the rebel

83 2 0
                                    

CHAPTER TWO
CORDILLERA MOUNTAINS
Present Time....
The hissing of bullets on the air was like whispers of falling summer leaves, dead and weightless.
So opposite to the battle deep inside him.
Despite the sounds of gun fire from the clashing sides, Rayver could clearly hear the loud thumping of his heart.
He damn knew why.
Paubos na ang mga bala nila. Ilan na rin sa mga kasamahan ang nakita niyang sugatan na.So far,wala pa namang nalalagas mula sa kanilang hanay at iyon ang nagbibigay ng kaunting init ng pag asa sa dibdib ng binata.
The skirmish was not planned. They were on their way to Abra when their path crossed with the patrolling elements of the Philippine Army.
Everything happened so fast.
Before they could blink their eyes, they found themselves crawling up to the ridge of the mountain seeking for cover while firing their guns.
Not so long after what seemed to be a never ending whistling of bullets through the trees and through the mountain air, the first seed of hope flamed Rayver's heart. He saw signs of retreat from the other side. Nagsimulang umatras ang mga ito.
Para sa kanila ay magandang senyales iyon.
Maaaring kinakapos na rin sa bala ang mga ito,o na-realized na ang mga ito ang dehado.Nasa mababang parte ang mga ito at alam ng binata na kayang-kaya nilang kubkubin ang buong lugar kung hindi lang sila kinakapos na sa bala.
Ilang sandali pa at manaka-nakang putukan na lang ang maririnig tanda ng papahupang sagupaan. Hindi na nila tinangkang habulin pa ang mga sundalo dala na rin ng sitwasyon nila.Mas delikado kapag nakatawag na ang mga ito ng reinforcement.
"Samsamin ang mga baril mga kasama!" malakas na sigaw ng binata sa mga tauhan nang makitang klaro na ang paligid.
"Tapos na,kumander.Ginagamot na rin ang mga kasamahan nating sugatan at ang mga nasugatang sundalo" malakas ding sigaw pabalik ni Ka Cairo habang bitbit sa isang kamay ang dalawang m16 rifles.
"Wala bang malubhang tinamaan sa mga kasamahan natin?" tanong ng binata habang inaayos ang pagkakasukbit ng AK47 sa balikat.Lumapit siya sa mga tauhang nakahiga sa damuhan na kasalukuyang ginagamot.
"Wala naman, kumander.Puro malalayo sa bituka ang mga sugat nila..."pabirong sagot ng isa nilang kasama habang nilalapatan ng pangunang lunas si Ka Liyab.
Kahit napapangiwi sa kirot dahil sa tinamong sugat ay pilit na ngumiti si Ka Liyab na ikinatawa ng ilan nilang kasamahan.Kahit si Rayver ay napangiti din sa nakikitang ekspresyon ng mukha nito.
"Agbiag ti rebolusyon,kumander!" sabi pa ni Ka Liyab sa salitang ilokano pagkatapos ay pabirong itinaas nang nakatikom ang kaliwang kamao tanda ng pagbibigay pugay.
Napatango-tango ang binata habang nakangiti, ginantihan ang pagbibigay pugay ng kasamahan.
He just loved this scenario. After facing death, they always seemed to share the same thoughts.Bawat pagtatapos ng digmaan ay ginagawa nilang magaan sapagkat alam nilang lahat na baka sa mga susunod pa ay iyon na ang kanilang magiging huling laban.
Nasa ganoong pagnilay-nilay ang binata nang marinig ang pagdaing ng isa sa mga sugatang sundalo.Kaagad siyang lumapit at inialok ang dalang tubig dito.
"Uminom ka muna ng tubig 'kasama' " pormal na sabi ni Rayver sa lalaki bago binalingan ang kasamahang gumagamot dito.
"Gaano kalala ang sugat niya?" tanong niya.
"Maliban sa tama sa tagiliran ay wala na siyang ibang sugat, kumander" sagot ni Ka Minerva na abala sa paglalagay ng bandage sa sugat ng lalaki.
Nagulat pa ang doktora nang galit na magsalita ang sundalo sabay tabig sa lagayan ng tubig na iniaabot ng binata.
"Bakit pa? Alam ko naman na papatayin din ninyo kami!" pagalit na sabi nito na kay Rayver nakatuon ang mga mata.
Nagpapasensyang umuklo si Rayver sa harapan ng lalaki upang magpantay ang mukha nila.
"Ang papatayin bang sinasabi mo ay ang paglalapat ng pangunang lunas sa mga sugat ninyo?" malumanay na tanong niya habang direktang nakatingin sa mga mata nito.
"Huwag na tayong maglokohan pa,alam namin ang ginagawa ninyo sa mga bihag ninyo.Tinoturtyur ninyo bago patayin!" matigas pa ring sabi nito habang tila naglalabas ng apoy ang mga mata sa pagkakatingin sa kanya.
Tumikom ang bibig ng binata.Humigpit ang kapit sa hawak na baril.
"Mukhang mali ka ng pinatutungkulan kaibigan.Inirerespeto namin ang patakaran ng Hors de combat. Sinusunod namin ang nakasaad sa CARHRIHL.At kung ginagawa ninyo iyan sa tuwing may nahuhuli kayong mga kasamahan namin ay hindi na ako magtataka kung bakit iyan ang akala mong gagawin din namin sa inyo" mahabang sabi niya habang mahigpit ang pagpipigil na huwag kutusan ito.
Pagkatapos siguruhing maayos ang kalagayan ng mga nasugatang kalaban ay tumayo na ang binata.
"Tayo na mga kasama at papadilim na" malagom na utos niya sa mga tauhan.
"Paano ang mga ito,kumander?" tanong ni Ka Gandi na itinuro ang limang sugatang sundalo.
"Sabihan mo si Ka Talon na pumunta sa pinakamalapit na nayon upang ipaalam sa mga tao na may mga sugatang sundalo dito at nang madala sila sa bayan.Bilisan kamo niya" sagot ni Rayver na huminto sa tapat ng isa pang sundalo.
"Isang paalala mga "buddy",hindi kami ang uri ng mga taong iniisip ninyo. Hindi kami mga terorista" malamig na sabi niya sa mga ito bago tumalikod.
Ilang sandali pa ay anino na lang ng naganap na digmaan ang makikita sa lugar na iyon.
Ayaw man ng binata na makadama ng pait ay nagsimulang ngatngatin ng masakit na pakiramdam na iyon ang kanyang dibdib.Ang mga salitang binitiwan ng sundalo ay nag-iwan ng kirot sa kanyang puso.
Naipilig ng binata ang ulo.
Kung ang sariling damdamin ang pinairal niya,baka nasaktan na niya kanina pa ang pasistang sundalo.It's good he had managed to get hold of his emotion before he could actually strangulate the soldier's neck.
"Malapit na tayo sa kasunod na pook,kumander" imporma ng kasunod niyang tauhan kay Rayver.
"Sabihan mo ang mga kasama na dito tayo sa itaas ng bundok mamamahinga ngayong gabi. Mamayang madaling araw na tayo muling lalakad" sabi ng binata dito.
Nauunawaan niya ang mga kasama,pagod na ang mga ito sa maghapong paglalakad.Idagdag pa ang nangyaring engkuwentro sa pagitan nila at ng militar.
Napatingin siya sa mga ito.Nag-aalala siya para sa mga sugatang mandirigma.
Dala pa rin ng isiping iyon, ibinaba ng binata ang kanyang baril bago sumandal sa malaking puno ng pino.Ugali na niya iyon.Nararamdaman kasi niya na sa tuwing napapasandal siya sa kahit anong uri ng puno nang matagal,lagi na ay tila may puwersang humuhugot sa mga negatibong enerhiya sa katawan niya.Nagiging magaan ang kanyang pakiramdam pagkatapos.
"Magkape ka muna,kumander" ang boses ni Ka Minerva ang nagpamulat kay Rayver mula sa pagkakapikit.Tumingin siya sa babae, nginitian ito bago abutin ang maliit na tasa.
"Salamat kasama.Kumusta ang mga pasyente natin?" tanong niya.
"Maayos na ang kalagayan nila,kumander. Hindi naman malala ang kanilang mga sugat" sagot nito bago tumabi ng upo sa kanya at sumandal sa puno.Umisod si Rayver upang makaupo ito ng maayos.
Isa si Ka Minerva sa mga una niyang nakilala sa kilusan. Maganda at palakaibigan ang dalaga. Nagtapos din ito ng medisina sa UP Manila.Isang dating aktibista.Dahil sa matinding harassment na naranasan nito mula sa mga sundalo noon ay nagdesisyong sumampa sa armadong pakikibaka.
"Nagtataka lang ako kumander.Siniguro ng kontak natin na malinis ang daraanan natin papuntang Abra.Walang mga militar sa mga lugar na madadaanan natin.Papaanong...?
"Shhh. Iyan din ang iniisip ko kanina pa. Makinig ka,huwag na huwag kang magpapahalatang nagkakahinala tayo na hindi isang aksidente ang nangyari. Umakto kang kaswal at normal lang ang lahat" pabulong na saway ni Rayver sa katabi.
"May plano ka na ba,kumander?" pabulong ding tanong ng doktora.
"Nangyari na ang mga ganitong senaryo noon,Ka Minerva. Baka hindi natin alam ay may mga padala palang espiya ang militar sa mga kasama nating nandito ngayon...Kailangan nating mag-ingat at magmatyag" sagot ng binata bago nilagok ang natitirang kape sa baso.
Napakuyom siya sa kanyang mga palad.
Hindi sa mga tauhan niya. Hindi niya matatanggap iyon. Matagal na niyang nakasama ang mga ito at kilala na niya ang bawat isa.Mantakin man niyang pigain ang kanyang utak,wala siyang mapaghinalaan isa man sa mga ito.
'Maybe because you trusted them too much...' anang maliit na boses sa kanyang kaloob-looban.
Ganoon nga kaya?
Nang iwan siya ni ka Minerva ay nahulog sa malalim na pag-iisip si Rayver.
Matagal na panahon nang nakasama niya ang mga kasamahan, katunayan ay mas matagal pa sa kilusan ang iba sa mga ito.Ganoon pa man, hindi niya kukunsintihin at lalong hindi kinukunsinti ng kilusan ang anumang klase ng katraydoran lalo na kung ito ay magpapahamak ng maraming buhay.
Mula sa pagkakapikit ay nagmulat ng mga mata ang binata, tumitig sa madilim na kalawakan.
Apat na taon na siya sa bundok, pinanday na siya ng mga mararahas at masasakit na karanasan...
Mountain Province-Abra Boundary
Sometime in 2001
"Xybel,run!" malakas na sigaw ni Rayver pautos sa nobya pagkatapos niyang barilin ang lalaking nanlalapastangan dito.Sa nakikita niyang pinaghalong sindak at pag-alala sa mukha ng dalaga ay tila sinisibat ng karayom sa dibdib ang binata.Kitang-kita niya sa mga matang iyon ang kagustuhang abutin siya,ang kagustuhang huwag siyang iwan at manatili lang sa tabi niya.
"Please run, Xybel, please.I love you..." he mouthed just in time he felt the bullet ripped him on the chest...It's painfully excruciating,yet it did not mattered to him.The only thing that mattered on that moment was to see her go alive.
Nakita niya ang pagkatulala nito nang makita ang paghampas ng kanyang katawan sa mahamog na lupa, sa sinag ng namamanaag nang liwanag ng bukang-liwayway.
"Rayver!Oh, God,please...No, please..." was the last words he heard from her before everything around him went black and quiet.
What happened next became alien to him.
His wounded and almost dead body was recovered by the red fighters who came in time and rescued them before they were of no pity be perpetrated by the soldiers who abducted them along their way home after attending the Cordillera Day in Tabuk,Kalinga.
He was brought to the mountain for medical attention.How he survived was really a miracle based on his heavy lost of blood.
Suffice to say, he lived.
He lived... only to die again after he learned about the painful truth.
Ayon sa mga tumulong sa kanya ay kasamang nailigtas si Xybel ng mga ito sa engkwentro ngunit piniling iwan siya sa bundok sa kabila ng peligrong maaari siyang mamatay.
She left him without turning back after he putted his own life in the line of fire for her.
Even then,hindi niya nagawang balewalain ang dalaga nang makarating sa kanila ang balitang nawawala ito pagkatapos na makababa sa kabayanan ang dalaga.Not minding the stirring of negative emotions,he immediately begged kumander Segundo Basingan to sent someone to confirm the news and look after her.
He wished he didn't.
Mas lalo lang pala siyang masasaktan. Iniwan na pala siya talaga nang tuluyan ng dalaga.Xybel flew to Russia with Anthony Evasckov, ang ninong nito na laging ikinukuwento sa kanya noon.
Nang mga sandaling iyon ay nais na niyang magalit ng tuluyan sa dalaga.
Anuman ang dahilan nito at hindi itinama ang press at ang mga tao sa paniwalang nawawala pa rin ito ay hindi na iyon gaanong mahalaga sa kanya.
What's the use?
She left him.Kung hindi mahalaga dito na hanapin ang hustisya para sa mga namatay na magulang ay hindi na niya dapat asahang hanapin din nito iyon para sa kanilang dalawa.
Pakiramdam niya ay nagkadurog-durog ang kanyang puso sa realisasyong hindi magkatulad ang lalim ng damdamin nila sa isa't-isa.
If she was brave enough,and loved him enough,sana hinanap o maski nag-paabot man lang ito ng kahit maikling mensahe sa mga ka-brad niya sa RHB...Iniwan siya nito na hindi man lang inalam kung ano na ang nangyari sa kanya...
Ginitian ng luha ang mga mata ni Rayver. Muli ay naramdaman na naman niya ang tila di nakikitang mga kamay na marahas na dumudurog sa kanyang puso.
Pakiramdam niya ng mga sandaling iyon ay iniwan siya ng nagsisilbing lakas niya sa gitna ng napakadawag na kagubatan upang mamatay.
'Xybel...why on earth did you given up on me? Why did you abandon me? Ni hindi mo man lang ako hinanap. Duwag ka...duwag ka...' tahimik na tangis niya habang nag-uunahan ang kanyang mga luha sa pagbagsak.
"Kumander..." ang tawag ni Ka Minerva ang humila sa kamalayan ni Rayver pabalik sa kasalukuyan.Napaunat ang binata. Nang maramdaman ang mainit na likidong naglandas sa kanyang magkabilang pisngi ay pasimpleng pinalis niya iyon.
Heto na naman siya.
For so many unguarded moments he wondered how far he would go crying over her.
It's been years...pero hindi pa rin niya magawang bumitaw sa pag-asang isang araw ay muling darating si Xybel.Na hindi doon nagtatapos ang lahat-lahat sa kanila.
"Kumander?"
"May sinasabi ka ba, ka Minerva?" pagkatapos kalmahin ang sarili ay tanong ni Rayver sa dalaga. Umangat ang ulo niya at tiningnan ito.
Umisod din siya ng bahagya upang makaupo ito.
"Iniisip mo na naman ba siya?" mahinang basag nito sa pumagitang katahimikan.
Hindi kaagad nakaimik ang binata.
Ka Minerva was one of the few people whom he allowed to get in and see the insides of him.
"Kumusta na kaya siya?"napapabuntong-hiningang mahinang tanong ni Rayver sa halip na direktang sagutin ang tanong ng babae.
"You really do love her..." that wasn't a question rather a statement. There was even a shade of sadness in her voice that wasn't there before.
"I do..." he answered faintly.
"I don't want to be called disrespectful to the dead Commander, a-and I don't have any idea why I am doing this either, but you see, there's s-something you need to know..." she paused.
There was something in that voice that had fully caught his attention.He met her eyes and wait.
He saw Ka Minerva's breath became steady and her calmness got him scared. When she opened her mouth to speak, he listened to her with his heart pounding...
2001
"Anya ngarud ti ibagak ken Miss Marasigan,kumander?" tanong ni ka Minerva sa butihing pinuno.
"Ayokong gawin ito,ngunit kinakailangan. The Military launched a full combat operation within the three provinces and you know we can't fully defend our frontiers due to the heavy casualties we just had.I don't want any more lives to be sacrificed..." sagot ni kumander Basingan habang hinuhugot ang radio sa tagiliran.
"Siguraduhin ninyo ang seguridad ng daan para kay Miss Marasigan" utos nito sa kausap.Nang matapos ito ay saka pa lamang naisatinig ni ka Minerva ang mga katanungan.
"Paano si Rayver?" kilala nila ang binata sapagkat nakapamasyal na ito noon sa bundok kung saan sila nagsagawa ng ANIB.(Anibersaryo ng pagkakatatag ng kilusan)
"Magaling na bata iyang si Rayver,mauunawaan din niya ito pagdating ng takdang panahon.Matanda na ako,ka Minerva,at masasabi kong halos nakasalamuha ko na ang lahat ng klase ng tao dito sa mundong ibabaw. Nakikita ko kay Rayver ang senyales ng isang magaling na pinuno...Alam kong sa darating na panahon, mangyayari ito..." anito bago siya inudyukang isagawa na ang atas sa kanya.
Tapos na si ka Minerva sa pagsiwalat ng katotohanan ay hindi pa rin makapagsalita si Rayver.He could not believe he's hearing those things...
Hindi siya makapaniwala na magagawa iyon ng pinakadakilang pinuno at mandirigma na nakilala niya.
Okay,he could see the point. But...
"Alam ni kumander Segundo na hindi titigil ang militar hangga't hindi nila kayo natatagpuang dalawa ni Miss Marasigan at napapatay. And that would endanger us all. Maraming sugatan at may mga nagbuwis ng buhay sa nasabing enkuwentro.In other word, nasa mahinang estado ang puwersa ng kanyang unit sa mga panahong iyon_"
"I understand that. Pero bakit kailangan ninyong sabihing kasama ako sa mga namatay? Maaari naman ninyong sabihin sa kanya ang totoo.Maiintindihan niya ang rason kung bakit kailangang bumaba na siya sa bundok" Rayver could feel his nails wounding his own flesh as his knuckles closed firmly at the intensity of his emotion.
Four years...four hard years...
"I believe that, too. But whatever his reasons were, we can't ask him that now.He's dead.I guess you only have to decide for yourself...to see it as his ultimate sacrifice to save you both and the rest of our kind. Dahil kung ako man ang lalagay sa sitwasyon ni Miss Marasigan,hinding-hindi kita iiwan sa ganoon kadelikadong kalagayan. Sana makita mo ang punto ng dating pinuno" Ka Minerva eyed him, emphaty and something else near to pain surfaced in her eyes.
"God..." tila tinakasan ng lakas na bulong ni Rayver. Now, he knew why Xybel did not try to look for him. She believed that lie so easy. And who would have not? She saw him when he was shot down to his chest!
"Ka Segundo said he saw a sign in you.That you'll be a good leader and that someday,you'll lead his men when he's gone...And he was right..." marahang pinisil ng dalaga ang kanyang balikat bago ito tumayo at tuluyan siyang iwan.
Napasuntok sa kinasasandalang puno ang binata.Napuno ng pait at panghihinayang ang kanyang dibdib.

Red Hawks Brotherhood Confession:Rebel's Confession  by Jhade PatricioWhere stories live. Discover now