"Pierro what brought you here?" Nakangiting tanong ni Ate Princess sa akin.
Yumakap ako dito na ginantihan naman nito at hinalikan pa ako sa magkabilang pisngi."I just want to...." tumikhim ako at ngumiti dito.
"To Visit you and Kuya Mairo saka nasan ang mga pamangkin ko?" Tanong ko sa kanya."Well nasa taas at nag aayos pa ang mag aama" sagot nito at hinila ako papunta sa may sala at pinaupo katabi nito sa sofa.
"What do you want coffee, juice, milk, cookies? Tamang tama kakatapos ko lang mag bake ng chocolate cookies " alok nito.
"Nah...ahm...Ate Princess mukhang may lakad ka yata?" Puna ko dahil naka bun ang buhok nito at may nakausli na ilang hibla ng buhok nito at naka mild make up ang magandang mukha nito at nakasuot ito ng kulay Silver na Gown na may slit sa magkabilang gilid nito at hakab sa makurbang katawan nito.
"Ah oo may dadaluhan kasi kaming kasal" nakangiting tugon nito.
"San naman?"
"Sa Ninong Gareth ni Mairo, ikakasal ulit kasi sina Tito Gareth at Tita Kaycee, twenty fifth anniversary na din nila" anito na lihim na kinangiti ko.
"Wow how nice naman....ahm...Ate Princess puwedeng sumama sa inyo dun sa kasal?" tanong ko dito.
"Of course naman..kung ako lang Oo ang isasagot ko but tatanungin ko muna si Mairo if may extra invitation pa sya kasi parang intimate lang yun event na yun tapos dapat may invitation card pa pag punta dun hay ang mga mayayaman ang daming kaek ekang" natatawang sabi nito na kinangiti ko lamang.
Akmang tatayo na ito ng makita si Kuya Mairo na pababa ng stairway karga karga ang bunsong Anak nila."Tito Piper" napangiti ako sa bulol na pagsigaw nito sa pangalan ko imbes na Pierre ay nagiging Pi...Per at pilit kumawala sa ama at patakbong lumapit sa akin na agad ko naman sinalubong.
"Buti't napadalaw ka rito Pierre?" wika ni Kuya Mairo at tinapik ang balikat.
"Kamusta Kuya Mairo?"
"Tito Piper san si Tito Perse?" Tanong nito na luminga pa sa paligid at pilit na hinahanap si Kuya Percy.
Si Kuya Percy kasi ang ka close nito palibhasa isip bata pa din ang Kuya kong yun eh."May work si Tito Percy Danzelle, pero ang sabi nya sa akin ikiss ko na lang daw sya sa pinaka cute na pamangkin nya" that's a white lie but it is better kaysa naman sabihin ko dito na ako lang naman ang mag isang pumunta dito kasi may hidden agenda ako.
Pinaghahalikan ko ang namumutok at namumulang pisngi nito na kinahigikhik naman nito.
Nakakatuwa itong pagmasdan dahil lumalaking kamukhang kamukha ito ni Ate Princess base na din sa mga Family Potrait na likha ni Mommy dati.
How I wish na may sarili na din akong anak na nilalaro at pinasasaya...pero imposibleng mangyari pa yun...
"Nga pala Mairo gusto ni Pierre na sumama sa atin sa kasal ng Ninong Gareth mo" narinig ko na sabi ni Ate Princess kay Kuya Mairo.
"Okay much better nga na madami tayong pupunta dun hindi din naman makakapunta si Kuya Cairo dahil may business trip pa ito" lumingon si Kuya Mairo sa akin.
"Pierre sama ka na sa amin at para makilala mo yun dalawang kinakapatid ko ang alam ko mga single pa yun mga yun" may himig panunukso na anyaya ni Kuya Mairo sa akin na tinawanan ko lamang at sa isip ay di na makapaghintay na makapunta sa kasal na yun."Thank you Kuya Mairo" masayang sagot ko dito at muli ay nilaro ko si Danzelle.
-----------------
"Mommy relax" natatawang puna ko sa ina ko na kanina pa tila di mapalagay.
Nakaupo kaming dalawa sa Bridal
Car.
Si Dad naman ay nakapuwesto na sa may Altar.
Si Garneth naman ay nasa labas ng kotse at kinakausap ang mga abay."I can't help it Penny, ang tagal kong hinintay na makasal ulit kami ng Daddy mo" sagot nito.
"Mommy kinasal na din po kayo ni Dad nun tenth anniversary nyo" pagpapaalala ko dito.
"Iba yun Anak pangatlong beses yun may mga gatas pa kayong dalawa ni Garneth sa mga labi ng magpakasal kami at ngayon naman mga dalaga na kayo" naiiyak pero naiiyak na niyakap ako nito.
"Hay ang Mommy ko talaga!"
"At ang wish ko anak sana sa next na kasal namin ng Daddy mo ay may mga apo na kami ni Gareth sa inyong dalawa ni Garneth" malambing na hiling nito na kinatigil ko at lihim na napakagat labi ako at naisip bigla si Marron.....