Be Still My Heart

50 0 0
                                    

CHAPTER FIVE
    “Or shall I say, who sent you to spy on me?” Rayver asked the woman again after a long pause of unnerving silence.The growing tension on the air was too obvious he knew they both feel it. He could even see how the question made her body stiffened as he saw her right foot faltered on mid-air.
     Sinamantala niya iyon.Inilang hakbang niya ang pagitan nila. Marahas na ihinarap niya ang dalaga sa kanya habang saklot ito sa magkabilang balikat.
    “Who sent you?” he growled.
    “G-get off me” she hissed as she wiggled from his grasps.
     Another time,he would admire the stubbornness he’s seeing in her eyes as they met his.
     She did not even bothered to conceal the shade of challenge in them and that took him by surprise.
     Such attitude for a beautiful woman like her.
    “Until you decide to speak” he managed to say though, trying not to entertain her growing effect on him.
      Holding her this close,he could ignore the danger signs everywhere.
      ‘You could do better than that, Rayver’ said the little voice in his head.
       Yeah right.
     “Like I said,I don’t have the slightiest idea on what you're talking about.So please let go.If you haven’t notice,you’re hurting me” she said,her eyes flew to his hands holding tightly her shoulders.
       Dagling napabitaw si Rayver dito habang lihim na minumura ang sarili. Wala siyang balak na saktan ang babae.
        Well,not physically at least.
        Napahalukipkip na tiningnan ng binata ang kaharap ng ilang sandali bago ibinuka ang bibig.
        “Nakapagtataka,maraming universities sa Baguio pero dito mo napiling kumuha ng masteral.At mas nakapagtataka na kilala mo ako.Katunayan,kilalang-kilala mo kung sino ako.I even have this strong hunch that you intentionally enrolled here just so you could spy on me” he said without drawing back his intense gaze on her.
       “Hah!You could actually pass for a writer,Mr. Martinez.Why,you have a very imaginative mind…” she smiled sardonically.
       Rayver smiled.There’s something within the conversation that excites his blood. He couldn’t believe he would actually enjoy such conversation with an obvious mole.
        At kung intel nga ito, he’d find that out soon.
     “ If you wish to give me a lousy alibi,suit yourself lady.But I tell you this,I have ways of finding out who you really are and why you’re here” he said after a couple of dead minutes.
     Nakita ng binata ang pagtaas ng isang kilay ng babae at ang tila hindi  man lang nito pagkatinag sa babala niya.Muli na namang nais humanga ni Rayver dito at ikinaiinis niya iyon sa sarili.Halos nakakasiguro na siyang espiya ito ngunit sa halip na magalit sa dalaga ay humahanga pa siya!
      “Iyon naman pala. Wala ako ni konti mang pagdududa na kayang-kaya mo ngang gawin iyan,Mr.Martinez” pinantayan ng dalaga ang init sa mga mata niya. Nanunuot sa kanyang mga buto ang talim ng mga pahiwatig nito.
      “I could make a good guess about your superior’s incompetence to train good agents through you,Miss Marasigan.O baka naman ikaw lang ang hindi magaling at hindi marunong umiwas sa kapahamakan?” taas ang isang sulok ng labi na nang-iinsultong buwelta ni Rayver dito.
       Kung hindi niya gagawin iyon,manganganib ang katinuan niya!
       Nang magsabog yata ng kagandahan ang Diyos sa mundo ay hindi lang gising ang babaeng ito,isinahod pa ang lahat ng mga batya.Papaanong hindi manganganib ang katinuan niya,hindi lang ito isang diwata ng kagandahan, may attitude din na nakakapagpagising sa dugo niya.
       Nang magsabog naman si Taning ng kabaliwan,ngumanga ka at nilunok mong lahat! hirit ng maliit na boses sa kanyang utak.
      “What do you mean?”
      Even the sultry voice could easily evoke sinful thoughts within him!
      Napapamura sa sariling kaagad na ipinilig ng binata ang ulo,nagbabakasakaling matanggal ang mga agiw na nagsisimula nang kumapit sa kanyang sistema.
      “Hindi ko alam kung sinasadya mo o hindi mo talaga alam na ilang beses na kitang nahuhuli sa sarili mong mga bibig.Ito lang ang masasabi ko sa iyo magandang binibini,may mga bagay na akala mo ay solido ang pagkakagawa ngunit hindi pala.At may mga malambot din sa tingin na kapag hinawakan mo,solidong solido pala.Isang bagay iyan na dapat mong pag-isipan bago mo ituloy ang pag-eespiya sa akin” mahabang sagot ni Rayver habang binabantayan ito ng tingin.
      Nakita niyang sandaling natigilan ang dalaga.
      “May mga bagay din na akala mo totoong-totoo,ngunit sa loob pala ay punong-puno ng pagbabalat-kayo” taas-noo at nagniningas ang mga matang buwelta nito sa kanya pagkaraan ng ilang sandali.
       Lihim na napangiti ang binata.
       ‘I can’t believe they sent me an amateur spy’ bulong niya sa sarili.
      “Miss Marasigan,I suggest you go home now and review your perspectives” Rayver dismissed her, still half-amused.
      “I said I am not a spy!” she glared as she passed through him.
      “Okay” he nodded indulgently. ”Let me just call you,the accidentally discovered spy” god forbid but he so love teasing her. Gustong-gusto niyang tingnan ang apoy sa mga mata nito tuwing galit na napapatingin sa kanya.
      ‘Somebody here has to get a hammer and blow it on your head!’ anang matinong bahagi ng kanyang isip.
      Napailing na pinanood ni Rayver ang dalaga habang palayo ito sa kanya.
      ‘Sino ka bang talaga,amasonang diwata?’  piping tanong niya sa sarili nang mawala na ito sa kanyang paningin. Ipinasya niyang lumabas na ng silid. Habang palabas ay may nasulyapang bagay ang kanyang mga mata na nakakalat sa sahig.Napapakunot-noong pinulot niya iyon.
       “Kapag sinusuwerte nga naman” bulong niya sa hangin habang pinagmamasdan ang pangalang nakatatak sa hawak na panyo.
        ‘Xybel Scxianz Marasigan.Hmmm,your name sounds so Russian…’ bulong niya habang dinudukot ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng kanyang pantalon.
       “Dude,I’d like you to run an investigation about this woman” Rayver told his friend on the other line as he gave the name and everything he knew and think about Xybel Marasigan.
       “Yes,and please I need an immediate feedback” he hanged-up.
        Napapabuntong-hiningang isinilid ng binata ang panyo sa kanyang bag.
       Xybel Marasigan was too naïve.Unang araw pa lang ng pagtatapat ng mga landas nila ay buking na niya ito.Gustong mainis ng binata sa nagsugo sa babae upang espiyahan siya.
          Sa nakikita niya,malaki ang posibilidad na mapahamak ang dalaga dahil sa kakulangan nito ng konkretong kaalaman sa larangang ng paniniktik.
           Paano kung hindi siya ang subject nito? Paano kung iba?
            ‘Oyyy,nag-alala siya’ tudyo sa kanya ng isang bahagi ng kanyang pagkatao.
      Ikinatigil iyon ng binata.
      Kung magiging matapat siya sa sarili ay alam niyang naaakit talaga siya sa dalaga. Sa katunayan,ito pa lamang ang babaing nakapagpatigil ng ilang segundo sa kanyang paghinga.At ito pa lamang ang babaing nakapagpagulo sa kanyang sistema.
       ‘Nanganganib ka na Rayver. Nakalimutan mong ang diwatang iyon ay padala ng kalaban na maaaring maging mitsa ng iyong buhay’ napapailing na bulong niya sa sarili habang palabas ng unibersidad.
      Kinagabihan sa tinutuluyang boarding house, pagkatapos gumawa ng initial report ay tinawagan ni Xybel si Jigs sa private number nito.
     “He seemed to have had me out in the open, Jigs. Nakakasiguro ba talaga kayo sa hinala ninyo sa kanya?” tanong ng dalaga habang nirereplay sa isip ang magaling at mala-iskolar na pagpapaliwanag at pagbibigay rason ni Rayver sa mga opinyon nito.Maging ang naging palitan nila ng mga salita ng binata.
      “I was about to call you, Xybel. I am sorry I have putted you through all these.But you see, there had been a mistake.If you’ve already heard about the Red Hawks Brotherhood_”
       Mistake?!
       “What mistake?” she stopped him in mid-sentence.
        “I… happened to bumped with the founder of RHB and had a private talk with him barely an hour ago.And…” nagkaroon ng pansumandaling patlang.
       “And?”
       “I think, Rayver Martinez isn’t what we thought he was_”
       “You think?!” agaw niya kaagad sa sinasabi nito.She could imagine herself breathing fire in extreme annoyance.
        “Must you shout?” Jigger asked her in a controlled voice.
        “Jigger Saavedra!” hindi nagpapigil na inis niya itong tinawag sa buong pangalan.
       “Okay,okay! Xybel, he’s not the bad guy,I’m sorry.He’s in a dangerous mission.That’s all I could tell you for now.Abort your mission but…be in tandem with him.Iyan ang napag-usapan namin ni Silver Saboquel kanina sa_”
       “Napag-usapan?! Wait_!Jigs,don’t you think you’re going overboard?You’re making it a habit to make decisions in my behalf without even talking the details with me!” muling sikmat niya sa sinasabi ng lalaki.
       Kung nagkataong kaharap niya ito ay baka natuktukan na niya ang bumbunan ng binata sa pagkaasar kahit pa indirectly ay senior niya ito.
        Imagine,isinugo siya para mag-espiya sa kung sinong tao nang hindi man lang nakipag-coordinate sa ibang sister organizations ng Defend Cordillera? Kaagad na pinasugod siya nang hindi man lang nag-imbestiga muna?Tapos ngayong pumalpak ito ay magdedesisyon nang hindi muna isinasangguni sa kanya?
       Sino ang hindi maiinis?
       Of course, aware siya sa existence ng Red Hawks Brotherhood kahit pa sabihing piling-pili lang ang mga taong nakakaalam niyon. Nabanggit na iyon minsan ng kanyang ama na beterano na at masasabing tumanda na sa pagiging konselor ng iba’t-ibang progresibong organisasyon,sa Kordilyera man o sa buong Pilipinas.
        According to her father,Red Hawks Brotherhood was not just an organization.Binubuo iyon ng mga matatalino at mga elitistang aktibista na nagmula pa sa mga prestihiyosong mga unibersidad sa buong kapuluan.Katumbas ng organisasyong iyon ang mga ‘exposurists’ sa kanayunan. Ang kaibahan lamang ay nakabase ang RHB sa kapatagan.Sila ang masasabi talaga na sanay na sa infiltration.They work underground.
       “Xybel, kung hindi ko nakausap si Silver, palagay mo ba ay malalaman kong hindi totoong taksil sa bayan si Rayver Martinez? Maging ang Konseho ng mga Kabataan ng Bayan BU chapter ay ganoon ang assessment sa kanya dahil sila man ay walang kaalam-alam na isang RH si Rayver” naroon ang pagpapaunawa sa boses ni Jigger nang muling magsalita.
       Naintindihan iyon ng dalaga.
       Kung sabagay ay kilala niya si Jigger.Hinding-hindi siya ipapahamak nito.Isa siya sa makakapagpatunay kung gaano kalalim ang dedikasyon ng binata sa Defend Cordillera.At hindi rin naman perpekto ang binata para lahat ng bagay ay alam at kayang kontrolin nito.
       “Jigger,baka nakakalimutan mo…hindi ako kasing galing ng mga apprentice mo.Paano kung sa halip na makatulong ay makasira pa ako sa misyon ni Rayver?” isinatinig ni Xybel ang mga pangamba.
       “Silver will inform Rayver about you…From there, siya na ang bahala.All you have to do is listen to him,Xybel.I want you to report to me from time to time” mukhang nakahinga ng maluwag ang lalaki sa kabilang linya.Parang nakikinita na niya ang nakangiting mukha nito.
        “Eh ano nga ang magiging trabaho ko?” aangal pa sana ang dalaga ngunit minabuting sarilinin na lang.
        “Ituring mong nasa isang fact-finding mission ka.Habang nasa infiltration si Rayver, magsiyasat ka tungkol sa mga babaeng naging biktima ng mga sundalo ng paglabag sa karapatang pantao.Remember, kaugnay iyan ng trabaho mo.Should Rayver survive,we’ll use them as supporting evidences” saglit na tumigil ito sa pagsasalita.
        “Ano ba eksakto ang misyon ni Rayver?” curious na tanong ni Xybel dito pagkaraan.
        “I told you,I am not in the position to tell you that” he answered. “Lahat ng nangyayari diyan,iulat mo sa akin…” may mga ipinaliwanag pa ang binata at lahat ng iyon ay matiyaga niyang pinakinggan.
        “Eh,wala ka bang ipapadala na pwede kong makasama dito?” tanong niya.Aminado naman kasi siya na hindi pa siya puwedeng pumantay sa galing ng ibang mga aktibistang nakasalamuha na niya.Paano kung pumalpak siya?
        “ Kaya mo ba,o hindi?”
         Ilang saglit ding natigilan si Xybel sa mapaghamong tanong na iyon bago sumagot.
         “Hmp!Sige,kaya ko.Para iyon lang?Chicken” pagyayabang niya upang disimulahin ang pagbangon ng pagdududa sa kanyang sariling kakayahan.
          Sa lahat ba naman ng makakasama niya ay bakit si Rayver pa? Big C pa naman niya ang binata.
           ‘Big Crush?Wow Xybel,nagdadalaga ka na ‘neng’ kantyaw  na naman ng maliit na boses na iyon sa kanyang kaloob-looban.
        ‘Eh ano kung big C ko siya,may masama?’ pakikiargumento ng dalaga sa sarili.
        “Xybel!”
       “Ay bakulaw!” muntik nang mabitawan ng dalaga ang aparato.“Eh,bakit ka ba nanggugulat?!” singhal niya nang mahimasmasan. Sa lakas ng boses nito pakiramdam niya,pati kaliit-liitang tutuli niya sa tainga ay tumalsik lahat.
       “Paano,salita ako ng salita nasa Mars na pala ang kausap ko” ganting sagot nito.Katakot-takot pa munang mga habilin ang nilitanya nito na akala mo sa Timbuktu siya itinapon bago ito nagpaalam.
       “Magpasalamat ka at unit earner lang ako,Jigs.Pero sige,sa ngalan ng mga tunay na anak ng bayan ay payag na ako sa pang-aalipusta mo sa aking kagandahan.Pero may bayad ito, bruho ka” biro na lang niya dito na ikinatawa ng binata.
     Nakangiting pinatay ni Xybel ang aparato.
     Hindi niya alam, ngunit masaya siya na napatunayan niyang hindi naman pala isang taksil sa bayan si Rayver.
     Napabuntong hininga ang dalaga.
     She had to admit,Rayver Martinez fascinates her like no one did before.She likes him even for his intelligence.
      Even his suave arrogance,of course.
      She sighed again.Wala,sa dalas sumulpot ni Rayver sa isip niya,hindi na lang yata niya big crush ang binata.
       ‘Eh ano pala?’ parang timang na tanong ni Xybel sa sarili.Nang walang makuhang sagot doon ay ipinasya niyang humiga na.
       ‘Bahala na si Batman na sumagot’ bulong niya sa sarili bago pinatay ang ilaw.
     “WHAT?!” dumadagundon ang boses sa gigil na sigaw ni Rayver kay Silver.
    “Aray ko! Will you please tone down your voice?” said the man on the other line.
    “How could I? You better have a good explanation to this, Silver” inis pa ring sagot ni Rayver na hindi pinansin ang pakiusap nito.
     Kahit na ito ang founder ng RHB at ahead sa kanya ng limang taon ay hindi siya nangingilag dito.Hindi lang dahil kinakapatid niya ang binata,kundi dahil alam niyang naiintindihan siya nito kahit na kadalasan ay sinusuway niya ang ilan sa mga regulated laws ng RHB.
    “Come on,Rayver, pagpasensiyahan mo na si Jigger Saavedra.Kahit naman sino ay mag-iisip na ganoon ka…” natatawang sabi nito sa kabilang linya.
     “Jigger Saavedra? His name sounds familiar” he said matter of fact.Narinig na niya ang pangalang iyon,hindi lang niya matandaan kung saan.
     “Isa siya sa mga pioneers ng Defend Cordillera” pagbibigay impormasyon ng kausap.
      Napatango-tango si Rayver.
      Hmm,so that explains it.Taga Defend Cordillera pala ang lagalag na diwata.
      “The answer is no, Silver” maya-maya ay basag ng binata sa pumagitang katahimikan.
      “Rayver,you might as well give into consideration the idea of keeping Xybel safe from the enemy’s paws”  nagpapaunawang sabi kaagad ni Silver sa binata.
      “Iyon na nga eh.In the first place,hindi siya dapat ipinadala dito ng Jigger na iyon.Hindi kami puwedeng magsama sa misyong ito dahil masyadong delikado. Mas mapapahamak siya, Silver. They would instantly know who she was and her connection to Defend Cordillera the moment they see us together.Sa palagay mo ba ay hindi sila magkakahinala kaagad? Tama nang sa KKB lang ako konektado sa pagkakaalam nila…” asar na paliwanag ni Rayver sa kausap.
       What’s wrong with these people?
       Sa nakita niyang performance ni Xybel,kahit pa sabihing malakas ang loob nito ay hindi makakasapat iyon.She was not a trained member of RHB. She may had trainings pero hindi iyon kasing tindi ng pinagdaanan niya. Sa kanya pa nga lamang ay bagsak na ito.Paano pa kaya sa iba na sanay sa sikolohikal na pagkilatis sa isang tao?
      “It’s a no, Silver” there was finality in Rayver’s voice when he spoke again.
      “Okay,pag-isipan mong mabuti ‘tol” sabi na lang nito bago nagpaalam.
       Naiinis na napahawak sa kanyang batok ang binata,magaang hinilot iyon.
       ‘Xybel Marasigan,what have you got yourself into?’  tanong niya sa kawalan na para bang naroon lang ang dalaga at masasagot nito iyon.     
       Gustuhin man niyang makasama ang dalaga ay hindi iyon kaya ng kanyang konsensya.Ang mapahamak ang kanyang diwata ang pinakahuling gugustuhin niya.
     ‘Ang iyong diwata?Wow,since when Rayver?’ tuya sa kanya ng sariling isip.
     He was stunned.
     “I’m so doomed” he growled in defeat after a few seconds.







Red Hawks Brotherhood Confession:Rebel's Confession  by Jhade PatricioWhere stories live. Discover now