Chapter 27 - I love you, goodbye

148 2 2
                                    

Recess time.  Hindi ako lumabas ng classroom.  Nagbasa na lang ako ng lessons namin para naman makapagrecite ako.  Maya-maya may naramdaman ako umupo sa tabi ko.  Di ko pinansin kung sino man sya.  Hindi rin ako nakibo.  

"Ang seryoso naman ng kaibigan ko.  Totoo ba yan o nagmumukmok ka lang?"  ang sabi nya.  Bigla akong tumingin sa kanya nakilala ko ang boses nya.  Si Mark!  

Nagtaka ako.  Ang alam ko kasi hindi na sya papasok kasi naiayos na nya ang mga transfer papers nya sa ibang school.  "Mark!  Bat andito ka?"  ang nagtataka kong tanong sa kanya.  "Bakit masama ba samahan ko ang kaibigan ko dito?" ang tanong sa akin ni Mark.

"No, I mean di ba lilipat ka na sa June?  Ilang araw na lang malapit na mag summer vacation.  Akala ko hindi ka na papasok."  "Pwede ba naman yon?  Di ba sabi ko syo hindi na kita iiwan?  Ipaglalaban na kita Jay ngayon.  Hindi na ko papayag na maging kayo pa ulit ni Prince."  ang sabi ni Mark habang hinawakan nya ang mga kamay ko.

Sakto naman na dumaan sa tapat ng room namin si Prince.  Nakita nya na hawak ni Mark ang mga kamay ko.  Bigla syang napasugod papasok sa loob.  Galit na galit kay Mark.  Tumayo ako agad para harangan ko silang dalawa.  Malaking gulo lalo na na nasa loob kami ng school.  Pinakiusapan ko si Prince na mag-uusap na lang kami after class.  Buti na lang kasama nya ang ibang classmate nya kaya nayaya na sya palabas sa room namin.  

Si Mark naman pumunta na rin sa classroom nila.  Pero sabi nya na sabay daw kaming uuwi.  (wow, haba ng hair mo ateng!)  Hindi ko na alam gagawin ko.  Dapat talaga hindi ako agad pumayag makipag boyfriend.  Ang hirap pala lalo na bata pa rin naman ako tapos namomroblema na ako ng ganito.

Kaya kayong readers wag nyo ko gayahin.  Wag magmadali sa love life.  Dadating din yan.  (ayus, nagpayo si Lola Crisanta)  Eh totoo naman talaga.  Dapat hindi ako nagmadali.  Ang love kasi ay nakakapaghintay.  Kaya eto ako ngayon problematic tuloy sa mga bagay-bagay.  

And so, naging mahaba ang araw para sa akin sa school.  Hindi tuloy ako makapag concentrate sa klase.  Paano kung magkasalubong sina Mark at Prince?  Baka magkasakitan pa sila.  Naku, hindi dapat mangyari yon!  Pero paano gagawin ko?  (Nako, nako hayaan mo silang dalawa no).

Ayoko naman ng ganon, magkaibigan sila.  Dapat hindi sila nag-aaway dahil lang sa akin.  (asus, kunwari ka pa eh ang haba kaya ng hair mo).  Hay maloloka na ako.  Ayan tuloy, muntik na akong maka-zero sa quiz namin.

"Rrrrrrrrrriiiiiiiiiinnnnnnnnggggggggg!"  tumunog na ang bell.  Uwian na.  Naisip kong umuwi na agad para hindi ko na sila makitang dalawa.  Pero paglabas ko ng classroom, may humila sa braso ko.  "Jay, wait!  Ba't nagmamadali ka?  May usapan ba kayo ni Mark?  Kunyari ka pa na galit na galit sa ginawa ko tapos ipagpapalit mo lang pala ako sa kanya!"  sabi ni Prince habang hawak-hawak nya ang braso ko ng madiin.

Pumasok ulit ako sa classroom namin dahil baka makita kami ng mga teachers sa corridor na nag-aaway at doon ulit ako hinawakan ni Prince sa mga braso ko ng mahigpit.

"Prince pwede ba?  Nakakasakit ka na ha.  What you saw was nothing!  Magkausap lang kami ni Mark.  Walang malisya sa aming dalawa."  ang paliwanag ko kay Prince.

"E kung sabihin kong yung nakita mo sa aming dalawa ni Nadine wala ring malisya?  Anong gagawin mo?  Jay, pilit kitang inaamo dahil mahal kita pero masakit naman sa akin na papalitan mo agad ako.  Remember, cool-off pa lang tayo.  Di pa tayo officially break kaya kung tutuusin tayo pa rin!"  ang gigil na sabi sa akin ni Prince.

"Okay!  So ganun pala.  E di break na tayo!  Stay away from me!"  ang naiiyak kong sagot kay Prince.  Para syang natauhan sa sinabi ko.  Kaya nagmakaawa na naman sya sa akin.  "Jay, sorry na.  Nabigla lang ako.  Nagselos kasi ako sa nakita ko kanina.  Please bawiin mo naman ang sinabi mo.  I love you so much, Jay.  Please don't do this."  ang naiyak na sabi sa akin ni Prince.

"Sorry Prince,  I want out.  We're through.  Ngayon kita nakilala ng lubos.  You've hurt me emotionally and physically.  Gusto ko munang manahimik.  Please let me go.  Kung talagang mahal mo ako hahayaan mo na muna akong mag-isip.  Mga bata pa naman tayo.  Love can wait.  Kung tayo pa rin sa huli, then we're destined talaga pero ngayon, ayoko na muna.  I love you pero goodbye Prince." at doon iniwan ko si Prince sa classroom namin at nagmadali na akong lumabas ng school to hide my tears.

Malapit na ako sa may gate ay tumulo na ang mga luha ko.  Nakita ko si Mark sa may parking lot sa may sasakyan nila.  Umiwas ako ng tingin pero nakita na pala nya ako at lumapit sya sa akin.  "Jay?  Bat ka umiiyak?  Ano yan? Bakit namumula ang braso mo?  Si Prince ba ang may gawa nyan?"  hindi ako kumibo sa mga tanong sa akin ni Mark.  Nakita ko na naman ang galit sa kanyang mga mata.

Pilit kong pinigil ang aking pag-iyak dahil baka sugurin nya si Prince.  Nasa loob pa naman kami ng campus kaya niyaya ko na syang umuwi.  Ito ang araw na hindi ko malilimutan,  goodbye Prince.

I love you, goodbye.....

Jay's Life Where stories live. Discover now