Alexa's POV
"Miss?" Tss. Sabi ko na nga ba na may gusto ang babaeng yan kay Lou.. Mang aagaw talaga sya. Nang makaalis na sina Angela ay agad akong nagtago sa gilid dahil papunta si Lou sa kinatatayuan ko kanina. Nang malapit na sya sa pinagtataguan ko ay kinausap ko agad sya.
"Lou.." Ginamit ko ang kaawa-awa kong mukha. "Alexa, please stop." Seryosong sabi nya sakin. Aalis na sana sya nang hawakan ko ang kamay nya at iniharap sa akin. "Lou aksidente lang ang lahat ng yun. Hindi ko ginusto yun. Lou..please give me a chance." Tiningnan nya ako gamit ang seryoso nyang mukha. Nakakasuka man maging kaawa-awa pero kaylangan para sa plano ko. "Please.." Lumuha ako sa harap nya at nagmamakaawa. Yeah I'm the best actress of the year. Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko at tumingin muli sa kanya.
"Give me time." Seryoso nyang sabi at umalis na sya. Hindi kona sya pinigilan dahil di ko na mapigilang matawa. Paniwalang-paniwala naman sya sa mga luhang pumatak sa mga mata ko. Im proud to my self.
Lou's POV
Hindi ko parin alam kung bibigyan koba talaga ng chance si Alexa. Mukhang seryoso naman sya sa mga sinabe nya. Lumuha sya sa harap ko..imposible yun sa mga ibang katulad nya dahil sila yung mga taong palaban at ayaw nilang maging kaawa-awa sa paningin ng iba.
Napabuntong hininga nalang ako sa mga gumugulo sa isip ko ngayon. Balak kong pumunta sa Library ngayon para makapagbasa nang love story book na daladala ko ngayon. Nang paakyat na ako sa hagdan nakaramdam ako na parang may nagmamasid sa akin, tumingin ako sa paligid ako lang naman nandito kase nasa canteen yung mga ibang estudyante. Tuloy-tuloy na akong lumakad papuntang Library at tahimik na nagbasa. Nakakaginhawa sa pakiramdam kapag nasa matahimik na lugar ka lang at ikaw lang mag-is--- Napalingon ako sa labas ng library na parang may nahulog na kung ano. Patayo na sana ako para tignan kung ano yun nang..
"Meow meow" Tss. Pusa lang pala. Bumalik na ako sa table kung saan ako nagbabasa. Pinagpatuloy ko lang ang aking pagbabasa ng taimtim.
Angela's POV
Pagtapos ng pagkabangga ko kanina kay Lou ay sinabe ko muna kanila Reinalene na mauna na muna sila dahil may pupuntahan lang ako. Sa totoo lang i-iistalk ko lang talaga si Lou hihi. First time ko palang maging ganito sa isang lalake. Nang makita ko syang pataas sa second floor ay agad ko naman syang sinundan.
Napalingon ako sa gilid ng pader at nakita ko Alexa na nakasandal dito. Nakatingin sya sakin ng masama. "Slut" Inirapan ko na lamang sya at tuluyang sinundan si Lou. Dahan dahan akong naglakad para masundan sya ngunit parang naramdaman nya ata ang pagsusunod ko sa kanya kaya tumingin sya sa paligid agad naman akong nagtago sa CR na malapit sa hagdanang pinagaakyatan nya. Nang tuluyan na syang umalis ay sinundan ko ulit sya. Pupunta ata syang library dahil may dala syang libro. Mahilig pala syang magbasa ng love stories. Pagkapasok nya sa library ay sumilip ako sa bintana at hinawi ko ng kaunti ang kurtina. Ang gwapo nya lalo na pagseryoso...bumibilos nanaman tuloy ang tibok ng puso ko. Sa sobrang tagal na pagsulyap ko sa kanya ay na-out of balance yung tuhod ko sa sobrang ngalay. Bumagsak ako sa sahig at alam kong narinig nya yun. Pano nato? Alam kona."Meow meow" I know its stupid but I have to do it. Agad akong tumayo at sumalyap muli sa kanya. Nagbabasa ulit sya ng seryoso. Nagpasya na akong umalis doon baka mahuli nya pa ako. Pababa na sana ako nang hagdan ng makita ko sina Alexa at kanyang mga alipores.
"Loser na nga slut pa." Napayukom ko ang kamao ko sa sobrang galit. Hindi nya ba talaga ako titigilan? "Wala akong alam sa pinagsasabe mo." Inis na sabe ko sa kanya. "Talaga lang ha? Well, ipapaalam ko sayo. Una, Sa akin lang si Lou. Pangalawa, Layuan mo sya dahil kung hindi..mas matindi pa ang gagawin ko sayo." Napangisi nalang ako sa mga pinagsasabe nya. Ano sya batas? Akala nya ba natatakot ako sa kanya? "Pano kung ayoko?" Partataray ko sa kanya habang nakataas ang isa kong kilay.
"Hindi ka batas para sabihin kung ano yung gagawin ko. At higit sa lahat Dont like that your'e the Queen Bee in the world of people. Go back to your Bee World you jerk." Hindi ko alam kung san ko nakuha yung mga nasabi kong 'yun sa kanya. Kitang kita sa mga mata nila ang pagkagulat. Paalis na sana ako nang hawakan ni Tiffany yung braso ko na napakahigpit, napasigaw ako sa sobrang sakit. Maya maya ay may narinig akong yapak na papunta samin. "Let.Go.of.her." Nanggigigil nitong sabe. Sya naba to? My night shining armour?
Bumitaw si Tiffany sa pagkakahawak nya sa braso ko at inis na inis na tinignan ang nagsasalita. Humarap ako kung saan may nagsalita... Siya
"Kapag hindi nyo pa sya tinigilan, Ako na ang makakalaban nyo." Seryoso nyang sabi at Inis na inis na umalis sina Alexa. Wow kaya nyang pasunudin ang mga yun na ganun ganun lang? Lumapit sya sakin at alalang-alala na tumingin sa akin."Are you okay? Did yhey hurt you?" He's so caring. "Ok lang ako. Thank you, Lance.."
BINABASA MO ANG
Love at First Sight
Teen FictionTheres a girl named Angela.She fell in love in a boy in their school. The boy didnt know the girl. The girl is always stalking the boy, but the boy didnt notice that. The days passed and the girl is too shy to express her feelings.