Chapter 31 - Happy? birthday

145 2 0
                                    

This is the day!  Paggising ko, itinext ko agad si Prince ....

..........Happy monthsary mahal!  i love you.......see you later....

After nito, naligo na agad ako at nagbihis.  6:00 o'clock ng umaga pa lang nasa airport na kami ni mamita para sunduin si mama.  Hindi naman kami matagal na naghintay para sa kanya dahil on-time dumating ang eroplanong sinakyan nya.  Kamustahan, chikahan, biruan ang peg namin nang kasama na namin si mama.  Excited na rin sya para mamayang gabi na celebration ni mamita.

Pagdating namin sa bahay, dinala ko ang mga gamit ni mama sa room ko dahil doon sya matutulog sa tabi ko.  (naks! bondong time yan!)  OO naman, susulitin ko na kasi 3 days lang si mama dito sa 'Pinas.  Hindi kasi sya pwedeng magtagal gawa ng demands ng work nya.  

"Ito pala ang boyfriend mo Jay." ang sabi ni mama habang hawak nya ang picture frame sa desk ko.  "Hmmm, ang cute ha.  Bagay kayo.  He looks familiar.  Nakita ko na ba sya?"  ang tanong nya sa akin.

"No mom, hindi pa po kayo nagkakakilala.  Pero mamaya for sure magkakakilala rin po kayo."  ang sagot ko naman habang binubuksan ko ang hand carry bag ni mama. (pahingi naman ng pasalubong jan oh).

Hinayaan ko munang magpahinga si mama sa kwarto.  Paglabas ko, nasa bahay na ang mga amiga ni mamita.  Sinusundo na sya para sabay-sabay na sila pumunta sa venue para mag-final details ng program at mga decoration.  Gusto ko na sanang sumama kaso sabi ni mamita na sabay na lang kami ni mama.

Mga alas tres ng hapon, dumating naman si Prince  tamang-tama naman na nakayos na kami ni mama.  Grabe, lalo yata akong nain-love sa kanya ngayon.  Naka-long sleeved polo sya na kulay red na tinernuhan nya ng black na tie at black na pants na nagmatch naman sa dress ko na red and black din ang kulay.  

Ipinakilala ko rin sya sa mama ko nang lumabas ito sa kwarto.  "Mama sya po si Prince, ang prince charming ko."  sabay kindat ko kay mama.  Ngumiti naman si mama kay Prince at sinabi "Finally iho, nagkakilala rin tayo.  Lagi kang ikinukwento sa amin ni Jay.  Too bad, hindi nakasama pauwi ang daddy nya kaya you get to meet him some other time." sabay yakap ni mama kay Prince.

Hinintay lang namin sandali na mag-ayos pa si mama bago dumiretso na kami sa venue ng birthday celebration ni mamita.  Habang nasa kotse, "Prince, pupunta ba ang lolo mo at mommy mo mamaya?" ang tanong ko sa kanya.

"Hindi ko nga alam eh, meron din kasi sila invitation from a relative daw.  Titingnan daw nila kung makakahabol sila kasi gusto ka rin ma-meet ng lolo ko.  Pinakita ko nga sa kanya ang picture mo.  Sabi nya parang nakita ka na daw nya.  May kamukha ka daw."  ang kwento sa akin ni Prince.

"Talaga?  Artista ba kamukha ko?"  ang pabiro kong tanong kay Prince.  "Para sa akin wala kang kamukha, nag-iisa ka lang...walang kaparis...at akin lang <3"  (naks ang sweet! mamaya lalanggamin kayo nyan eh).

Kinurot ko si Prince sa tagiliran at nagtawanan kami.  Si mama naman napapangiti lang sa front seat gawa ng kulitan namin.  Nang makarating kami sa venue, feeling ko ako ang prinsesa kasama ang aking prinsipe.  

Ang saya naming dalawa.  Hindi kami naghihiwalay at most of the time ay magkaholding hands kami.  Pagkakain namin ng dinner, nasimula na ang ballroom dancing.  Nag-try kami ni Prince na sumayaw nito.  

Tawa kami ng tawa, napakasaya talaga ng araw na ito.  Bumalik kami sa table namin at doon ibinigay na ni Prince ang regalo nya sa akin na bracelet.  Nakasulat doon ang mga pangalan namin.  Ganon din naman ang ginawa ko, bingyan ko sya ng wrist watch para bawat segundo, maaalala nya ako.

Maya't maya ang dating ng mga bisita ni mamita.  Nagku-kwentuhan kami ni Prince noon nang may waiter na bumulong sa amin na ipinapatawag daw kami ni mamita para may ipakilala sya.  Siguro, si lolo Peter na.  Kaya dali kaming pumunta sa table ni mamita.

Malapit na kami sa table nina mamita nang magkaholding hands.  Nang makilala ni Prince ang taong katabi ni mamita.  "Andito na pala si lolo" ang sabi nya.

"Oh there you are iha, come, I would like you to meet your lolo Peter, my one and only brother.  Peter this is my apo.... your apo, Jay."  pakilala sa amin ni mamita.  "Iha, this is your lolo Peter, Pedro Nicasio Castro, mag bless ka iha."  

Wait bigla akong naguluhan.  At lalo pa akong naguluhan nang sabihin ni lolo Peter na.... "Hello iha, lagi kang ikinukwento ng mamita mo.  Hey, magkakilala kayo ni Prince?  He's my grandson!  Magkaklase ba kayo sa school or something?"  ang sabi ni lolo Peter.

 Bigla akong bumitiw sa pagkaka holding hands namin ni Prince.  Parang may naramdaman akong awkwardness.  Pagkatapos ay tumayo si lolo Peter, ngayon alam ko na kung sino ang kahawig nya nung nakita ko ang picture nya kay mamita.  Si Prince!  

Nang tumayo si lolo Peter, pumunta sya sa gitna naming dalawa ni Prince pagkatapos ay inakbayan nya kami sa magkabilang balikat at sinabi nya na "My grandchildren are here.  Alam nyo na siguro na kayong dalawa ay cousins.  Sasabihin ko nga sana na bagay na bagay kayong dalawa kaso nga lang hindi pwede dahil magkamag-anak kayo, second cousins to be exact.  Tama nga ba Santa?" ang pagliliwanag na tanong ni lolo Peter kay mamita.

Tumango na lang si mamita.  Alam nya na pareho naming hindi akalain ni Prince na hindi pala kami pwede sa isa't isa.  It was a tragic moment para sa aming dalawa.  It is supposed to be our eighth monthsary!  

Para hindi na makahalata pa ang ibang tao, nag excuse agad ako para maitago ko sa kanila kung gaano ako nasasaktan... Paano na kami ni Prince?  Hindi ko naisip na ang Castro ni mamita at ang Castro ni Prince ay related.

Hindi ko na hinintay na makasunod pa si Prince sa akin.  Sumakay ako sa kotse ni mamita at doon ako nagtago at naghintay.  Nung huli ko syang makita,  para lang syang napako sa tabi ni lolo Peter.  Hindi rin sya makapanilawalang tulad ko.

Sa loob ng kotse, tulala lang ako.  Hindi ako makaiyak kasi alam kong wala nang magagawa ang mga luha ko.  Magulo ang utak ko.  Ayoko ng mag-isip pa.  I want peace.  

Habang nasa state ako ng malalim na pag-iisip, may kumatok sa bintana ng kotse....

Si Mark.

Jay's Life Where stories live. Discover now