Chapter 22 - Friendzone?

150 4 0
                                    

Kasama ko si Mark nang hapon na iyon.  Nag-aayos sya ng mga school papers at requirements nya para magtransfer sa other school.  Ang lungkot naman noon.  Hindi ko na sya makikita next school year.  Sabagay malapit na rin ang  bakasyon kaya inaayos na nya ang mga papers habang maaga pa.

Hindi naman malayo sa school namin ang lilipatan nya.  Just a few blocks away lang.  Buti na lang hindi sa ibang lugar or something.  At least magkikita pa rin kami.  Okay na sa akin yon.  Pero bakit pa siya lilipat?  

Afterwards, sinamahan nya ako para makapag-unwind.  Nag treat sya ng meryenda sa malapit na mall.  Natawagan na rin nya si mamita para ipagpaalam ako kaya okay lang na makapunta kami sa mall at pinayagan naman ako.

Habang kumakain, actually hindi ako makakain (bakit naman ateng?).  Eh kasi nga malungkot pa rin ako dahil kay Prince.  Kaya tahimik lang ako habang isinasawsaw ko ang french fries sa catsup na parang may hinahalukay ako.

"Jay, kung gusto mong i-share sa akin ang problema mo at kung bakit ka umiiyak kanina.... I'm willing to listen."  ang sabi ni Mark.  Napatingin ako sa kanya pagkatapos noon ay ibinalik ko ang attention ko sa pagsasawsaw ng fries sa catsup.

"O, kulang pa ba ang catsup mo?  Wait lang ha hihingi pa ako sa counter."  ang akmang tatayo si Mark.  

"No mark.  Okay na ito.  Sorry, hindi yata ako masayang companion ngayon."  ang malungkot kong sabi at binitiwan ko na ang french fries na nagkalasog-lasog na sa catsup.

"Hindi Jay, okay lang yon.  Naiintindihan ko naman.  Alam ko naman na bad mood ka kaya ka lang ganyan."  ang nakangiting sabi ni Mark.

Ang mga ngiting ito........ namiss ko ng sobra.

Tinitigan ko si Mark.  Naalala ko ang mga happy times naming dalawa.  Pati na nang lumayo sya sa akin.  Hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatingin sa kanya.

"Jay, may dumi ba ako sa mukha?  Uy! Okay ka lang ba talaga?"  ang nakakagulat na sabi ni Mark.

"Ha?  Ah wala Mark.  Na miss lang kita kaya ganito.  Ang tagal mong nawala."  ang sagot ko kay Mark.

"Jay, hindi ako nawala.  Hindi mo lang namamalayan pero lagi kitang tinitingnan.  Hindi na kita nilalapitan kasi alam kong masaya ka na kay Prince.  Ayoko naman na guluhin ko kayo.  Nakikita ko kung paano ka nya alagaan.  Noong nasa ospital ka, andon din ako kaso hindi na ako lumapit pa kasi alam kong your in good hands.  Mahal na mahal ka ni Prince.  Sinasabi nya lagi sa akin yan."  ang kwento sa akin ni Mark.

"Talaga bang mahal nya ako?  Pero bakit ganon?"  ang pagtataka kong sabi kay Mark.

"Anong bakit ganon?" ang tanong din sa akin ni Mark.

Hindi ko na napigilan pang hindi ikwento kay Mark ang mga nangyari noon sa Tagaytay at ang nangyari na nakita ko kanina sa gym ng school.  Sinabi ko rin sa kanya na sobrang nasaktan ako at kitang-kita kong namula si Mark na para bang galit na galit sya at nakita ko rin na sumara ang mga kamay nya na parang may gusto syang suntukin.

Matagal syang natahimik  at ito ang sinabi nya sa akin...

"Jay, ipinangako ko sa sarili ko na hahayaan kita kung saan ka masaya.  Dahil alam ko  na mahal mo sya at sya ang pinili mo.  Pero ang hindi ko kayang makita ay yung ginaganyan ka nya.  Kinausap ko sya na wag ka nyang sasaktan at wag ka nyang papaiyakin dahil ako ang unang-unang uupak sa kanya kapag ginawa nya yon."  ang galit nyang sabi.

"Nevermind okay na naman ako.  Wag mo na lang syang patulan.  Huwag mo akong isipin, bahala na."  ang nasabi ko kay Mark.

"Hindi pwede yon Jay.  Nangako sya sa akin.  Usapang lalaki sa lalaki yon.  Pero hindi nya tinupad.  Kilala ko ang babaeng sinasabi mo.  Si Nadine yon... childhood sweetheart ni Prince.  Super close ang family nilang dalawa.  Kababalik lang ni Nadine galing sa states.  Ang alam ko bago umalis ng Pilipinas si Nadine ay nag break sila.  That was a year ago?  Pero sa kwento mo, I think para kay Nadine hindi pa sila tapos."  

Hindi ako agad sumagot kay Mark.  Baka nga hindi pa tapos ang relationship nina Prince at Nadine.  Ako eto, nasa isang tabi umiiyak dahil sa nakita ko.  Pero baka friendly kiss lang yon. (may friendly kiss bang sa lips ateng?).

Pero di ba sa States ganoon ang batian, may kiss na kasama?  (di ren!)

Pumatak na naman ang mga luha ko.  Hindi ko talaga mapigilan.  Tumabi sa akin si Mark sa upuan.  Niyakap nya ako, alam mo yung parang sinasabi nya na everything will be okay, I'm here for you'  parang ganon.

"Jay, sorry.  Lumayo ako syo dahil alam kong masaya ka pero dahil doon napabayaan kita.  Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.  I promise you na hinding-hindi na ako lalayo pa.  Kaibigan kita at hindi matutumbasan yon."  ang pag-aalo sa akin ni Mark.

Aw!  Friendzone?  Parang lalo akong nakaramdam ng sakit nang marinig ko yon.

Jay's Life Where stories live. Discover now