Chapter 9- Friends?

9 1 0
                                    

Angela's POV

Sabay sabay kaming pumasok nila Reinalene. Simula daw ngayon lagi na nila akong sasamahan para kung may gawin na kung ano si Alexa o kung sino man ay mapoprotektahan nila ako, how sweet.

"Mukhang absent si Alexa ah." Natatawang sabi ni Jopay. Napangisi nalang si Reinalene, siguro dahil sa ginawa ni Reinalene sa kanya kahapon. Tss duwag naman pala sya. "Speaking of the devil." Sabi ni Ruien habang nakatingin kay Alexa. Tinarayan ko nalang sya at pumasok sa room.

Nagsimula na ang first subject namin. Habang ako ay pasinpleng sumusulyap sa kanya..Nagulat ako nang tawagin ako ni Maam Nickie, lagot. May tinanong sya saken mabuti nalang alam ko ang sagot kaya nakahinga ako ng malalim. Pag-upo ko ay sumulyap muli ako sa bintana ngunit di ko na sya nakita, nakinig nalang ako sa tinuturo ni Maam.

"Excuse me Maam Nickie. May I excuse Miss Mendez for a sec?" Ha? Ako? Pero parang familiar yung boses nayun. Nasa bandang likod kase ako at nasa labas sya, pinayagan naman sya ni Maam kaya lumabas agad ako. Nagulat ako nang makita ko sya..bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko...nag-iinit ang pisngi ko. Nastatwa ako sa kinatatayuan ko habang sya ay papalapit sa akin. "Hello. Aj, right?" Nakangiting sabi nya saken. Ngumiti rin ako sa kanya, kahit na pinipigilan kong kiligin sa harap nya. "O-opo, a-ako nga. Ano pong kaylangan nyo?" Nauutal kong sabi sa kanya. Hindi ko akalain na kinakausap ko sya at kinakausap nya ako. Gusto kong kuritin at sampalin ang sarili ko para malaman kung panaginip lang ba 'to o hindi pero hindi ko ginawa baka magmukha lang akong baliw sa harapan nya. "Dun tayo sa kubo mag-usap" Yaya nya saken. Magkatapat kame ng nakaupo dito sa kubo..kaming dalawa lang. "Diba ikaw yung nakabangga ko nung isang araw? Aj pala ang pangalan mo." Nakangiting nyang sabi sakin habang nakatingin deretso sa mga mata ko. Lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko. Ngumiti rin ako sa kanya. "Pano mo nalaman ang pangalan ko at Anong pag-uusapan naten?"

"Ay oo nga pala. Tinanong ko sa isa mong friend kung anong pangalan mo kaya ko nalaman. At yung pag-uusapan natin ay tungkol sa English Club Election diba hindi natapos yung pag-elect sa Muse and Escort?" So? Anong kinalaman ko dun? "And?"

"Napagisip-isip ko na ikaw ang gawin naming muse sa English Club, payag kaba?" Ohhhmhayyygaaaddd..Ako? Ako yung napili nya? Ibig sabihin... Nagagandahan sya sakin? Mhaygad!! "Ako? Andaming magandang babae sa school na'to ako pa talaga?" Syempre kaylangan kunyare choosy pa hahaha. Lumapit sya sa mukha ko kaya medyo napaatras ko ang ulo ko. "Eh gusto ko eh." Seryoso nyang sabi habang nakatitig sya sa mga mata ko. Lumayo na sya sa pagkalapit ng mukha nya saken, tumayo na sya at tumayo narin ako. "Nice to meet you Aj. I hope we'll become friends." Inabot nya ang kamay nya para makipagshake hands sakin,tinitigan ko muna ito at nakipagshake hands. "Nice to meet you too Lou. From now on, were friends." Nakangiting sabe ko sa kanya, humiwalay na ako sa pagkakahawak sa kamay nya. "That great!" Tuwang-tuwang sabe nya. Parang ang saya nya ata? "Oops sorry nadala lang sa emosyon hehe." Natawa nalang kameng dalawa at nagpaalam na sa isa't isa.

Pagtalikod nya sakin ay agad ko namang nilabas ang kilig ko na kanina ko pa inipon. "Yieee..best day ever!" Mahinang sabe ko sa sarili ko habang ngiting ngiting naglalakad pabalik sa room. Pag-upo ko sa upuan ay punong-puno ng mga katanungan ang bungad saking ng mga kaibigan ko. Wala na kaming teacher kaya ang ingay-ingay sa room.
"Anong pinagusapan nyo?"
"Kayo naba?"
"Bhe ninang ako."
"May gusto rin ba sya sayo?"
"ANO?" Sabay sabay nilang tanong saken. Kung pwede lang magwalk-out at tumakas sa mga katanungan nila ginawa kona kanina pa. "Guys hinay-hinay lang iisa lang ako oh? Marami kayo." Huminga ako ng malalim atsaka nagkwento. Kilig na kilig naman sila at hinawak-hawakan pa ang kamay ko na kaninang hinawakan ni Lou. "Swerte mo talaga bhe!" Napalakas ang sigaw ni Ruien kaya napatingin samin ang mga classmate namin, sabay nag ring ang bell dahil break time na.

Naiwan kame ni Reinalene sa isang table para mareserve, sina Jopay na ang bumili ng bibilhin namin. Nakita namen sina Alexa na papunta sa table namen. Tatayo na sana si Reinalene para pigilan si Alexa pero pinigilan ko nalang sya. Nang nasa table na namen sina Alexa na may dalang lugaw ay nakangiti sakin. Nginitian nya rin sina Ruien nang pagdating nila sa table at inabot sakin ang noodles at chopsticks. "Anong ginagawa mo dito?" Iritang tanong sa kanya ni Ruien. Tumingin muli sakin si Alexa na may nguti sa mga labi, anong nangyayare dun? "Nabalitaan ko kase na naospital tong si Angela, and I'm so worried. Kaya binilhan ko sya ng lugaw." Nilagay nya sa table ko ang dala nyang lugaw at tumingin sa mga kasama nya. "Oh talaga?" Pang-aasar ni Reinalene. Tumawa ito at nagsalita ulit. "Syempre joke lang. Gusto ko lang sabihin sa inyo na..." Isinandal nya ang kamay nya sa table namin at tinitigan ako sa aking mga mata, nakakatakot ang tingin nya.

"Ang lugaw ay para sa taong mang-aagaw" Tinignan nya ako mula paa hanggang ulo, at tumawa. Tumayo si Reinalene at lumapit kay Alexa. Hinawakan nito ang leeg ni Alexa at naggigigil iting tinignan, walang nagawa ang mga kasama ni Alexa dahil sa sobrang takot. "Diba sabe ko sayo pag hindi kapa tumigil, hindi kana mabubuhay sa mundong 'to" Kita sa mga mata ni Alexa ang pagkatakot, tss duwag. "Hayaan mona sya bhe." Pag-awat ko kay Reinalene, tinanggal nito ang pagkakahawak sa leeg ni Alexa at bumalik muli sa kinauupuan nya. Napangisi nalang si Alexa at umalis na sila sa harap namin, "Lugaw para sa taong mang-aagaw pala ha." Nakangising sabi ni Jopay habang nakatingin kay Alexa. "Teka lang!" Pagtitigil ni Jopay sa paglalakad nila Alexa, humarap ang mga ito at kinuha ni Jopay ang chopstick nya sabay lumapit kay Ella na katabi lamang ni Alexa. Anong gagawen nya sa chapstick?

"Oh eto chapstick..." Nakangiting sabi ni Jopay at tumingin kay Alexa. "...para sa kaibigan mong plastik." Sabi nito habang nakangisi kay Alexa, Hinagis nito sa pagmumukha ni Alexa ang chapstick sabay hairflip din sa pagmumukha nya.

"Owww Double Kill!" Pang-aasar namen sa kanila. Bumalik si Jopay na may pang-asar na ngiti sa mukha atsaka naggoodbye wave kay Alexa. Padabog na umalis si Alexa pati narin ang kanyang mga kasama. Nakita ko na ngumiti sakin si Ella at sumabay narin sa mga kasama nya, plastik.

Nagulat ako nang may naglapag ng ramen sa gilid ko. "Ramen para sa feelings na hindi inamen." Napatingin ako sa lalaking naglagay ng ramen sa gilid ko si Lance.. "May I join you girls?" Nakita ko ang iritang mukha ni Ruien, pumayag naman kame pero medyo awkward kase sya lang ang lalaki dito. "Ramen para sa feelings na hindi inamen pala ha.." Pang-aasar ko sa kanya, tumawa sya at napatingin saken. "Dont mind that" pagkatapos ay ginulogulo nya ang buhok ko, nagulat naman kame ng ihampas ni Ruien ang kamao nya sa table napatingin samen ang ibang mga estdyante dahil sa ingay ng paghampas nito.

"Dont.touch.her." Galit na galit na sabe niya habang nananaliksik ang kanyang mata na nakatingin kay Lance. Pinakalma naman agad sya ni Reinalene kaya bumalik nalang ito sa pagkakain nya. "Nakakatakot naman yang kaibigan mo." Bulong sakin ni Lance na ikinatawa ko. "So.. Iisa narin ako sa mga friends nyo?" Nakangiting tanong samen ni Lance. "Sure" Mukhang malinis naman ang intensyon nya at iisa sya sa mga saviour ko. Nakita ko ang di mapintang mukha ni Ruien, aangal pa sana ito nang lakihan ko sya ng mata. Meron kaming signs na kame lang ang nakakintindi.

Hindi ko pa lubusang kilala si Lance. Pati nga apelyido nya nakalimutan kona eh. Tanungin ko kaya? " Uhmm.. Lance ano nga ulet surname mo?" Natawa sya sa tinanong ko. Friends na kame kaya dapat malaman ko lahat. "Lance Williams." Sagot nito na kadahilanan na pagbuga nang tubig ni Ruien sa mukha ni Lance habang kame ay gulat na gulat. Magkapatid sila? Pinunasan ni Lance ang mukha nya at tumawa. "I-ibig sabihin... Magka-kapatid kayo ni L-lou?" Nauutal na taning ni Jopay kay Lance. Mahina itong napatawa at tumango. Kaya pala parehas sulang hearththrob, magkapatid nga naman. "Bakit di kaya kayo magkamukha?" Natatawang tanong ni Ruien, napaghahalataan 'tong babaeng ito ah. Hindi ito sinagot ni Lance. "CR lang ako ah." Pagpapaalam nya samin. May mali ba kaming nasabe? "Andami nyo kaseng tanong yan tuloy." Sabi sa amin ni Jezrylle, napatingin naman agad kameng lahat kay Ruien. "What?" Tanong nito.

"Lagoooot." Sabay sabay naming sabe sa kanya. Natawa nalang kame sa itsura ni Ruien na hindi nagets ang ibig naming sabihin. Napatingin ako sa relo ko, 8:30. "Tara na guys, 8:30 na baka nandun narin si Lance" Bumalik na kame sa room at nakita kong wala si Lance sa upuan nya, siguro nasa CR pa sya.

Hindi ko parin akalain na magkapatid si Lance at Lou, at higit sa lahat kaibigan ko pa silang dalawa. Ito na ang pinakamasayang araw ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon