Chapter 14 - Nalilito ang puso

178 3 0
                                    

Tama nga ang mga kaklase ko.  Sabi nila malamang na magka boyfriend na ako ngayong Valentine's Day.  Ang sarap pala ng feeling.  Yung alam mong kayo na ng lalaking magpapasaya sa'yo sa bawat araw.

Sabay kaming umuwi ni Prince nung hapon na yon.  Hmmm, mejo shy pa kaming mag-holdong hands (hihihi) kaya wala pa kami dun sa HHWW (holding hands while walking).  Akalain mo, yung lalaking antagal ko nang pinapangarap, eto o, boyfriend ko na.  Parang kailan lang....

Pagdating sa bahay, nagmeryenda kami, naggawa ng mga homework namin, nag review ng onti tapos pinagkwentuhan namin yung pangyayari kanina.  Hindi ko na binanggit ang tungkol kay Mark.  (anong nangyari sa mga flowers?).  Ahh, pinauwi ko kay bestie.  Dadalhin na lang daw nya dito sa bahay.

Nakakahiya kaya kung malaman nya pa e di ba nga magboyfirend na kami ni Prince.  So yon, dumating si mamita.  Nagulat ako sa ginawa ni Prince.  Tumayo sya tapos nagmano sya kay mamita.  Tapos noon, sinabi nya kay mamita na kami nang dalawa.  Niyakap nya si mamita.  Si mamita naman mejo nabigla din pero ngumiti naman ulit.  Napatingin sya sa akin na parang may ibig sabihin.

"This calls for a celebration!"  ang sabi ni mamita.  Nakahinga ako ng maluwag.  Akala ko nagalit na sya.  Nagluto si mamita ng famous nyang adobo.  As usual ipagmamalaki na naman nya ito.  Katulad nung unang punta ni Mark dito sa bahay.

Si Mark... Nasaktan ko sya.  (oo nga tama ka jan) Bigla akong nalungkot.  Bakit masakit sa pakiramdam?  Hindi ba dapat masayang masaya ako?  Pero bakit parang hindi totoo ang saya kong nararamdaman.  Parang superficial lang..... alam mo yon?. (ano daw?)

Pagkatapos naming magdinner, nagpaalam na si Prince.  Susunduin nya daw ako bukas at sabay na kami papasok sa school.  Fine with me. :)

Nang nasa kwarto na ako, pumasok si mamita. "Can I come in?" ang sabi nya.  "Opo naman po mamita." ang sagot ko naman sa kanya.  Naupo sya sa gilid ng kama ko at sinuklay ang buhok ko.

"Alam mo Jay, hindi naman ako against na magkaroon ka ng boyfriend.  Basta ang mahalaga masaya ka at hindi mapapabayaan ang pag-aaral mo.  Alam mo ang mga dapat at mga hindi dapat mong gagawin.  Pinalaki kita ng nasa tuwid at huwag mong kakalimutan ang mga pangaral ko syo."  Ito ang sinabi sa akin ni mamita.  Tumango naman ako at naintindihan ang bawat pangaral nya.

Tumayo na sya para magpahinga na rin.  Nang may bigla syang naalala.  "Iha, akala ko ba si Mark ang gusto mo?  Panong nangyari na si Prince ang sinagot mo?  Gusto ko rin sana ang batang yon para syo."  ang tanong ni mamita.  Napatingin ako sa kanya.

Hindi agad ako nakasagot.  Tama sya.  Si Mark talaga ang gusto ko.  Sa puso't isipan ko sya na talaga.  Kaya lang parang napasubo na ako sa pagkakasagot ko kay Prince.  Nabigla ako sa pangyayari kanina.  Dapat pala pinag-isipan ko munang mabuti.  Hindi ko dapat sya sinagot dahil lang sa sobrang sweetness na pinakita nya.

"Jay, alam kong nalilito ka.  Habang mas maaga, ayusin mo agad ito.  Mahirap yung niloloko mo ang sarili mo pati na si Prince.  Kawawa naman ang batang yon.  Mag-usap kayong mabuti para magkaintindihan kayong dalawa."  tama si mamita, niloloko ko nga ang sarili ko.

"Mamita, anlaki ng kasalanan ko sa kanilang dalawa ni Mark at Prince."  ang malungkot kong sabi kay mamita.  "Don't worry, everything will fall into the right place."  pag-aalo nya sa akin.  

Nasaktan ko si Mark dahil sa sinagot ko si Prince.  Pag nakipagbreak naman ako agad kay Prince, masasaktan ko din sya.  OMG!  Ano ba tong pinasok ko?  (ikaw kasi eh, nakakita ka lang ng malaking tarpaulin sinagot mo na agad).

Hindi tuloy ako nakatulog nang gabing yon.  Ano ba yan?  Kakasagot ko lang kay Prince.  I should be happy.  (pero di mo magawa?)  OO! hindi ko nga magawa.  Naiisip ko pa din si Mark.  (e di wag mong isipin).  Pano ngang di ko iisipin eh yung maamo nyang mukha ang nakikita ko.... ang chinito eyes nya...ang lahat ng sya, naiisip ko yon. (di ba dapat si Prince iniisip mo?)

Oo nga.  Silang dalawa ang iniisip ko.  Masaya naman ako (luka! kakasabi mo lang hindi eh).  Hay ano ba talaga... ?  Nalilito na ako.  Itutulog ko muna ito.  Bukas na bukas din kakausapin ko si Prince.  Kailangan naming linawin lahat-lahat sa aming dalawa.

Jay's Life Where stories live. Discover now