Lou's POV
"Hello Everyone. My name is Lou Williams from grade-10 Bonifacio", pagpapakilala ko sa lahat sabay upo. Narinig ko naman ang mga hiyawan ng mga babae. Hirap maging Heartthrob. Pero parang may nakatingin sakin, kaya napatingin ako sa babaeng nakatingin saken ngunit umiwas agad sya. Baket kaya? pero ang ganda nya...Ano? Psh! Gutom lang to Lou, gutom lang.
Nang matapos na ang Election dumeretso muna kame ni Messi sa canteen dahil nakaramdam na talaga ako ng gutom.
"May dragon kaba dyan sa tyan mo pre? Makalamon ka kase parang walang bukas eh" sabi ni Messi, Ano bang pake nya? Eh gutom ako eh.
"Manahimik ka na nga lang dyan. Pake moba? Gutom ako eh." Tumango-tango nalang sya at kinuha kona ang binili kong Hotdog Sandwich at umuwi narin kami.
Habang nasa byahe kame pauwi ay naalala ko ulit yung babaeng nakatingin saken kanina. May problema ba sya sakin? Aish! Whatever.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay ay nakita ko siya.. Baket ba sya nandito? Nakakairita lang. "Anong ginagawa mo dito sa pamamahay ko?"
Pagsusungit ko sa kanya."Lou please just give me another chance..." Baliw ba sya? Sa lahat ng nangyare, yan lang ang sasabihin nya? "Chance for what? Tapos na tayo Alexa. Tanggapin mo na lang ang katotohanang hindi ako bagay sa malanding katulad mo" seryosong sabi ko at umakyat na ako papunta sa kwarto ko dahil ayaw ko ng makita ang pagmumukha niya. Nakakainis.
Ginulo ko ang buhok ko dahil sa mga nangyare ngayon. Nakakasira talaga sya ng araw. Napabuntong hininga nalang ako ng maalala ko yung pangyayare nayun...
"Alexa??" Nandito ako ngayon sa library para hanapin si Alexa. Uwian na namen ngunit diko sya nakita kung nasaan sya. Nilibot kona buong school maliban lang sa library nato kaya this is my last chance.."Alexa??" Tawag ko muli sa kanya. Napalingon ako sa Book shelve na may nahulog na mga libro kaya agad naman akong pumunta doon at nagulat ako sa nakita ko...
"What the!?" Napasigaw ako sa gulat at dahil narin sa galit. Kame lang ang tao dito kaya walang nakakakita sa amin. Hindi parin ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon... I see Alexa kissing someone..
"Lou?" Gulat na gulat na sabi ni Alexa. Napatingin naman saken ang lalaking kahalikan nya na gulat na gulat din.
Bwisit to ah?!Tumingin ako sa kanilang dalawa gamit ang nangagalaiti kong mata. "Break na tayo." Bigla nalang lumabas sa bibig ko ang mga katagang yun. Tumakbo na ako palabas ng library at nakita ko na sinundan ako ni Alexa.
Pumunta muna ako sa CR para habulin ang aking hininga, napatingin ako sa salamin at napayukom ang kamao ko. Sa sobrang galit napasuntok ako sa pader ... Lumabas na ako ng CR habang patuloy parin ang pagtulo nang dugo sa kamay ko.
Hinding hindi ko makakalimutan ang araw nayun. Ang araw na tinapos ko ang lahat samin ni Alexa. Tama nga ang sinabe ni Messi na malandi siya. Pero bakit? Seryoso naman ako sa kanya at minahal ko sya ng sobra sobra...kulang paba yun?
Napapikit nalang ako at pinahinga ang isip ko.
Alexa's POV
"Lou, please just give me another chance..."pagmamakaawa ko sa kanya.. Hayss nakakahaggard ng beauty to ah. Im the queen bee dapat di ako ang nagamamakaawa sa kanilang lahat pero kaylangan. Kaylangan ko ulit syang mapasaakin para malaman ng lahat na ang isang queen bee na katulad ko lang ang pwedeng umangkin sa kanya.
"Chance for what? Tapos na tayo Alexa. Tanggapin mona lang ang katotohanang hindi ako bagay sa malanding katulad mo." Choosy naman neto pero dati ang sweet sweet nya saken. Pakipot pa. Umakyat na sya papunta sa kwarto nya at napangiti nalang ako at mahinang napatawa. This is just an acting Honey.
Tinext ko si Ella para sa mission namen..
To: Ella
Kita tayo sa Coffee shop malapit sa school. May naisip akong plano..
BINABASA MO ANG
Love at First Sight
Novela JuvenilTheres a girl named Angela.She fell in love in a boy in their school. The boy didnt know the girl. The girl is always stalking the boy, but the boy didnt notice that. The days passed and the girl is too shy to express her feelings.