagtatabuyan naman ako,

Nakakasawa na...

Nakakapagod na...

Pero ayaw pa din sumuko ng puso ko, gaya nga ng sabi ni Penny may choices naman pero ayaw mamili ng puso ko kasi ang tanga tanga nya.

"Penny" huminga ako ng malalim at hinawakan ang dalawang palad nya at nakipagtitigan dito.

"Pierre..."

"I'm sorry..." ngumiti ito ng mapait  saka yumuko at humakbang papalayo sa akin after nyang bumitaw sa pagkakahawak ko.

"You still choose her despite what everything you been through? why did the hell I expect na mauuntog ka na gayun ang ulo mo gawa nga pala sa Diamante, ang tigas, sobrang tigas"  natatawa ito pero tigmak ng luha ang mga mata nito at saka tinalikuran ako at mabilis na lumabas ng kwarto....

SOMEONE LIKE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon