Chapter 5- Collide

7 1 0
                                    

Angela's POV

Nandito ako sa kwarto ko habang nakasilip sa bintana at tinitignan ang mga bituin. Iniisip ko parin kung sino yung nagtext saken kanina. Wala naman akong pinag-bibigyan ng number ko, except sa mga friends ko. Baka may pinagbigyan sila? Text ko nga si Jopay.

To: Jopaypie<3
Bhe may pinagbigyan kaba ng number ko?

Hays. Hindi kaya si Alexa yun? Tss. Hindi rin may smiley face kase eh. Kinuha ko agad yung cp ko ng may nagtext.

From: Jopaypie<3
Wala bhe bakit?

To: Jopaypie<3
Wala lang.

I lied. Ayoko namang idamay sila sa pagiging curious ko. Hayss itulog ko nalang to.

~~~

Nagising ako nang mag-alarm ang cellphone ko. Antok na antok pa ako, nakakatamad bumangon, Ugh! Nakapikit akong bumangon at pinatay ang alarm clock ko. Nakapikit parin akong pumunta sa CR dahil sa sobrang anto--"Aray!" Napaupo ako sa sakit ng ulo ko dahil sa paguntog ko sa pader. Nagising na ang diwa ko dahil dito, napatawa nalang ako sa sarili ko. Para akong baliw.

Pagkatapos kong maligo ay bumaba agad ako para pumunta sa kusina. "Good Morning Yaya Janice" bati ko sa kanya at nginitian nya lang ako. "Kain kana, Aj. Pinaghandaan na kita ng Bacon. "Wow! Thank you Yaya Janice!" Tuwang-tuwa kong sabi. Favorite ko ang bacon at ngayon nalang ulit ako nakakain nito dahil ayaw nila Mommy at Daddy na lagi akong nakain ng bacon.

"Alis napo ako" pagpapaalam ko kay Yaya Janice pagtapos kong kumain. Tulog pa sila mommy dahil tanghali lagi sila nagigising. Dinaanan ko muna si Jezrylle dahil malapit lang naman ang bahay nila samen. Ilang lakad lang naman papuntang school.

"Bhe si Lou ba yun?" Sabay turo kung saan. "Saan?!" Hinanap ko naman agad kung nasan sya pero wala naman. "Joke" Nako. Yan nanaman sya laging nanloloko. "Ikaw talaga Jez" natawa na lang kami sa kabaliwan namin. Tulad ng lagi naming ginagawa, binati naman si manong guard bago pumasok. Dederetso na sana ako kay Reinalene nang biglang humarang sa nilalakaran namin sina Alexa,the Barbie Girl.

"Oh. Hi Barbie Girl" nang-aasar na ngiting sabe ko sa kanya. "Woah? You called me Barbie Girl? Thats new." Haha! Akala naman nya sinabihan ko sya dahil maganda sya, AKALA NYA LANG YUN. "Bakit? Totoo naman ah? Kasi maganda ka..." Lumapit ako sa kanya."...pero plastik naman." Pinitik ko sa mukha nya ang buhok ko at tuluyan ng naglakad. "Hindi pa tayo tapos!" Sigaw nya sakin ngunit hindi ako lumingon. Dumeretso na ako kanila Reinalene na nakangiti sakin dahil sa sinabi ko kanina kay Alexa.

"Palaban ka girl!" Cheer saken ni Ruien. "Syempre, Kaylangan." Kaylangan kong lumaban para maprotektahan ko ang sarili ko sa mga plastikadang mga yun. Group of Plastic.

Alexa's POV

Hindi ko akalain na kaya na akong kalabanin ng loser nayun. Nakakainis! Bwisit! "Ang kapal naman ng mukha nyang gawin sa isang queen bee yun. Ugh!" Pagiirita ni Tifanny. She's right, ang kapal ng mukha nya akala mo kung sino. "Wag kayong mag-alala girls hindi tayo papayag na ganunin lang tayo ng loser nayon. Lalaban tayo." Sabe ko sa kanila. Nakita ko naman ang mga ngiti sa kanilang mga labi. Just watch and learn Angela.

Recess na at kumakain kame dito sa isang table malapit papasok ng canteen. "Oh here's the loser." Nakangising sabi ni Trixie, napatingin kame kanila Angela kasama ang mga loser friends nya. Nang padaan na sila sa gilid ko ay agad kong hinarang ang paa ko sa dinadaanan ni Angela, at agad itong nadapa sa sahig. Tinawanan lang namen sya dahil sa katangahan nya. "Hindi kase natingin sa dinadaanan nya. Tsk! Your'e such a Loser!" Pang aasar ko sa kanya. Inalalayan syang tumayo nila Reinalene at masamang nakatingin sa akin, tinaasan ko nalang sila ng kilay. Hindi ako magpapatalo sa mga loser's na katulad nila. Eww!

Tinarayan nalang nila ako. Psh! Wala lang kase silang laban saken. Im the queen bee and they are just loser's.

"Go queen!" Cheer sakin nila Trixie. Kulang pa yan, hindi pa sakin sapat ang pagtitisod sa kanya. May naisip akong plano.."Watch girls" sabe ko sa kanila at agad na kinuha ko ang juice ko sa table. Lumapit ako sa table na kinakainan nila Angela. Agad akong lumapit kay Angela at binuhos ko sa kanya ang daladala kong juice.

"What the!?" Napasigaw sya sa gulat habang tinitignan nya ang uniform nyang pinaliguan ng juice. "Loser." Natatawang sabe ko sa kanya, tinignan nya ako ng masama. Aba mukha lalaban sya ha? Tignan lang natin kung kaya nya ako. "Ano ba! Ano bang problema mo ha?! Sumosobra kana ha!" Natawa lang ako sa inasal nya. Buti nga sa kanya yan, mukha syang kawawa. "Dapat lang sayo yan. Nararapat lang sa isang loser na mapahiya." Nagulat ako nang sampalin nya ako, sya palang ang nakagawa sakin nun. "Huwag.na.huwag. mo akong subukan" nangigigil nyang sabi sakin. Ibang iba sya ngayon. Umalis na sya sa harapan ko at binangga ang kanang balikat ko. Tss.. Jerk.

Angela's POV

"Angela!" Tawag saken nila Reinalene. Nandito ako sa isang cubicle ng CR namin. Hindi ako makapaniwala kay Alexa, napakasama nya. Iyak parin ako ng iyak dahil hindi ko na kinaya ang pagiging maapi saken ni Alexa. Napatingin ako sa pinto nang buksan ito ni Jopay. "Bhe wag ka ng umiyak" Lumapit ako sa kanila at sabay silang niyakap. "Pahiramin ko nalang sayo bhe yung dala kong extra blouse." Napakaswerte ko talaga na may kaibigan akong tulad nila.

"Salamat sa inyo. " nakangiting sabe ko sa kanila. "Tumahan kana bhe sayang ang beauty oh." Natawa nalang ako sa sinabe ni Ruien. Inayos ko ang sarili ko at sinuot ko na ang pinahiram saking blouse ni Reinalene. "Tara na." Yaya ko sa kanila.

Lumabas kame ng CR na parang walang nangyare. Hindi pa tayo tapos Alexa, hintayin mo ang pa--"Angela!" Napaupo ako sa sahig dahil sa pagbangga ko sa isang lalaki--Wait..siya ba yan? "Im sorry miss, are you okay?" Ambilis padin ng tibok ng puso ko. Inabot nya saken ang kamay nya para maitayo ako pero sa sobrang tulala ko nakatitig na lang ako sa kamay nya.

"Miss?" Nagising ang diwa ko nang muling pagtawag nya sa akin. Inabot ko ang kamay ko sa kanya atsaka nya ako tinayo. Yung kamay nya..ang lambot. Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil feeling ko namumula yung pisngi ko. "Im okay, Salamat" ngumiti ako sa kanya at tinignan ko sina Reinalene na tulala din, sumenyas ako sa kanila na umalis na kame at naintindihan naman nila.

"Oh.mhay.G!!!" Kilig na sigaw ni Jopay. "Isnt it amazing? Its so AMAZING!" Kilig na kilig din na sabi ni Reinalene."Bhe yung puso nyo!"Pang aasar ko sa kanila, natawa sila sa sinabe ko. "Ang swerte mo girl! Ikaw na talaga!" Tuwang tuwa sabi sakin ni Ruien. Hindi rin naman mawala sa mukha ko ang ngiti. Tinamaan na nga talaga ako sa kanya. "Tara na nga" natatawang sabi ni Jezrylle.

Tinamaan na talaga ako sayo Lou..

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon