Angela's POV
Pauwi na kame nila Reinalene, Ruien at Jezrylle naiwan si Jopay sa room kasi cleaners sya. Nang malapit na kame sa gate sumalubong naman samen sila Alexa kasama yung mga alipores nya. "Look who's here" sabe ni Alexa at tinignan kame na nakataas ang kanyang kilay. Wag niya akong subukan.
"Ano bang problema mo?" Inis na tanong sa kanya ni Reinalene. "Problema ko?..Siya." Tumingin sya sakin pagtapos nyang sabihin ang mga katagang yun. I just rolled my eyes at her.
"Ako ang queen bee dito kaya dapat ako lagi ang napapansin hindi yang nagmamaganda mong kaibigan." Si reinalene ang kinakausap nya pero sa akin sya nakatingin. "Sa bagay mukha ka namang bubuyog kaya nararapat kang reyna nila, tara na nga" Nakapameywang kong sabe kanya at umalis na agad kami nila Reinalene. Nakita ko ang pagyukom nang kamao ni Alexa at ang nagggagalaiti nyang tingin sa akin.
Akala nya hindi ako lalaban? Akala nya lang yun."Dapat hinayaan nyo nalang sya, kilala nyo naman yun hinding hindi yun nagpapatalo at sigurado ako na may balak nanaman yun guluhin tayo." Payo samin ni Jezrylle. Ayaw na ayaw nya makipag away kahit kanino. "Hindi naman pwedeng lagi nalang nya tayong inaapi kaylangan din natin lumaban para sa sarili natin." Seryosong sabi ni Reinalene. Ilang minutong naghari ang katahimikan sa aming paglalakad at nang makarating na ako sa bahay ay nagpaalaman na ako sa kanila.
Dumeretso agad ako sa kwarto ko at nilock ang pinto. Gusto kong magpahinga ngayon dahil ang dami naming activities na ginawa kanina. Humiga ako at naalala ko ang nangyari kanina. Simula nang naging classmate namen si Alexa ganun na talaga ang naging ugali nya. She's like a Barbie Girl, Maganda nga Plastik naman. Hayss whatever. Baket ko ba sya pinoproblema? Nakakasakit lang ng ulo.
Pinikit ko ang mga mata ko at tuluyan nang natulog....
"Angela??"...Teka..yung boses nayun, boses nya ba yun? Pero bakit nya ako tinatawag? "Lou?.." Puro puti lang ang nakikita ko. San nanggagaling yung boses nya?. "Asan ka?" Ngunit wala na akong narinig na boses mula sa kanya nang...
"Ah!" Napasigaw ako sa sobrang sakit. Diko namalayan na mahuhulog na pala ako sa kama ko. Ang sakit ng mukha ko dahil sa pagtama nito sa sahig. Tumayo agad ako at sumandal sa pader. Tumingin ako sa orasan, 6:00 pm na mukhang napasarap ako sa pagtulog. Naalala ko ang panaginip ko.. Bakit nya kaya ako tinatawag? May sasabihin ba sya? Naramdaman ko nanaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Nako, Aj sa kakaisip mo kase sa kanya yan tuloy napapaginipan mona sya." Bulong ko sa sarili ko. Kumatok si Yaya Janice para yayain akong kumain.
"Sunod nalang po ako." Sabe ko sa kanya at pagbaba ko ay nandun na sila mommy at daddy, bakit kaya wala si Kate? Nako siguro nasa labas nanaman yun nakikipaglaro. Tinawag ko muna si Kate at sabay sabay na kaming kumain.Ella's POV
"Tss. Tara na nga girls." Utos samen ni Alexa. Hindi kame makapaniwala na kaya ng sagutin ni Angela si Alexa dahil hindi naman yun ganon dati. Naalala ko tuloy yung planong sinabe sakin ni Alexa kahapon...
"So anong plano mo?" Tanong ko sa kanya. Nandito kame ngayon sa Coffee Shop na sinabe nya para daw pag usapan ang naisip nyang plano. "Aakitin ko si Lou..mapapasaakin ulit sya..."
"Paano?" Eto nanaman sya, she's being a slut nanaman. Well, dati pa naman syang ganun. "Kunyare aksidente lang ang lahat nang nangyare nung araw nayun, magmamakaawa ako sa kanya at hindi ako papayag na may umagaw sa kanya laban sa akin.. Dahil matinding parusa ang mararanasan nila.." She's really crazy. "Para san naman para akitin mo si Lou? Give me a valid reason."
"Duh! Im the queen bee, remember? Kami lang ang bagay sa isa't isa wala ng iba pa." Queen bee? For real? Whatever.
I just sighed because of that stupid plan. Kahit kaylan talaga wala ng ginawang maganda yang Alexa na yan. Naging friend lang kame nyan dahil friends din ang mga mommy namen.Ayoko ding apiapihin nila ako dahil wala naman akong laban sa kanila. Ininom ko nalang ang inorder kong coffee at umuwi. Iniwan kona sya dun sa Coffee Shop, wala namang kabuluhan ang sasabihin nya mas mabuti kung umalis nalang ako.
Alam kong nagkakagusto na si Angela kay Lou, nahahalata ko yun dahil sa twing nakikita ko syang sumusulyap sa bintana at tinititigan si Lou. Hindi ko pinapaalam kay Alexa yun dahil alam kong lalo syang magagalet at ayokong iparanas nya ang matinding parusa na sinasabe nya kay Angela. Mabait si Angela sa mabait pero pagdating kay Alexa nawawala ang mala anghel nyang mukha.
"I hate loser's, lalong lalo na si Angela. Right girls?" Sabe samin ni Alexa sumang ayon silang lahat maliban man lang saken. "Oh? Ba't dika sumasagot Ella? Wag mong sabihin na naaawa ka sa loser nayun. " taas kilay na sabe sakin ni Alexa. Pano kung sabihin kong Oo? Ngunit hindi pwede dahil sila lang ang mga kaibigan ko. Galit din saken sila Angela dahil alam nya na isa ako sa mga alipores ni Alexa.
"Psh! Hindi noh! Atsaka eww.. Bakit naman ako maaawa sa loser na katulad nya? Wala sa vocabulary ko ang salitang AWA" I lied. Ganito naman palagi eh. Lagi nalang kameng nagpaplastikan dito. Hindi ba sila nagsasawa? Sa bagay ganun naman talaga mga ugali nila mga mayayabang at feeling nila nakakataas sila.
"Thats my girl!" Sabay kindat na sabi sakin ni Alexa. Hayss Were really a mess. A really big mess. Kung hindi lang dumating sa lugar namin yang Barbie Girl nayan hindi magkakaganito sila Tifanny. Chill Ella, chill..may araw din sayo yang Alexa nayan. Just wait.
Angela's POV
"Mhie kasali ako sa dalawang club sa school namen." Sabi ko sa kanila habang kami'y kumakain. "Wow. Good to hear. Anong posisyon mo sa dalawang club nayun?" Tanong saken ni Mommy.
"Muse po." Agad na nabulunan si Daddy na parang nang aasar kaya tumawa nalang kami ni Mommy. "Nako syempre kanino kaba nagmana? The one and only ME!" Tuwang tuwang sabe ni Mommy. Nabulunan ulit si Daddy para asarin si Mommy, sinamaan sya ng tingin ni Mommy at ngumiti nalang ito ng pang asar na ngiti. Natawa nalang ako dahil sa kanila. Para kasi silang mga teenagers na nagatatalo.
Napatingin ako sa cellphone ko ng may nagtext.
From:Unkown
Hello Angela:)
Sino kaya to?
BINABASA MO ANG
Love at First Sight
Ficção AdolescenteTheres a girl named Angela.She fell in love in a boy in their school. The boy didnt know the girl. The girl is always stalking the boy, but the boy didnt notice that. The days passed and the girl is too shy to express her feelings.