Chapter 47 - Noon, Ngayon, at Magpasawalang-hanggan.....

76 0 0
                                    

"I love you... I do love you Jay."  ang buong pagmamahal na sabi sa akin ni Mark habang nakatitig sya sa mga mata ko at hawak ang aking mga kamay.  "I love you more Mark."  ang sagot ko naman sa kanya.  

"Antagal kita hinintay Jay.  Hindi mo lang alam kung gaano mo ako napasaya ngayon.  Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang tuwa.  Gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na mahal na mahal kita.  Gusto kong malaman ng buong mundo na ikaw ang babaeng para sa akin noon.... ngayon....... at magpasawalang-hanggan....."  ang sabi ni Mark pagkatapos ay hinalikan nya ang mga kamay ko.

Kung alam lang ni Mark na mas masaya ako.  Sa sobrang kaligayahan, di ko mapigilan na mapaiyak.  Nagtaka si Mark.  "Jay?  Bakit?  May nasabi ba akong masama?  Di mo ba nagustuhan?  Ayaw mo ba?  Nabigla ka lang ba?  Ano?  Bakit ka naiyak?"  ang pagtatakang sabi nya.  

Napatawa naman ako bigla sa sobrang daming tanong ni Mark.  Yung alam nyo yon, na ayaw ka nya masasaktan ganon.  "Hindi Mark.  Totoong mahal kita.  In fact, tama ka.  Simula pa noon..... magpahanggang-ngayon...... at sa dulo ng walang-hanggan.....mahal na kita.   Sobrang mahal na kita."  ang buong puso kong sabi kay Mark.  "Pangako ko syo Mark,  kahit anong mangyari andito lang ako lagi sa tabi mo.  Kung saan man tayo makarating, ikaw pa rin ang forever ko.  Hinding-hindi ka mawawala sa puso ko dahil wala ng iba itinitibok ito.  Ikaw lang."  ang maramdamin kong sagot kay Mark.

Napaiyak na rin si Mark gawa ng sinabi ko.  Para kaming mga baliw.  Tumatawa.  Umiiyak.  Tapos tumatawa ulit.  Ganito ba talaga pag sobrang saya ang isang tao?  Masyadong overwhelming ang mga pangyayari ngayon.  Basta sobrang ligaya lang naming dalawa.

Dahil dito, ipinagpaalam ako ni Mark kay mamita.  I-cecelebrate muna namin ang araw na ito.  Officially, kami na ni Mark.  Boyfriend ko na sya.  Girlfriend na nya ako.  Kami nang dalawa.  Jay loves Mark, Mark loves Jay.  Hay.... ang sarap ulit-ulitin.  Para akong nasa ulap.  I'm on a high :)

Magkahawak-kamay kami habang naglalakad sa mall papunta sa favorite namin kainan na resto.  Halos lahat ng makasalubong namin, nangingiti sa aming dalawa ni Mark.  Paano ba naman, HHww kaming dalawa.  (HHWW? Ano yon?)  Hindi mo alam yon?  E di Holding-hands-while-walking :P  (Sus, yun pala yon hahaha!)

So ayun, nakarating naman kami sa paroroonan.  Sa loob ng resto, dun pa rin kami umupo sa favorite spot namin.  Sakto naman andun din pala sina Alou at John.  Kaya nakasama namin sila mag-celebrate sa okasyon na ito.

"Grabeeee bestieeee!!! Sobra akong happy para syo.  Oh my G!  Hindi ako makapaniwala na kayo na talaga.  After waiting for sometime ha.  Finally, naging kayo na rin."  ang sabi sa akin ni Alou nang nasa c.r. kaming dalawa.

"Bestie ha, OA ka na jan.  Mas tuwang-tuwa ka pa kesa sa akin nyan." ang nakangiti kong sabi kay Alou.  "Loka,  natutuwa lang talaga ako.  Finally masaya na ang love life ng bestie ko.  Hindi ka na malo-lonely kapag lumalabas tayo kasi may kapartner ka na."  sabay tawa ni Alou.

 Paglabas namin ng CR, di kami muna lumapit sa mga boys.  Pinanood muna namin sila mula sa tinatayuan namin.  "Bestie, tingnan mo si Mark.  Bagay na bagay talaga kayo. "  ang bulong sa akin ni Alou.  Napangiti naman ako sa sinabi nya.  "Oo bestie, wala nang ibang babagay sa akin.  Si Mark lang."  bago pa mag comment ulit si Alou ay hinila ko na sya pabalik sa table namin.

Pag-upo ko sa tabi ni Mark, "Akala ko nakakita ako ng anghel na papalapit sa akin.  Ikaw pala yon."  ang nakangiting sabi sa akin ni Mark.  "I love you Jay."  ang sunod nyang sinabi.  "I love you, too" ang sagot ko naman sa kanya. (napagkay suwit nyo naman!)

Si bestie at John naman, gaya-gaya.  Sobrang nakakakilig daw kami ni Mark.  Kaya ayun tawanan at kulitan ang nangyari sa amin sa resto.  Para sa akin,  isa na ito sa mga magagandang araw simula ng naging kami na ni Mark.  I'm so in love. <3

I'm hoping and praying na ma-work out namin ang relationship na ito :)

Jay's Life Where stories live. Discover now