CHAPTER SIX
“Pagod na ako sa kakasunod sa iyo, ha?Puwede bang tumigil ka muna?” hinihingal na reklamo ni Xybel nang maabutan si Rayver sa hallway ng Engineering Department.
“Sino ba kasi’ng nagsabi sa iyo na sundan mo ako?” naaasar na humarap sa kanya ang binata.May palagay si Xybel na malapit na itong mapikon sa sobrang kakulitan niya.
“Eh,bakit ba kasi ang tigas mo? Ako na nga ang nakikipagpaglapit sa iyo,o” naiinis na pinandilatan niya ito ng mga mata.
“Xybel…the answer is no in capital N-O” anito sa tonong tila nakikipag-usap sa isang makulit na bata.
Hindi natinag si Xybel.
“Yes Rayver, yes.Walang puwang sa bokabularyo ko ang NO mo.Pagkatapos mo akong pahirapan ng ilang linggo? Sinusuwerte ka!” she said in between gritting teeth.Tinudla niya ito ng nakamamatay na tingin habang hinahabol pa rin ang hininga.
“See? How can I not turn you down?Behavior mo pa lang,lagpak ka na.At saka tingnan mo nga iyan, sa tuwina na lang ay para kang ahas na handang manuklaw.Ni hindi ka man lang marunong makiusap…” may halong pagkaasar na sabi nito, naroroon sa mga mata ang enjoyment sa pang-iinis sa kanya.
“Okay, Mr. Runaway boy, let’s trade places.Let us see how you’re going to handle a hide-and-seek situation like this…” nagngangalaiti ang loob na pinamaywangan niya ito.
Makiusap daw? Limang beses na siyang nakiusap dito! Baka akala ng damulag na ito ay hindi siya nagbibilang?
“Then stop” tila walang anumang sagot nito.
“Why do you have to make this a big deal?” smelling defeat, Xybel snapped at him.
God,she’s losing it,and she could not afford that.
Rayver did not say a single word.No reaction. Dedma.
She lost.Siya ang hindi nakatiis.
“Okay,sorry na.O ayan!Masaya ka na?” masama ang loob na napapadyak ang dalaga sa labis na frustration. Gusto na niyang panghinaan ng loob.Imagine,mahigit isang buwan nang para siyang stalker sa kakasunod at kakasuyo dito pumayag lang na maging anino siya sa buhay nito.
Demonyitong Jigger Saavedra.
Sa isip ay ilang beses na niyang kinatay ang kaibigan.
“Lesson number one,huwag kang hihingi ng paumanhin nang nakabaligtad ang mga mata” nakakalokong sabi ni Rayver sa kanya.The corner of his lips twitched as his eyes danced in delight seeing her face enflamed with anger.
And she got it.
Pinaglalaruan siya nito!
Xybel breathe hard. She tried to pasify herself by saying nothing.
Bakit nga ba siya nagpapasindak sa herodes na ito? Hah! Hindi siya naging anak ng mga magulang niya ng walang dahilan.
Mangingitlog ang lalaking dragon at matatanggap niya iyon ngunit hinding-hindi niya tatanggapin ang pagkatalo sa harapan ng lalaking ito.
Nang makalma ang sarili ay muling hinarap ni Xybel ang binata. Natagpuan niya itong nakatingala sa kalawakan,naroroon ang imbing ngiti ng tagumpay sa mga labi na sadyang hindi itinago sa kanya.
“How dare you_” kusang namatay sa ere ang mga katagang nais kumawala sa kanyang bibig nang mula sa pagkakatingala ay sinalubong ng mga mata nito ang nag-aapoy niyang mga mata.His face tightened as his muscles moved.
‘How dare you look so good…’ tuloy niyang mura sa isip,napapatunganga na naman dito.
He really was a good sight to behold.His square jaw spells virility.His firm lips spells a lot…well,a lot.
Mula sa mga labi ay namasyal sa kabuuan nito ang kanyang talipandas na mga mata.
‘Muy guwapito’ wala sa loob na naibulong ng dalaga sa sarili habang naglilimayon dito ang makasalanan niyang mga tingin.
Rayver really have a very arresting feature, she already knew that. And seeing him this close,she could tell his charm and appeal were the kind of innate attributes that would standout even in the middle of a vast crowd.
Hayyy…buntong-hininga ng puso niya habang nagpapasasa sa kakisigan ng binata.
Rayver seemed to have read her thoughts, he gave her a knowing smile.
Natauhan ang dalaga.Namumula ang mukha na pinilit niyang kumurap bago nag-iwas ng tingin dito.
“X rated na ang kulay ng mga mata mo” anitong lalong lumuwang ang pagkakangiti. “Akin na ang bayad” sabi pa nito.
‘Nanang kupo!Ilayo mo ako sa kasalanan’ piping dasal ni Xybel.
Gusto na yata niya itong sunggaban.
“A-anong b-bayad?” God! Kailangan ba talaga niyang mautal?
What’s wrong with her?
Natitigan lang niya ito nang malapitan ay nawala na siya sa sarili! As if hindi niya ito araw-araw na binubuntutan at tinititigan!
Bahagyang napaatras si Xybel nang sa halip na sagutin siya ay humakbang palapit sa kanya ang binata. Tinitigan siya nito ng matagal sa kanyang mga mata.
Hindi malaman ng dalaga kung paano magre-react.Sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanyang mukha ay tila nalulon na niya ang kanyang dila.Lumipad ang lahat ng tapang niya.Ang tanging malinaw sa kanya ng mga sandaling iyon ay kung gaanong halos magpang-abot na ang mga ilong nila sa sobrang pagkakalapit.
Naduduling na nga yata siya.
Though mentally derailed, she saw his eyes roamed around her face as if searching for something.She could swear she saw his Adam’s apple moved downward as if trying to hold back himself from doing something forbidden.
Nanuyong bigla ang kanyang lalamunan.
Upang basagin ang masarap na tensyong bumalot sa kanilang dalawa ay sinikap niyang daanin iyon sa biro.
“Oy,huwag mo akong tingnan ng ganyan.Kinakabahan ako,promise…” sabi niya upang disimulahin ang biglang pagsalakay ng kaba sa kanyang dibdib.
“Gusto mo ba talaga?” mahinang tanong ni Rayver nang magbuka ng bibig.Sa sobrang lapit ng lalaki sa kanya ay nalalanghap na niya ang flavor ng toothpaste na ginamit nito.Mint.
Muli ay tila nawala sa sarili si Xybel, sandaling nalito sa tanong nito.
She arched her brow, asking him for explanation but he did not entertain the obvious action. He just remained standing so close to her, his eyes never leaving hers.
Siya ang hindi nakatiis.Nang hindi na niya makayanan ang matiim na pagkakatitig sa kanya ng binata ay muli siyang humakbang paatras upang bigyan ng distansya ang pagitan nilang dalawa at upang saglit na payapain ang tibok ng kanina pa nagwawalang puso.
“Do you really want it that much to be in this mission with me?” he stepped forward too,closing the distance she just putted in between them.
“Errr,oo…sana…” kagat ang labi na mahinang sagot ng dalaga.She just realized,the sooner she finish talking with this man,the better for her sanity.Why, he’s starting to unravel the mask she had putted on!
Nananaig ang matinding atraksyon niya sa binata at ayaw niyang gawing kahiya-hiya ang sarili sa harapan nito.
“Be my girlfriend then” without much ado, Rayver said those four words without blinking his smoldering eyes.
“Sure_your what?!” tumalsik ang mga laway ng dalaga sa tindi ng pagkagulat sa sinabi ng lalaki.Hindi iyon ang inaasahan niyang sasabihin nito!
Sinasabi na nga ba niya.So that’s the catch,huh!
Hindi malaman ni Xybel kung paano magre-react. Kung ano ang unang dapat niyang maramdaman lalo na at nakikita niya ang paghamon sa mga mata ng binata.
She’d seen this coming.She knew there’s always a catch,at ngayong inihulog iyon ng binata sa harapan niya ay hindi niya malaman kung alin ang unang dapat niyang maramdaman.
The bait excites her yet at the same time, disappointed her.She could see where the challenge was leading them.
Ganoon ba talaga siya ka-incompetent sa paningin ng binata upang lahat ay handang gawin nito umatras lang siya?
“Ayaw mo yata eh,di sige…maiwan na kita diyan” narinig niyang sabi ng binata nang hindi siya nakasagot kaagad, nagsimula itong humakbang palayo.
Doon nahimasmasan si Xybel.
Seryoso?
“Oy teka, sandali lang!” habol kaagad niya dito.Tuluyan nang isinasantabi ang mga ilusyon.
“Be my girlfriend Xybel or never” hindi lumilingong sabi ni Rayver habang patuloy lang sa paghakbang.
“I can’t believe this! This is coercion!” sikmat niya habang mabilis na sumunod dito,hindi alintana ang nacu-curious na tinging ipinupukol sa kanila ng mga estudyanteng nasa hallway.
Habang nakasunod siya sa likuran ng binata ay tumaas ang mga braso niya at pumormang sinasakal ito sa labis na pagkaasar.
Hindi talaga niya maintindihan ang ugali ng lalaking ito!
“Put your hands down or people would think of you as one harebrained tarsier” sabi nito nang hindi lumilingon sa kanya,patuloy lang ito sa paglalakad.
Tinawag pa siyang tarsier ng walanghiya!
Kaagad na dumako ang mga daliri ng dalaga sa kanyang mga mata at hinaplos iyon.Baka nga lumuwa na ang mga mata niya sa labis na konsumisyon.
Nyayy!
Naiinis pa rin na ibinaba ni Xybel ang mga kamay.Bilib din naman siya sa talas ng pandama nito, napakatalas.
Nang hindi pa rin ito tumigil sa kakalakad ay tuluyang napatid ang lahat ng baong pasensya ng dalaga.Pagod na siya sa kakasunod dito,sa tila asong pagbuntot-buntot niya dito.
Inunahan niya ang binata at humarang siya sa daan.
“Oo na!Oo na,payag na ako!Peste!” gigil na sabi niya sa pagitan ng nagngangalit na mga ngipin, ngani-nganing pagtatadyakan ito sa obyus na pagmamanipula sa sitwasyon.
Kahit na pinagpapantasyahan niya ito gabi-gabi,hindi niya pinangarap na maging boyfriend ito kung mistula naman siyang tinututukan ng shotgun!
Noon lang tumigil sa kanyang mabilis na paghakbang si Rayver.Matagal at tila slow motion sa pelikula ang pagrehistro ng tila hindi pagkapaniwala sa mga mata nito.Napatitig sa kanya ang mga iyon ng matagal.
Maging siya man ay natigilan din, saglit na natigil sa paghinga lalo na nang salubungin niya ng tingin ang mga matang iyon.
“O-oo na na girlfriend na kita o, o-oo na na s-sumusuko ka na?” he faintly asked after a couple of unnerving minute, his voice laced with uncertainties.
Xybel could not believe herself.Papaanong ang alinlangan sa boses ng binata ay nagagawang haplusin ang kanyang kaluluwa?
Preposterous yes, but it did.
The reservation in his voice was mirrored in his eyes…and it drew him closer to her heart.
‘Talaga lang ha? Ang bilis mo namang bumigay’ tuya niya sa sarili nang maisip ang sirkumstansyang pareho nilang kinapapalooban.
Napakurap ang dalaga,napailing.
“Y-yeah…I mean, your g-girlfriend” she managed to answer though. Kahit mapait sa pakiramdam, alam niyang totoong sagot niya iyon mula sa kaibuturan ng kanyang puso.
Matagal na niyang tinanggap sa sarili na sa kakasunod at kakakulit niya sa binata ay nagkaroon siya ng ‘maitim’ na intensyon dito.Hindi niya namamalayan, unti-unti itong nakagawa ng sariling landas papasok sa kanyang puso.
And by the way she see it,Rayver seemed to have known that and now he is using it against her.
Aray ko naman! himutok niya sa sarili.
Xybel took every ounce of courage she had and look directly into Rayver’s face despite her fear to see mockery there.
Wala siyang nakita.Ang naroon ay tila hindi pa rin pagkapaniwala.
For a man so confident about himself, that’s something she didn’t expect to see in him.
The shifting of different emotions in his eyes as he stared at her rendered Xybel speechless. Was it disbelief? Confusion? or fear? Alin man sa tatlong iyon,hindi alam ni Xybel. Ang tanging alam niya,kung hindi siya sasagap ng hangin sa mga sandaling iyon ay puputok na ang dibdib niya sa kawalan niyon.
“Xybel…I_Let me tell you,I didn’t ask you for this out of nothing…” he said almost in a whisper.
“Y-you’ve_I wanted to…” shit! bakit iyon ang isinagot niya?
Hindi ba dapat ang isinagot niya ay dahil hindi siya binigyan ng ibang pagpipilian nito?
Grrrr!
“If I’d take your word for it…Isumpa mong wala ng bawian,Xybel. Kung hindi ka naman seryoso, puwede mo nang bawiin ang lahat at kalimutan nating nangyari ang pag-uusap na ito” for a moment, Rayver was back to his oldself.
Nagawa nitong ibalik ang nahubad nitong maskara.
“And let you think I am a coward?No way,Rayver” wow,Xybel wondered how’d she able to say that without stuttering.
‘Hindi ka rin naman masyadong halata na atat maging girlfriend ng lalaking iyan, Xybel’ sutil ng lunatic na boses sa kanyang kaibuturan.
Napaubo ang dalaga.
“May tanong lang ako”
“What?”
“Ano’ng nagtulak sa iyo upang gawing pain iyan, Rayver? You knew I won’t give in, right?” she took all her courage to asked him that.Might as well they’d better be making all things right. At para gawin iyon, kailangan nilang maging totoo sa kani-kanilang mga sarili.
After all, they’d soon be more attach to each other.Ipokrita naman siyang masyado kung hindi niya aamining gusto niya itong maging boyfriend.
Since the day Jigger told her about the real Rayver, she had come to admire him more.That admiration grew bigger even if they were like the North and South Pole that seem to clash in every chance they get.
She saw him took a deep breath.
“I thought I was sort of… protecting you” his voice softened, so does his facial expression. “Making you give up so you’d be away from danger.But if I’d be honest to myself,at the back of my mind there was this strong hope that you’d also t-take the challenge,so I would also have the right to protect you.It’s so confusing” he confessed, picture of downfall evident on his face.
Confusion…defeat and fondness so similar to deep affection, Xybel saw them all in his eyes.And she was somehow touched by an invisible palm right through the softest corner of her heart… seeing him this unsure for the first time.
“Rayver…”
“I don’t want to believe it but…I think you stole something very valuable from me since the day you showed out from nowhere” he continued as he looked deeply into her,searching for repulsive reaction on her face.And when he saw nothing,he flashed a warm smile.
Xybel didn’t know what to say.She was engulfed with warm emotion by that confession she thought she would burst out into tears.
“Since then, I became so aware of your presence.To your every moves, even to your every breath.And whenever you’re near me…the desire to pull you closer was so intense.I can’t even explain why I have to feel empty just by avoiding you .I don’t know what kind of feelings these were, Xybel…” that very moment,the Rayver she used to knew became soulfully naked to her. And Xybel fell for him even more.
Naluluhang ipinaling ng dalaga sa ibang direksyon ang mga mata.Hindi niya alam kung bakit naluluha siya.Marahil iyon ay dahil hindi niya inaasahang may katugon ang nararamdaman niya dito.Na hindi siya nito tinututukan ng ‘shotgun’ para lang maging girlfriend.
“Rayver_”
“Shhh.Just tell me honestly Xybel, did you just accepted the challenge because of Defend Cordillera?” tila may pumigang kamay sa dibdib ng dalaga sa nakitang pagdaan ng insecurity sa mga matang iyon.
“You’re the most annoying, imposing and arrogant man I had ever met, Rayver.But never had anyone made my heart beats this wild…For now, let’s just go on with that and do what was asked from both of us.From there, let’s see where destiny takes us…” she smiled.Kinuha niya ang kamay ng binata at idinantay iyon sa pisngi niya.
Ang ginawa niyang iyon ay hindi hayagang pag-amin sa damdamin niya dito.
Nakakaunawang ngumiti din ang binata.
“Aren’t we both cheesy?” biro nito na ikinatawa nilang pareho.
Ah,what else could Xybel ask for. Naging totoo lang siya sa nararamdaman niya. And the challenge came just in time for her to grab.
Sabi nga, opportunity had just one hair,pluck it when it comes.
YOU ARE READING
Red Hawks Brotherhood Confession:Rebel's Confession by Jhade Patricio
Mystery / ThrillerAfter four years of self-confinement in her Godfather's fortress in Russia, Xybel Scianxz Marasigan decided to go back to the Philippines to seek justice and vengeance. Determine to take all the risk in fulfilling her quest, she started the mouse pl...