KABANATA 5

2 3 0
                                    


KABANATA 5: 88

Nag-usap kami ni dad tungkol sa mga nangyari... I mean sa mga naalala ko that night. Pero hindi ko alam kung matatakot ako sa mga kasiguraduhang nasabi ni dad saakin.

"We will talk later anak, sa ngayon kumain ka muna." Dad said in a serious tone.

Ilang sandali akong natahamik bago napatango. Dad looks so confused too, tila nag-aalala sa kung ano man ang naalala ko.

"Hindi ba dapat tito ay hindi na niyo dapat pag-usapan ni Paxton, kung ano man ang mga bagay na nag papagulo sa isipan niya ngayon?" Silvius suggested.

Bakas sa mukha niya ang takot... takot? Hindi ko alam, baka nag-aalala lang siya para saakin.

I shrugged.

"I think we really needed talk hijo, I need to check on my daughter too." Napatango-tango pa si dad sa sinabi niya.

"May kilala po akong magaling na doktor tito, I can call him right now if you want." Silvius said.

"Hija may masakit ba sayo? Gusto mo ba sa hospital ka na lang namin dalhin?" Tita Ana asked in worried tone.

Ang mga mapupulang labi ni tita Ana ay nakaka halina, walang dudang mag-ina sila ni Silvius. May nakuha din ba siyang katangian sa kanyang ama?

Naalala ko ang mga picture ni mommy. She has a beautiful jet black hair na may kulot-kulot sa babang parte ng kanyang buhok. She has a perfect brows, na hindi na kailangan guhitan para maging perpekto. Thin and long eyelashes that captivates anyone's eyes. Pinkish lips, mahugis na cheekbone, tamang tangos ng ilong, mala porselanang kutis.

I sighed.

Hindi ako ampon, why the hell would Sage say that against me? Naguguluhan pa din ako sa mga naalala ko. Parang may mali, pero hindi ko alam kung saan at paano o ano nga ba ang mali.

Pakiramdam ko naka kulong ako sa hawla, naka kulong ng walang kaalam-alam. Captivated by someone I don't know who? Captivated yet free to do everything I want. I felt like I'm a chattel, I'll do everything they asked me to do. Magulo, pero alam kong malalaman ko din ang lahat ng katotohanan.

"Hindi pwede mom. Mechaud is desperate to catch tito David and Paxton, pag pumunta tayo ng hospital ngayon magugulo ang lahat ng plano namin ni tito David."

Silvius sounded so desperate too. Kung ano man ang binabalak nila ni daddy ay tila siguradong sigurado na siya sa bawat kilos niya, calculated ang bawat galaw. Walang gustong iwang dumi, lilinisin ang ano mang maiiwang marka. That's how I see him everytime I'm looking at him.

Pero hindi nagtatagal.

Nag tama ang mga mata namin, seryoso niya akong tinitingnan habang hinihiwa ang karne sa kanyang plato. The way he chewed his food tells me how confident he was. Mas nadidepina ang panga niya, mas nakikita ko ang guhit sa kanyang pang ibabang labi.

"Wag kang mag-isip ng kung ano-ano Paxton, makakasama lang yan sayo." Mataman niya akong tiningnan.

Ako ang unang kumalas sa titigan namin, hindi ko kayang tumagal sa nag-aapoy niyang tingin. Para akong matutunaw, ang lakas ng pintig ng aking puso na sumasapak sa aking dibdib ay nakakabingi.

"Son is right hija, dito ka na lang muna sa bahay. Sa mga susunod na araw niyo na balakin ang mga plano niyo ng daddy mo hija." Tita Ana give me a reassuring smile. "Baka stress ka pa sa mga nangyaring gulo hija."

"You can change your clothes Paxton, marami akong mga extra T-shirt sa kwarto ko." Silvius butt in.

Then I realized, something.

SociopathWhere stories live. Discover now