Chapter 48 - Echoserang palaka

50 0 0
                                    

Pagkatapos naming mag celebrate,  nagkayayaan pang maggala saglit sa mall.  Napagkasunduan na maglaro sa arcade nina  John at Mark. 

Kami naman ni bestie pumayag na lang.  Habang  naglalakad kami ng magkahawak kamay  ni Mark, tumitingin tingin kami sa mga boutique kaya hindi ko napansin na may makakabanggaan kami sa paglalakad on the way sa arcade.

Nasagi ako sa  balikat.  Hindi ko masyadong nakita ang nakabanggaan ko dahil muntik na akong matumba.  Napahawak na lang ako kay Mark para di ako ma-off balance.  Tapos may narinig pa ako na "Palibhasa kasi hindi tinitingnan ang nilalakaran kaya nababangga!"  ang boses ng babaeng nakasagi sa akin.

 Narinig pala yon ni Mark kaya sinagot nya ito.  "Don't you dare say that!  Dapat nga ikaw ang mag-sorry dahil nasa tabi naman kami at wala sa gitna."  ang naiinis na sabi ni Mark.  Dahil dito, tumigil sa paglalakad ang babae kasama ang mga kaibigan nito at humarap sa amin.

Nagulat ako.  Napatingin ako kay Mark.  Parang nagulat din sya nang makilala nya ang babaeng kaharap namin.  "Trisha?  Ano na namang kalokohan 'to?  Anong gusto mong palabasin?"  ang tanong ni Mark sa kanya.  

"Nothing Mark." habang papalapit si Trisha sa amin.  "Anong magagawa ko kung di ko nakita na may nakaharang pala sa daraanan ko?  Tapos this girl lang pala."  sabay duro sa akin ni Trisha at tiningnan ako simula ulo hanggang paa.  At sinundan pa ng "Magkaholding hands pa kayo? "  habang nakatingin sa mga kamay namin.

"Oh my god!"  ang sabi ng isa sa mga kaibigan ni Trisha.  "Girl, magkaholding hands sila.  Meaning they are in a relationship na!"  sabat naman ng isa pang echoserang palaka sabay tinginan nila.  "Will you shut up!"  ang pagalit na saway sa kanila ni Trisha bago tumingin ulit sa amin.

"Kayo na nga ba Mark?  Sa pagkakaalam ko hindi pa tayo tapos."  ang sabi ni Trisha habang nakatitig sa akin.  "Hoy babaeng mang-aagaw,  'yang lalaking kasama mo ay boyfriend ko pa!  Kaya kung ako sa iyo....better lay off my property girl because he's mine.  Ang akin ay akin.  Hindi ko ipinamimigay."  sabay walk-out ni Trisha kabuntot ang mga kaibigan nya na nakalingon pa rin sa amin ni Mark habang papalayo sila.

"Jay, I'm really sorry.  Huwag kang maniniwala kay Trisha.  Hindi totoo yon.  Alam mong matagal na kaming wala."  ang paliwanag sa akin ni Mark.  Wala akong naisagot sa kanya.  Gusto kong maiyak pero nakakahiya na gawin ko sa mall baka pagtinginan pa kami doon.

"Will you take me home na?"  ang naisagot ko na lang kay Mark.  Feeling ko tuloy naapi na naman ako ni Trisha.  Bakit hindi na lang ako makaganti sa kanya.  Siguro dahil lagi kaming nagkakatagpo sa public places.  Nakakagigil ang babaeng yon.

Wala na ring nagawa sina Alou kahit gigil na gigil na syang masabunutan sina Trisha.  Hindi na sila sumabay sa aming dalawa ni Mark.  Inihatid na lang nila kami sa sasakyan ni Mark  bago sila pumasok ulit sa mall.

Habang daan, wala kaming kibuan ni Mark.  Hindi ako nagsasalita.  Sya naman ganun din.  Iniisip ko bakit laging ganito kapag masaya ako, bigla na lang masasaktan na agad.  Pero naisip ko, bakit ko i-gigive up si Mark.  Mahal ko sya at alam kong mahal nya rin ako.  Kaya humanda sa akin yang Trisha na yan.  Kayang kaya kong ipaglaban ang lalaking ito.  Over my dead, sexy body. (my gad sistah! enebenemenyen!).

Maya maya pa, hinawakan ako ni Mark sa kamay.  Hindi ko naman binawi ito.  Matagal-tagal din ganoon lang kami.  Alam kong walang kayang humadlang sa aming dalawa.  Ang ginawa ko, humilig ako sa balikat nya.  Hinalikan naman nya ang noo ko.  At doon pa lang alam namin na nagkakaintindihan na kami.

"I love you...." ang bulong sa akin ni Mark.  "I love you more...."  ang sagot ko naman.

Jay's Life Where stories live. Discover now