Angela's POV
"Tara na." Yaya sakin ni Lance. Tapos na ang breaktime kaya babalik na kame sa room. Classmate ko siya kaya kame nalang ang nagsabay kasi pinauna kona sina Reinalene. Pagpasok namin ay nandun na sina Reinalene at gulat na gulat sila dahil kasabay ko ang pumapangalawa sa heartthrob ng buong school. Nakita ko rin naman sina Alexa na masamang nakatingin sa aming dalawa.
Pumunta na ako sa upuan ko na nasa gitna nina Jopay at Jezrylle. "Give us an explanation." Huh? Diko sila gets. "Ano bang pinagsasabe nyo?" Takang-taka kong tanong sa kanila. Ano ba ang dapat kong ipaliwanag?
"Bakit kayo magkasabay ni Lance?" Tanong sakin ni Ruien habang nanliliit ang kanyang mga mata. Ano bang nagyayare sa kanila?
"Niligtas nya kasi ako sa pananakit sakin kanina nila Alexa." Siguro yun ang gusto nilang marinig. Ang paliwanag ko kung bakit ko kasama si Lance papasok ng room. "Anong ginawa sayo ng bruhang Alexa nayon? Ha?" Pag-aalalang tanong sakin ni Jopay.
"Haha wala lang yun. Parang kagat lang naman ng langgam." Confident kong sabi sa kanila. Ayaw kona kase silang ipag-alala pa ng sobra, kaya ko naman na sarili ko ayoko na silang idamay.
Pero bakit kaya ako niligtas ni Lance sa mga mokong nayon? Diko naman sya gaanong close? Hmm..,
Uwian na at naiwan si Jezrylle sa room dahil cleaners sya. Pagkalabas na pagkalabas namin sa room ay sinalubong kame ni Lance. Ano kayang problema nun? "Angela pwede kabang makausap?" Para saan kaya? "Kinakausap mona nga sya eh." Pagtataray sa kanya ni Ruien. Hmm..smell something.." Una na kayo bhe. Hintayin nyo nalang ako sa gate." Umalis na sila at kaneng dalawa lang ang naiwan. Ano kayang sasabihin nya?
"Anong sasabihin mo?" Tanong ko sa kanya. Seryoso lang syang nakatingin sa akin, ang awkward ah. Ngumiti naman sya sakin "Gusto ko lang sabihin sayo na simula ngayon ako na ang saviour mo." Sabay kindat na sabe nya sakin. Nananaginip ba ako? Natulala nalang ako sa sinabe nya. Nawala ang pagiging tulala ko ng may nagtulak ng ulo ko patagilid, dahilan para mapaupo ako sa sahig. Nasan na si Lance?
"Mas malandi ka pa pala saken." Napatingin ako sa taas at nakita ko si Alexa. Akala ko titigilan na talaga nila ako. Pero kaylangan kong lumaban kahit wala dito si Lance. Tumayo ako at hinarap ko sya.
"Tigilan mona ako." Iritang sabe ko sa kanya. Pagkatalikod ko sa kanya ay bigla nyang hinila ang buhok ko. Sobrang sakit pero pinigilan kong sumigaw, baka marinig ako ng mga kaibigan ko ayoko silang idamay. Hinawakan ko ang kamay ni Alexa na nakahawak sa buhok ko at pilit itong inaalis. Nang ialis nya ng pababa ang kamay nya ay agad akong napahiga. Lumapit sya sa mukha ko at ngumiti.
Umalis na sya sa harap ko at nakita ko ang mga kaibigan kong lumapit sa akin at inalalayan nila akong tumayo. "Sumosobra na talaga si Alexa." Nanggigigil na sabe ni Reinalene. Nagulat ako ng sundan ni Reinalene si Alexa. "Reinalene!" Tawag ko sa kanya ngunit hindi nya kame nilingon at tuloy-tuloy lang ang paglalakad nya.
Susundan ko sana sya ngunit bigla akong nawalan ng malay..Reinalene's POV
Nandito kame ngayon sa labas malapit sa gate para hintayin si Angela. Ano naman kayang sasabihin ni Lance sa kanya? Parang napaghahalataan yung Lance nayun ah. "Hayss ang tagal naman nya." Sabe ni Jopay habang pinapaypayan ang sarili nya gamit ang kanyang panyo. Mukhang napapatagal na ata ang usapan nila ah? "Puntahan na kaya natin sya?" Pumayag naman kame sa sinabe ni Ruien at nagulat kame ng nakita namin si Angela na nakahiha sa sahig. Inalalayan namin itong tumayo. Nakita ko si Alexa sa malayuan na nakangisi sa amin. "Sumusobra na talaga si Alexa." Nanggigigil kong sabe. Hindi kona kinaya ang inis at galit na nararamdaman ko kaya sinundan ko ito khng saan man sya pupunta. Narinig ko ang pagtawag saken ni Angela ngunit hindi ko iyon pinansin, kaylangan kong protektahan ang kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Love at First Sight
Teen FictionTheres a girl named Angela.She fell in love in a boy in their school. The boy didnt know the girl. The girl is always stalking the boy, but the boy didnt notice that. The days passed and the girl is too shy to express her feelings.