Truth Behind Lies

51 0 0
                                    


CHAPTER NINE
      Tiim ang bagang na kaagad kumubli si Rayver sa likod ng matandang puno ng narra, hindi alintana ang mga lamok na nagpipesta sa dugo niya. Nakatuon ang buong atensyon ng binata kay Ka Bagni habang maingat nitong ibinabalik sa dating kinalalagyan ang aparatong natukoy niyang radio pala nang makita itong ginagamit iyon habang nakakubli sa mga malalaking puno ng narra sa bahaging iyon ng kagubatan.
       Naipagpasalamat ng binata na napadako siya sa bahaging iyon dahil sa pangunguha ng mga halamang-gubat na kanyang gagawing gamot.
       Ilang sandali ding nagpalinga-linga si Ka Bagni sa paligid bago tuluyang umalis.
       Naghintay muna si Rayver ng kalahating oras at nang masigurong nakaalis at nakalayo na ng tuluyan ang kasamahan ay maingat siyang lumapit sa puno.
       Pinagmasdang maigi iyon.
   Very clever…sinong mag-aakala na may itinatagong sekreto ang punong ito?’  bulong niya sa sarili habang maingat na tinanggal ang tinungkab na balat ng puno na siya ding pinakatakip niyon sa isang maliit na uka kung saan itinago ang aparato.
       Hindi lang pala radio ang naroon kundi may kasama iyon na isang maliit na mobile phone.
       “Ka Bagni” nagngangalit ang mga ngiping bulong ng binata sa hangin habang binubuksan ang aparato.
        Ka Bagni was the newest member among his men. Dalawang taon pagkatapos ng “mass exposure” nito ay napunta ito sa kanya. Ayon sa recommendation na galing sa kapatagan ay naging aktibong aktibista ang lalaki ng mahigit isang taon pagkatapos nitong umuwi galing ng America.Pagkatapos noon ay nagpasya itong yakapin ang armadong pakikibaka nang sapilitan itong i-abduct at i-interrogate ng mga militar habang pinagkakatuwaan daw itong pisikal na saktan ng mga iyon.
         His lips turned red as it firmly closed in repulsion.
        Of course, Ka Bagni’s existence was well planned, he knew that now. His life story was beautifully wrapped up in a theatrical play.
       She will be there. I’ll have men to post as her rapists. Darating ka sa tamang oras maging ang iyong kasamahan at ililigtas ninyo siya.She will decide to come with you.General Lutgardo ordered her to charm your commander.The pig!Mahilig sa pasikot-sikot.
         Rayver’s fists clenched in suppressed anger.
         That explains the encounter. He’s having with him a military mole.How could he overlooked that?
          Take care.I have uncovered a very interesting secret. The woman was a graduate in a Russian Military Academy. I’m starting to have doubt on that. Wait till you see her and tell me I’m wrong.
          Natigilan si Rayver sa nabasa.
          Russia… Kumabog ang dibdib ng binata sa hindi niya malamang dahilan.
          Rayver Martinez must die. Kung may sa-pusa man ang lalaking iyan,ito na ang panahon para tuluyan siyang mamahinga.Wait for further instructions.I have other plans.Kung tama ang kutob ko,kumilos tayo bago mabaligtad ang sitwasyon.
          Napamaang ang binata.Bakit tila kilalang-kilala ng sender kung sino siya? Maliban sa mga impormasyong naipasa ni Ka Bagni dito, bakit pakiramdam niya ay mas malalim pa doon ang pagkakakilala ng kausap nito sa kanya?
           Maingat niyang ibinalik ang aparato sa kinalalagyan nito bago ibinalik ang takip niyon.
           Sakbibi ng halo-halong isipin na nilisan ng binata ang kakahuyan.Hindi niya bibigyan ng pagkakataon si Ka Bagni na magkahinalang bistado na niya ito.
           'If he’ll have to dance with his game,so be it.'
           Tinalunton ng binata ang trail na humahangga sa boundary ng Mountain Province at Abra. Sanay na siya sa mga daanang iyon.Pagkatapos ng halos tatlumpong minutong paglalakad ay narating din ng binata ang kanilang kampo.
           “Magkape ka muna,kumander” ang yaya sa kanya ni Ka Liyab na nasa pinaka-dap-ay nila. Isang bukas,maluwang at parehabang kubo iyon kung saan sila nagkakatipon-tipon lalo na kapag mayroong mga pagpupulong.
            “Salamat,kasama” tugon ng binata bago naupo sa pinakadulo.
             “Oy,kape.Gusto ko iyan” anang parating na si Ka Talon habang bitbit sa isang kamay ang mga makakapal na folder na marahil ay kinuha pa nito sa lagayan ng mga dokumentong nasa pag-iingat ng organisasyon.
             “Aanhin mo ang mga iyan?” nagtatakang tanong niya dito.
             “May sisiguruhin lang po ako,kumander” sabi nito na nagsimulang magbuklat.
                 Awtomatikong napatakip sila sa ilong nang magliparan ang mga alikabok na kumapit sa mga luma nang news clippings.
              Nagtataka man ay pinanood na lang nila ang lalaki. Nakakaapat na folder na si Ka Talon nang makita nila itong natigilan mula sa pagtunghay doon.Hindi pa nakuntento,dinala iyon sa mas maliwanag.
            “Ano ba iyang nandiyan at para ka nang nanuno? Artista lang yata iyang tinititigan mo eh” kantiyaw ni Ka Minerva na muling naglagay sa kanyang baso ng kapeng barako mula sa kaserolang nakasalang.
            Hindi sumagot si Ka Talon.Itiniklop nito ang folder habang tila wala sa sariling napatitig sa kanya.
            Nagtatakang tumayo si Rayver, inilahad ang kamay dito.Atubili namang ibinigay ng lalaki ang folder.
            Maging ang mga kasamahang nangangantiyaw kay Ka Talon ay natahimik.Marahil ay naramdaman ng mga ito ang tension na nagsisimulang mabuo sa ere.
           Halos walang humihinga sa mga ito,kabilang na ang binata nang buklatin niya ang folder.
          Wounded soldiers in an encounter with the New People’s Army at the Kalinga-Mountain Province boundary yesterday. Sgt.Renato Cardenas was wounded on the left shoulder while seven soldiers died…
           It wasn’t the news that had them lost for words.It’s not even the number of casualties on both sides, but the picture of the man being interviewed by the reporter.Though the soldier on the photo looked younger,he looks so much like…
          Marahas na bumaling si Rayver sa mga ito.
          “Walang magbubukas ng bibig. Hintayin ninyo ang utos ko” babala niya.
           They nodded.They trust him.
            Muling tumunghay si Rayver sa mga kupas nang news clippings bago inilipat iyon sa kabila.
            Rebels spokeperson, Segundo Basingan, said they were on their way to Besao Mountain Province when they heard few gunshots nearby which have made them sought where the gunshots were coming.He said,they saw few soldiers running after the Marasigan couple and shot the two before they could stop them. After that, a fiery encounter from the clashing sides erupted which had costed them many lives.The rebels were the ones who recovered the Marasigan remains as Segundo said,Tatang Rodrigo Marasigan was a friend during Martial Law.However,the Marasigan daughter,Xybel Marasigan who was with her parents at that time is still missing up to this moment. No one could give clear information of what had happened to her…
       Itiniklop ng binata ang folder at iniabot kay Ka Liyab. He already knew what happened next.About Xybel’s disappearance and the reason of her leaving him wounded on the mountain.Sa piling ng mga rebeldeng nagpala sa kanila.
      Sa nakalipas na apat na taon ay lagi niyang itinatanong sa isip kung bakit nagawa siyang kalimutan ng dalaga.Ni hindi man lang ito nakipag-ugnayan sa mga kasamahan niya sa RHB.Maging ang Defend Cordillera ay tuluyan na nitong tinalikuran.
        Iniwan siya nitong nangangapa.Ni hindi inalam kung buhay siya.Ni hindi ito nagsayang ng panahong hanapin siya.
        Pero kahit may hinanakit sa dalaga ay hindi niya nagawang magalit dito ng totoo.Binigyan niya ng rason ang naging desisyon nito.At tuwing kinukudlit siya ng pangungulila,pilit niyang isinisiksik sa kanyang puso na isang araw ay babalik din ito sa kanya.
        Napabuntong-hininga si Rayver sa isiping iyon.Muli ay naramdaman ng binata ang kudlit ng kirot at panghihinayang sa dibdib.Regrets that under circumstances,Ka Segundo had to lie to her to save more lives from death.
       Mula nang ipagtapat ni Ka Minerva ang totoo ay pinilit niyang intindihin ang dahilan ng butihing kumander. Alam niyang may katwiran ito.Kung nalaman ni Xybel na buhay siya at naroon lang sa isa sa mga kubo at kasalukuyang ginagamot ay alam niyang hinding-hindi siya lilisanin ng dalaga. At alam niyang hindi rin titigil ang mga sundalong um-abduct sa kanila hangga’t hindi sila kapwa napapatay ng mga ito.
      How he missed her.
      Lahat ng hinanakit niya sa dalaga ay kusang naglaho nang araw na malaman niya ang lahat.Ang pumalit doon ay pag-alala para sa dalaga.Alam niya sa kanyang puso na mahal na mahal siya nito noon.Naramdaman niya iyon…naramdaman iyon ng kanyang kaluluwa.
      Hindi niya maisip kung gaanong sakit ang kinailangan nitong maramdaman at paibabawan matanggap lang na wala na siya.Kung paano nito ginugol ang mga taon upang kalimutan siya at makapagsimula ito ng panibagong buhay.
      Ngunit sa di iilang pagkakataon,lalo na sa kanyang pag-iisa ay naitatanong din niya sa sarili kung tuluyan na ba siyang nalimot nito at kung para dito ay isa na lang siyang masakit na ala-ala mula sa nakaraan.
      Masakit man sa kanya, tumututol man ang kanyang puso ay kailangang tanggapin niya iyon sakali mang ganoon nga ang mangyari.Hindi niya maaaring sisihin ang dalaga.Biktima lang din itong katulad niya ng mga pangyayari.
      Muling nagpakawala ng malalim na hininga si Rayver.
       If by fate Xybel can’t find her way back to him,if by fate she’ll have no chance to know he’s alive and still waiting for her…siguro ay dito na siya tatanda.Sa piling ng kilusan at ng masa.
      That is what he did actually after he learned Xybel left the country.Just when he finally decided to join the arm struggle and when Ka Segundo died in an ambush and he became his successor, Rayver gave his life to the arm struggle.
       Noong una, bawat enkuwentro nila at ng militar ay nakikita niya sa mga iyon ang mga lalaking nang-abduct sa kanila noon.And everytime he came face to face to any of them over raging bullets,he so wanted to bury his gun on their flesh.
      But his education and trainings on the mountain never allowed his emotion to overshadow him.He was the commander,at any circumstances he should lead his men fairly.He realized he would be putting them into their death if he allow himself be consume with revenge.
       “Kumander?” the soothing voice and the small hand on his shoulder pulled Rayver back from drifting off his thoughts.
         Tumayo ang binata.
         “Samahan mo muna si Ka Bagni,Ka Minerva. Magpasama kang i-check ang generator sa may batis.Bigyan mo kami ng isang oras” tinitigan niya ang doktora sa mga mata.
            Nakaintindi naman kaagad ito.Pagkatapos isukbit ang baril ay tinungo ng babae ang pinakamalayong kubo kung saan pihong naroroon si ka Bagni.
           “Pulungin mo ang mga kadre at mga kasama,Ka Liyab. In twenty minutes” utos niya kay Ka Liyab bago siya pumasok sa kubo niya.
            Kailangan nilang kumilos kaagad bago pa muling may magbuwis ng buhay sa kanilang hanay. From what he had discovered, he sure knew they have to move and fast. They need to lay a plan.ASAP.
           They’ll give the enemy a surprise of their lives.
            Pagkatapos magtipon-tipon ay kaagad na isiniwalat ni Rayver sa mga kasamahang naroon ang natuklasan.Maging ang nasa lumang news clippings.
            Enraged by Ka Bagni’s betrayal, they asked him for a court trial.Rayver refused the summon.
            “Bilang kumander ninyo,ipinakikiusap kong huminahon kayo mga kasama. Hindi natin malulutas ito sa marahas na hakbang. Kailangan natin si Ka Bagni.Ipinakikiusap kong walang magsasalita pagkatapos ng pagpupulong na ito. Kung kinakailangang makipagsayaw tayo sa kanilang laro ay gagawin natin” matatag na sansala niya sa pag-uungulan ng mga ito.
     “Paano kung bago dumating ang itinakdang araw na iyan ay sorpresahin tayo ng mga kalaban,kumander?” tumayo si Ka Cairo.
      “Itinatalaga ko ang aking sarili na siyang magmamanman kay Ka Bagni. Tatlong araw mula sa araw na ito ay magaganap ang plano nila.Kailangan nating maglatag ng mas maagap na opensiba. Bago dumating ang araw na iyon ay kailangang handa na tayo” sagot niya.
       Marami pa silang tinalakay bago nakagawa ng isang magandang plano.
       ‘They want to charm me?Send me a woman to lure me? Let’s see’ bulong niya habang pinagmamasdan ang siga ng apoy sa may duluhan kung saan may nakasalang na malaking kaserola para sa mainit na kape.
          Ka Bagni was one of “them”,he knew that now.Imagine,he had been feeding in his palm a traitor,not to mention,one of their perpetrators four years ago?
           Rayver gritted his teeth he could taste the blood oozing from his gums.
           He could grant the councils’ request to try Ka Bagni, pronto. But he wanted to see “them”…kung sino pa ang mga kasamahan nito. He may not trace them all because there were many of them,but he had this strong hunch that Ka Bagni was directly in contact with the mastermind.
       Sino man ang nasa likod ng katrayduran ni Ka Bagni paghahandaan niya ang araw na makilala ito.

Red Hawks Brotherhood Confession:Rebel's Confession  by Jhade PatricioWhere stories live. Discover now