Where It All Started

69 1 0
                                    

Dedicated to @theforgottenglimmer idol kita ehh. Hihihi. Labyuu =*

"The worst pain in the world goes beyond the physical. Even further beyond any other emotional pain one can feel. It is the betrayal of a friend."

― Heather Brewer

**FLASHBACK**

October 19, 2012

''Syeet! Examination na naman! Nakakatamad pa naman mag-aral ngayon.'' pag rereklamo na naman ni Sam. Kaibigan ko talagang to, puro reklamo ang laman ng utak. Pero syempre, matalino't maganda kami no. Pinag lihi ata kami nang mga nanay namin kay Athena. Haha!

'' Wag na kasing mag reklamo, Sam. Teamwork tayo mamaya ha!'' sabi ko habang nakikinig ng music sa iPod ko. Sipag ko mag - aral no? Pero sabi ko nga, matalino parin kami. Hahaha! Masyado bang mahangin? Pasensya na po.

*riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiingg*

'' Please go now to your assign room Students. The exam will start at exactly 12:00 noon. '' sabi nung announcer namin. Takte, alas 11:30 ng umaga pa, bakit sobrang aga ng announcement? Tss. Di halatang excited sila masyado no?

12:00 noon - 5 PM yung exam.

Maaga akong natapos, mga 4: 20 na rin yun, pero maaga pa naman yun eh. Haha! May mga iilang estudyanteng tapos na rin, matatalino nga kasi mga tao dito.. Di nga lang LAHAT! Hinanap ko si Sam, dumiritso kasi akong CR pagkatapos ko,baka tapos na rin siguro siya di ko kasi siya nakita sa assigned room namin eh. Hinalughog ko na buong 2nd floor pero wala pa rin siya, kaya bumaba na ko at dumiritso sa tambayan ng barkada. Nakita ko si Coleen, ang nanay-nanayan ko sa school. Syempre para sosyal, Mommy tawag ko sa kanya.

'' My, kita mo si Sam na dumaan dito? '' tanong ko habang nag- aayos ng buhok.

'' Ah, eh.. ano kas---- '' hindi ko siya pinatapos kasi nahagilap ng aking mga mata na parang nagkakagulo sa may tambayan namin.

'' My, anong nangyayari dun? Bat ang ingay? May nag- aaway ba? '' Tanong ako ng tanong sa kanya kasi di ko ma gets yung mga nangyayari dun. Hahay! Ano nga bang nangyayari?

'' Nak, wag ka nalang pumunta dun. Ano kasi, sila Kino lang naman kasi yung nandoon. '' ano ba kasing nandon at parang gusto niyo kong lumayo?

''Perfect! Isasauli ko din naman yung cap ni Kino. Sama ka sakin? '' naalala ko , kay Kino pala tong Cap. Hehe. Isasauli ko na kasi matagal na rin tong nasa'kin.

Sinamahan ako ni My Coleen sa tambayan. Ewan ko ba kung bakit pakiramdam ko, parang may tinatago si My sakin. Sana nga feeling ko lang to. Sana di totoo. Meron nga ba? Naka 30 steps kami mula doon sa spot na pinag usapan namin ni My hanggang sa tambayan. ( binilang ko kasi. XD )

Biglang natahimik lahat. Parang nakakita sila ng multo sa pagbungad ng imahe ko dun . Parang ang sama ng aura nila sakin. Hindi ko maintindihan bakit, hanggang sa..........

'' Coleen? Bakit mo siya dinala rito? '' narinig kong bulong ni Isa kay My. Bakit nga ba? Wala akong naiintidihan sa mga nangyayari. Nandito pala si Sam, kitang-kita ko na mabilis nawala yung kaninang sobrang ngiti at saya niya. Pati si Kino, nagulat din sa presensya ko pati si Kiel, na nagsisilbing kuya ko sa school nag skip mood din. At ang pinakamasakit, di man lang maka- tingin si Adam sakin ng diritso, at tabi pa talaga sila ni Sam. Ano bang nangyayari sa inyo? Imbis na welcomin nila ako, iba ang pinakita nila. Isang bagay na di ko maintindihan.

Biglang nagsalita si Kiel, parang gumagawa siya ng moves na dapat isipin kong mabuti.

'' A- A- Aleeeex.. hehe. Nandito kana pala! Tara, slurpee tayo sa caffeteria? Treat ko! '' habang dahan2x niya akong hinila .

'' Wait! Sam? Adam? Kino? Isa? Ano bang nangyayari? Kanina lang ang saya-saya niyo, tapos nang dumating ako biglang iba agad mood niyo? My, alam mo ba? '' Tanong ko ulit. Nalilito na talaga ako.

'' Wa.. wala naman Alex. Nag joke kasi si Isa. '' Kino

'' Diritsuhin niyo nga ako! May tinatago ba kayo? Kala ko ba tropa tayo? Anong nangyari? '' nag cracked na yung voice ko. Konting kurap nalang ng mata ko, dadaloy natong likido sa mata ko.

'' Adam, sabihin niyo nalang kasi!! '' Pasigaw na sabi ni My Coleen.

'' My, alam mo to? Sabihin ang ano? Anooo~~?'' Pinipigilan ko parin yung emosyon ko. Nag salita si Sam bigla.

'' Siiiis, Adam started courting me .. D- di ko sinabi sayo kaa- kaaasi alam kon~~~ '' di ko na pinatapos sa pagsasalita si Sam. Nag breakdown na rin yung emosyon ko, di ko na ma control.

'' Ah.. Hahaha.. '' I forced a laugh '' Yun lang pala, mabuti naman Sis at may plano kanang mag boyfriend. Kala ko kasi tomboy ka eh. Haha! Sige una nalang ako ha. Susunduin daw kasi ako ni Kuya Fred, eh malapit na mag 5: 30 baka hinihintay na ako nun. Galingan mo Adam ha. Make her fall inlove. '' I patted Adam's shoulder as a sign of encouragement. Naramdaman ko nalang na may duamaloy na likido sa pisngi ko. Umiiyak na pala ako!

'' At saka, Kino, isasauli ko pala yung Cap mo. Salamat ha! Sige, una na ako guys.'' Binigay ko kay Kino yung Cap at tumakbo na ako palayo. Ang totoo niyan, hindi talaga ako susunduin ni Kuya kasi sa Canada siya nag - aral ng kolehiyo, paano niya ako susunduin? Nagsinungaling ako, oo pero nagsinungaling silang lahat sa kin! Masakit eh.

Teka, ano ba kami ni Adam?

- COUPLE?

Hindi! or should I say Hindi talaga!

Sabi nila MU daw kami. MU? Malanding Usapan?

Hindi!

Mutual Understanding!?

Parang ganun na nga. Ewan! Pero bakit ako nasasaktan? DI NAMAN NAGING KAMI EVER. Yun na nga eh, alam ni Sam yung mga nangyayari samin ni Adam pero bakit niya nagawa yun? May karapatan ba akong magalit? Magselos? Wala naman diba? Pero bakit sabi ng puso ko MERON!?

Weeks past. Sa mga panahong yun wala na akong ibang ginawa kundi umiwas sa tropa. Gusto kong magalit ng bonggang bongga. Kung minsa'y kinakausap nila ako pero tinitipid ko yung mga sagot ko at aalis din pagkatapos. Si Sam? Di niya ako kina usap.

'' Ayeeeh! Lapitan mo na kasi si Sam, Adam. Hiya-hiya pa! '' pagtutulakan sa kanya ni Jeg.

Minasdan ko lang sila. No words came out from my mouth. Parang naka duct tape yung bibig ko. Iiyak na sana ako nang makita kong nilapitan na ni Adam si Sam at nag holding hands pa sila, pinilit ko yung emosyon ko na di mag breakdown kaya dali- dali akong lumabas kahit di pa namin break time. Pumunta akong tambayan, mag-isa.

'' Alex? '' a voice was heard from my back. It's a she.

'' Hmm? '' nilingon ko kung sino. Si Janna pala.

'' Ang sweet nila Adam at Sam no? '' sabi niya tapos nag grin.

Hindi ako umimik. Tahimik lang kaming dalawa. Few minutes later. She broke the silence between us.

'' Di mo alam no? '' Sumingit bigla yung curiousity ko. Ano'ng di ko alam?

'' Na ano? ''

'' Na sila na! Weeks na sila teh, bestfriend mo yung Girl tapos di mo alam? Kaloka yang friendship niyo ha! '' Daldal ni Janna. Di na nag sink in sa utak ko yung ibang sinabi ni Janna. Napuno kasi bigla dun sa sinabi niyang SILA NA.

~~~~~~~~

A/N : Waaaaaaaah! Natapos ko na Chapter 1. Sorry kong di halatang may prologue ha. Sorry din kung medyo boring yung una. Pero , I'll make this story more exciting sa mga next Chapters. Thanks for giving time sa pagbabasa Watty people! I love you! *mwaaah.

Comment din kayo para exciting =))

Cancelled Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon