CHAPTER THREE
Philippine Army HeadQuarter
Camp Aguinaldo
"Impressive" nagtaas ng ulo si Major Lutgardo at pinasadahan siya ng tingin.Nasa mga mata nito ang paghanga sa mga nakatalang achievements niya sa dokumentong nasa mga kamay nito.
Xybel did not utter a single word. She did not even reverted back the friendly smile.She gave the man an impression of stubbornness as she met his menacing dark eyes.
Nang sumunod na mga sandali ay tila isinalang sa hotseat ang dalaga. Major Lutgardo may have thought of intimidating her.Well, the man was in for a big disappointment.Lahat ng tanong nito ay kalmado at buong kaismartehan niyang sinagot.
After almost an hour, she knew she somehow succeeded in impressing the officer.There was a look of satisfaction on the old man's face when he finally stopped questioning her.
"Given the chance Miss Marasigan, would you be willing to be assign on field?" he asked after a while.
"Yes sir,I'd love to" Xybel answered back with restraint.
"I'm glad to hear that, Lieutenant. Bueno,pumasok ka nang maaga sa Lunes upang maipakilala kita sa mga buffalos na makakasama mo dito..." nakangiting sabi nito pagkatapos ay kinamayan na ang dalaga.
Lieutenant...
Napatango si Xybel.Bago umalis ay nagbigay pugay muna siya sa opisyal.
Pagkasakay sa kanyang sports car ay saka pa lamang pinakawalan ng dalaga ang kanina pa niya pinipigil na mga hininga.
Fate seemed to be working on her side.
She smiled.
Habang palabas ng kampo ang dalaga ay manaka-nakang napapatingin siya sa mga nakaunipormeng sundalong naglipana sa paligid.Isa sa mga araw na ito ay magsusuot na rin siya ng katulad sa suot ng mga ito.
Muling napangiti si Xybel.
Anthony Evazckov's men have worked overtime, that's given.Napakalinis ng mga records niya.Who would have thought she had never gone into a military school? That her trainings were purely done within her Godfather's fortress? Na lahat ng kasanayang alam niya ay utang niya mula sa mapagpalang mga kamay ni Anthony Evazckov?
She should not forget to send the old man her words of appreciation.
Sa naisip ay parang nakinikinita na niya ang pag-aalala sa mga mata ng matanda sa sandaling tawagan niya ito upang balitaan.
Isang bagay iyon na hindi mo aasahang makikita sa matatag na karakter ng kaapu-apuhan ni Augustus Lenin.
Anthony Evazckov has with him the aura of formidability and intelligence which have suited much his character. Being that, anyone would never think he's capable of feeling compassion and kindness.
She knew better.
During the last stages of her training, she had seen signs of hesitation from him.And his hesitations formed into words the day he had to let her go.
"May God forgive me but I have created a monster in you, Xybel" Anthony told her when they were at the airport. He handed her one thick envelope.She sure knew what it was.
Nakangiting hinarap niya ito.
"You have created a new, stronger person in me, old man.You just did the right thing so justice be served for the people I loved..." she sighed as she hugged him.Her godfather hugged her too, like a father would hug her child.
Right there, she have discern how big the spot she conquered in Anthony's heart. Ang attachment nito sa kanya pagkatapos mamatay si Yuri na nag-iisang anak nito ay mas lalo na niya ngayong naintindihan.Ang mga senyales ng pagkaligalig nito sa napipinto niyang pagbabalik sa Pilipinas.
Itinuring siyang tunay na anak nito.
Anthony was her parents' blood brother back in their college days. Parehong aktibista ang mga magulang niya noong kabataan ng mga ito.
Ayon sa mga magulang niya, it was in the First Quarter Storm of Philippines' Martial Law in 1972 when they first met him.
Anthony came to the Philippines together with his friends and comrades to give support to the mass struggle against Martial Law.
Nasa rally noon ang mga ito nang aksidenteng mapasama si Anthony sa mga nasaktan sa riot na nangyari sa pagitan ng mga raliyesta at ng mga kapulisan at militar.
Ayon pa sa mga ito, pinagpapalo ng isang sundalo si Anthony nang makita itong nangunguha ng mga larawan.Kinuha din daw sa lalaki ang mamahaling kamera nito. Anthony was severely wounded on the head then and it was her parents who took him to the nearest hospital.
Doon nagsimula ang pagkakaibigan ng mga ito na humantong sa pag-aanak sa kanya ni Anthony sa binyag noong 1981.
It was also Anthony Evazckov who gave her her name. Xybel Scxianz Marasigan.
Pagkatapos noon ay palagi nang dumadalaw si Anthony sa Pilipinas upang makasama sila nito.Doon nila ito nakilala ng husto.
Anthony Evazckov's family came from the bloodline of Augustus Lenin, a Russian prime minister during the time of the Bolshevik Party of the Soviet Union.
A dictator.
When her parents and Rayver were killed when they were abducted in Mountain Province four years ago, Anthony came to the Philippines and offered her his help.
She did not refuse the offer.
For her, there's no reason she would do that.Anthony Evazckov was her lifeline at that time.
Ang pagdating ng ninong niya at ang alok nitong tulong lang ang siyang alam niyang pinakainam na dibersyon sa sakit at galit na nadarama niya noong mga panahong iyon.
When she was reported missing, she took advantage of it.
At first, she wanted to correct the press.She even told her godfather she'd like to come out to the surface and file charges against the 11th IBPA operating in the valleys of Mountain Province.
Anthony strongly opposed that.He told her, they won't hesitate to kill her if she would.
She believed that, too.
If she'll come out to the surface, their perpetrators would instantly kill her on sight.Why not? Siya ang nag-iisang saksi sa ginawang kahayupan ng mga ito sa kanila. Should she survive,it would take her a long wait before justice be served.Baka lalo lang siyang madismaya.
During the darkest phase of her life Anthony was there, even when she began orchestrating her own future battle.
She never stop planning.Her nights became days.And she did not fail Anthony. She had proven her worth.
Elites may have the best trained warrior on earth, but she defeated him on a duel. And that was all she needed.
She could say her trainings and education were more potent than those of what she could achieve in a Military Academy.
Hindi matatawaran ang galing ng mga miyembro ng Elites na sumanay sa kanya. They trained her hard and tough like she was coveting of becoming the best assassin in the world.
Elites were his godfather's trusted army.They work for him. And she was not that naïve not to know her godfather wasn't just a filthy rich old man.
He's more than that.
Napabuntong-hininga ang dalaga. Dapat na niyang turuan ang sariling huwag hanapin ang nakasanayan niyang kaarogantehan ng mga miyembro ng Elites. Maging ang pagiging over-protective ng mga ito sa kanya.
Two days from now she'll have to live a 'stiff' life.At kailangan niyang guwardyahang maigi ang kanyang sarili.She could not take to joepardize her four years of preparations and waiting...
Pagkagaling sa kampo ay dumiretso si Xybel sa Baclaran.
Magsisimba siya.
It's already been four years since she stopped going to church.
Maraming tao sa loob ng simbahan nang pumasok ang dalaga kaya pinili niyang tumayo na lang sa bandang likuran at doon taimtim na nagdasal.
Nang ipasya niyang lumabas ay madilim na. Walang pagmamadaling tinungo ng dalaga ang kinapaparadahan ng kanyang sasakyan habang tumitingin-tingin sa mga panindang nakahilera sa magkabilaang gilid ng kalsada.
Gusto pa sana niyang magtagal doon kung hindi lang inaalala ang kanyang tiyahin.Pihong nag-aalala na sa kanya ang kanyang tita Marla.
Nakababatang kapatid ito ng kanyang ina at ito na lang ang tanging kasa-kasama niya.Kasama nila ito ni Anthony na lumipad noon sa Russia pagkatapos mailibing ng mga magulang niya.Nag-alala kasi siya na baka maging ito man ay mapahamak din kapag nalaman ng mga perpetrators nila ang kaugnayan nito sa kanila.
Tiya Marla knew all her plans not because she told her about them. She made it obvious through the trainings she had undergone with.And the old woman never failed seeding into her heart the essence of forgiveness.
Sariwa pa sa isip niya ang sinabi ng tiyahin nang huli siyang paalalahanan nito.
"Hindi ka Diyos Xybel,para ariin mo ang paghuhukom sa mga pumatay sa mga magulang mo at kay Rayver.Maaaring isa ka na sa mga pinakamagagaling na disipulo ni Anthony,ngunit mag-isa ka lang.Ano'ng magiging laban mo sa kanila?" naluluhang sabi nito sa kanya.
"Tiyang,hindi rin Diyos ang mga walang-pusong dumukot sa amin at pumatay sa mga mahal ko sa buhay.Wala sila ni katiting na karapatang gawin iyon sa kanila at sa akin..." nagpapaunawang sagot ni Xybel sa tiyahin.
"Tuluyan ka nang binulag ng galit mo, Xybel.Huwag sanang dumating ang panahon na ikaw naman ang aking ililibing..." naiiyak at sumusukong iniwan siya ng tiyahin pagkatapos siya nitong iwanan ng nababaghang tingin.
"I'm sorry tita but I have to" bulong sa hangin ng dalaga habang binabagtas na ang kahabaan ng Muslim Area sa ilalim ng LRT terminal.Naisip niyang dumaan na rin sa Metro Mall upang ibili ang tiyahin ng pasalubong bago umuwi ngunit pagdating ng dalaga sa Pasay Rotonda ay naipit na siya sa sobrang gitgitan ng mga sasakyan.Halos hindi na nga umuusad ang mga sasakyang nasa unahan niya.
Bagot na nilibang na lamang ng dalaga ang sarili sa pagtingin-tingin sa paligid.Matagal na panahon na rin nang huli siyang tumapak sa lugar na iyon.Noong mga panahong perpekto pa ang buhay niya.
'Palayain ang mga bilanggong politikal!
PALAYAIN!'
Napakurap si Xybel. Pinagpawisan ng malamig sa biglang pagsingit ng ala-alang iyon sa kanyang balintatanaw.Sa malabong ala-alang iyon ay nakita niya ang sarili sa unahang linya kasama ang mga aktibistang may hawak na mga plakards habang sumisigaw ng katarungan.
KATARUNGAN!KATARUNGAN!
Napatutop sa noo ang dalaga, ipinikit ng mariin ang mga mata habang pilit na binubura sa isip ang tila replay na mga eksenang iyon mula sa kanyang nakaraan.
She clenched her fists until it hurts.
Ang mga ala-alang iyon ang pinakahuling gugustuhin niyang maalala sapagkat sisirain ng mga iyon ang kanyang mga plano oras na pinahintulutan niyang manaig ang kanyang emosyon.
Higit kailan man,ngayon niya kailangang maging kalmado at matatag.
Matagal din ang dalaga sa ganoong ayos hanggang sa nakaya niyang kontrolin ang kanyang emosyon.
Stay focused...she warned herself as she set her eyes to the vendors on the other side of the street.
Maya-maya ay isang binatilyo ang lumapit sa sasakyan ng dalaga dala ang mga paninda nitong babasahin sa isang kamay.
"Newspaper,ma'am?" alanganing tanong nito.
"Sige,bigyan mo ako ng dalawa" pagpapaunlak ni Xybel.Mas mabuti na nga siguro iyong may mapaglibangan siyang ibang bagay upang hindi sa kung saan-saang lupalop lumilipad ang kanyang isipan.
She needed a distraction to her drifting thoughts for her to keep on track.
Binigyan ni Xybel ng isangdaan ang binatilyo at sinabing huwag na nitong suklian iyon.Tuwang-tuwa naman itong nagpasalamat.
Sabik na binasa ng dalaga ang nasa front page.Matagal na siyang walang alam sa mga kaganapan sa bansa kaya hindi masamang kahit papaano ay makibalita din siya.
After all, she'll be working around the country... soon.
"Two soldiers died and five more wounded in an encounter with the New People's Army. Reliable source said it was Commander Rayver Martinez of the Segundo Basingan Command who initiated the assault..."
Literal na nabitawan ni Xybel ang babasahin. Kulang ang sabihing nasabugan siya ng granada sa nabasa.For a moment there she felt her body stiffened and became numb.
She couldn't move.Everything around her became mute and the only thing she could hear was the loud thumping of her heart violently hammering against her chest.
Commander Rayver Martinez...?
Could it be...?Oh,God...!Buhay si Rayver?!
How could_? What on earth is going on?
Shocked na napasandal sa upuan si Xybel habang tila umiikot ang mundo sa kanyang paningin.
Pagkatapos ng ilang sandaling pagkatulala ay pinulot ng dalaga ang pahayagan at muling binasa ang front page niyon.
'Baka naman kapangalan lang, Xybel' bulong niya habang pinapayapa ang sarili.Sa lakas ng tibok ng puso niya ay hindi siya magtataka kung anumang sandali ay mabibiyak na ang kanyang dibdib.
Still, the letters on the front page did not change.
Muli ay napasandal ang dalaga.Tila rumaragasang tubig na bumukas sa harapan niya ang mga ala-ala na maraming beses niyang sinubukang i-block sa isip.
She was there when they shot him! She saw the blood spurted from the gun wounds as his body crashed against the cold ground gasping for air.
It had been four years, pero ni minsan ay hindi naging malabo sa kanyang ala-ala ang bangungot ng mga eksenang iyon.
For four years she lived a miserable life as nightmare after nightmare never failed to remind her of how he 'died'.
Hindi iilang beses na namatay ang puso niya sa mga sandaling naaalala niya kung paano ito namatay sa mismong harapan niya.
Hindi rin niya kinaligtaang sisihin ang sarili na nabuhay siya at ito ay hindi.
Nanginginig ang mga kamay na tuluyang iginilid ni Xybel ang kanyang kotse.Sa estado ng emosyon niya sa mga sandaling iyon ay nasisiguro niyang hindi siya makakapagmaneho ng maayos.Baka mabangga lang siya o di kaya ay siya ang makadisgrasya.
Nang masigurong ligtas na siya sa ibang sasakyang nagdaraan ay nahahapong isinandal ng dalaga ang katawan sa upuan kasabay ng pagbagsak ng mga luhang ilang panahon din niyang hindi hinayaang pumatak.Sa pagbubukas ng mga lagusan ng luha niya ay kasabay ding bumukas ang mga alaala ng kanyang nakaraan.
YOU ARE READING
Red Hawks Brotherhood Confession:Rebel's Confession by Jhade Patricio
Mystery / ThrillerAfter four years of self-confinement in her Godfather's fortress in Russia, Xybel Scianxz Marasigan decided to go back to the Philippines to seek justice and vengeance. Determine to take all the risk in fulfilling her quest, she started the mouse pl...