Yesterdays

41 1 0
                                    

"words are like nets - we hope they'll cover what we mean, but we know they can't possibly hold that much joy, or grief, or wonder."

― Jodi Picoult

Sam's POV

'' Adam, bukas ulit! :)) '' sabi ko pagkababa ko sa bigbike niya.

'' Hmm. Bye! I love you '' tapos nag wave siya sa'kin. Humarorot na siya kasi may hahabulin pa daw siyang family gathering sa bahay ng Lola niya.

Pumasok na ko sa loob ng bahay, nandun na sila Mama at Carl as usual wala na naman si Papa. Laging busy sa mga cases na inaayos niya. Oo, abogado siya.

'' How's school iha? '' tanong ni Mama habang nagbabasa ng magazine. After few seconds pa ako sumagot kasi inisip ko pa lahat ng nangyari ngayong araw. Hahay, wala namang masyadong nangyari. :3

'' Ahhm, okay lang naman po Mama. Reporting lang po yung ginawa namin magdamag. '' sabi ko kay Mama. Talaga bang okay lang araw ko? Nawawala na yung dating Alex na kilala ko. Masyadong malamig na yung pakikitungo niya sa tropa. Kasalan ko bang minahal ko si Adam? Kasalanan ko bang maging kami?

Sinabi ko kay mama na busog na ako at matutulog akong maaga kasi may test bukas. Gusto kong mapag-isa. Namimiss ko na yung bruhita at makulit kong bestfriend! Miss ko na si Alex!

Alex's POV

It's already 2:18 am and I'm still wide awake! Bakeeeeettttt?? May insomia na ata akoooo >___<

Ngayong araw na pala! 21st of the month, their Monthsary! Natutuwa ako para sa bestfriend ko pero naawa ako sa sarili ko. Parang napaka-unfair nang tadhana sa'kin. Sabi nga nila, kung talagang para sayo wala ng gigitna, eh di naging akin eh. Alam na ! Papasok ba ako mamaya? Puro pasakit at pang-aasar na naman gagawin nila sakin.

1 New Message Received

from: My Coleen

Hoy, Alex Reign papasok kaba o hindi?

Anak ng tokwa! 7:40 na nang umaga. Sabi ko na nga ba. May pa insomia-insomia pa kasi akong nalalaman kagabi. P*tcha.

Naligo.

Nagsuot ng uniform.

Sakto! alas 8 na ako dumating. Yes, di pa nagsisimula 1st subject namin. Laging late kasi pumapasok si Mrs. Caste pumasok, (matanda na kasi!! sssh!) Bumungad sakin ang malakas na hiyawan at tili sa klase. Pati mga lalaki, ang bakla pakinggan. Oo nga pala, may mag iisang buwan ngayong araw. Nakita kong nilapitan ni Adam si Sam at may dala-dala siyang yellow rose, kasi nga yellow yung fave color ni Sam tsaka gusto niyang bulaklak ay rosas. Tilian ulit sa klase. Na-o-OP na ako sa mga pinaggagawa nila kaya nakisabay na rin ako. Tumili ako. Humiyaw ako. Nag ingay ako. Kung tutuusin, ako yung pinaka ingay. Ang weird lang!

Someone patted me on my shoulders, medyo napalakas kaya lumingon ako. Aish! Si Pham pala. Grabe naman, may galit ka sa'kin teh?

''Hmm? Bakit? '' sabi ko nang pasigaw kasi masyadong maingay sa room namin. Hinatak niya ako palabas. Sarap kutusan ng babaeng to, kung maka hatak kala mo naghahatak ng kalabaw. Hmmph!! :3

'' Stop pretending, Alex!'' she shouted at me. Hindi maipinta yung reaction niya. Bakit siya nagagalit? Pretending? Halata ba guys?

'' What are you talking about, Pham? Bat mo ko hinatak palabas dito?'' I shouted back. Kala niya siya lang marunong! Ako din noh. Kainis talaga tong babaeng to kahit kailan!

'' It's all so *CLEAR*, Alex! Klaro pa sa matang may salamin ni Kaloy! Duhh. Kung maka-asta ka kanina, kunyare masaya ka para sa kanila pero DEEP INSIDE NAMAMATAY KANA SA KASESELOS! '' grabeh din tong bababeng to, inemphasize pa talaga yung salitang CLEAR . Speaking of Kaloy, siya yung school janitor. Mga nasa 30's pa naman yung edad niya at oo, may salamin siya. Back to the topic! Namamatay? Putcha! Eh kung ikaw kaya patayin ko ngayon? Umasta tong bruha nato daig pa ang Lola ko kung tumalak! Close tayo? Close tayo?

Cancelled Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon