KABANATA 3

7 4 15
                                    

KABANATA 3: BUDSHUK

"Sir, I suggest na magdagdag pa po kayo ng mga personal guards. Lalo pa at patuloy parin sa pag ha-haunt ang mga Michaud."

Boses ni Silvius ang agad kung narinig ng mag balik ang aking malay. Nanatili ang aking mga matang nakapikit, habang iniisip ang lahat ng mga nangyari saamin ni daddy sa mansion.

"Baka marinig tayo ni Paxton." Si daddy. "I can't take another risk this time Silvius. Pinalagpas ko ang lahat ng nangyari noon."  Panicking, hatred, nervous were evident on my father's voice.

"I can't let it.....happen again." Pumiyok ang kanyang boses.

Ni minsan hindi ko narinig si daddy'ng magsalita ng ganun, I didn't even heard him swearing. He's the man full of patience, pero ibang daddy ang naririnig ko ngayon. It was like he already reached his peak.

Walang sino man ang nagkaroon ng chance na makita ang totoong ugali ng isang Mr. David Yu.  Si daddy.

"Ubos na ang pagpapasensya Silvius. I couldn't take another heartbreaks, 7 years ago I mourned for my wife's lost. At ngayon hindi ko hahayaan at hindi ko kakayanin, na ako na magulang ang mag hahatid sa—magiging libingan ng aking—Lalaban ako." Nanginginig ang boses ng aking ama sa huling kataga ng kanyang pangungusap, hindi dahil sa takot kundi dahil sa poot.

7 years ago—namatay si mommy sa isang car accident. Magkasama daw kami noon, pero maswerteng nakaligtas ako. Sinusubukan kong alalahanin ang lahat pero hindi ko maalala ang parteng yun ng buhay ko.

Sabi ng mga doctor temprary lost of memory lang daw ang nangyari saakin. But what the hell? Ilang taon na yun pero hanggang ngayon wala parin akong maalala.

"For 7 years para akong asong nagpa-uto sa pamilyang yun. Hindi ko na matiis, kaya ginawa ko na ang nararapat. nag hintay ako ng tamang panahon, at hindi ko sasayangin ang lahat ng pagsasakripisyo ni Alona."

Narinig ko ang mga mumunting tunog ng mga yelo na nasa ice bucket at ang marahang huni nito habang nilalagay sa baso. They were drinking.

"Kaya mo bang alagaan si Paxton?" Dad asked.

Nanatili parin akong nakapikit. Hindi ko ugaling mag eavesdrop sa usapan ng may usapan. But the topic seems so interesting, na pakiramdam ko kailangan kong ma enlighten sa mga nangyayari.

"Sir Yu, hindi po porque mag best friend na kayo ni Papa ay libre na ang tungkuling kong 'to." Silvius chuckled, maybe to lessen my dad's fired emotions.

Tumawa din si daddy. Mas naramdaman ko bigla ang pag-aalala. Dad trust Silvius too much.

"When the right time comes hijo, pag maayos na ang lahat ako ang sasagot sa lahat ng gastusin." Dad chuckled.

"Hindi naman po ata tama yun tito, kaya po ako nag tatrabaho sa inyo ay para makapag ipon ng pera. Yun ang gagamitin kung pang gastos."

"Cheers." Si dad in his teasing voice.

Kumunot ang noo ko, ano ang pinag uusapan nila ni daddy? Sakanya na din galing na nagpa-uto siya sa mga Mechaud, paano niya nagagawang maki pag tawanan kay Silvius na muntikan na akong patayin kanina?

Napadilat ako ng maalala ang maangas na hitsura ni Silvius kanina. Where the fresh hell he came from ba? Kinapa ko ang aking mga braso, walang bandage o kahit na anong sugat man lang. Walang masakit. Lumiyad ako para maabot ang aking likuran, pero wala din akong makapa. Sunod kung hinawakan ang aking mukha, pero wala din. Holy god, thanks at hindi ko mapapatawad pag nagalusan ang aking magandang mukha.

"She's awake." Si Silvius, na agad kung naramdamang napatayo kung saan man siya naka upo.

Ramdam ko ang mahinahon niyang mga yapak, maging ang tunog ng kanyang bawat hakbang ay nagdudulot ng kakaibang takot? Hindi ko alam basta ang alam ko rinig ko ang bawat pintig ng aking puso.

SociopathWhere stories live. Discover now